Kabanata 51: Letting Love Free NATAPOS ang kanilang salu-salo na may saya a kanya-kanyang mukha. Hindi talaga maitatanggi ni Denzel na ang saya lang kasama ni Nicholas kahit pa’y nagkaroon na sila ng pagitan dalawa. “Doon na muna kayo sa sala at amin lang itong ililigpit,” ani Lauriate. “Hoy, nakakahiya... tutulungan na kita, ano ka ba.” “Shh, bisita ko kayo kaya hindi pwedeng gawin mo ito. Sige na, hindi pa naman namin huhugasan to, e. Tatakpan lang namin at lilinisin ang mesa para walang mga makadapong mga insekto.” “Sigurado ka ha?” Gusto talaga ni Denzel na tumulong. Paano naman kasi, silang dalawa lang ni Nicholas sa sala at sobrang nakakailang iyon. “Yes, siguradong-sigurado ako.” “Okay,” ngumiti si Denzel. Nahihiyang siyang tumalikod sa mag-asawa at bumalik na siya sa sala.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books