"Good morning baby." Baby? Napakalamig ng umagang ito para sa napakasweet na pambungad sakin ni Xeno. "I miss seeing you in the morning. I really miss us, Athena." Nakakapanayo tuloy ng balahibo ang mga linyang naririnig ko ngayon. Maaga pa akong nagising para hugasan ang mga pinggang naiwan namin kagabi pero heto at naabutan ko siyang katatapos lang maghugas. Pakanta-kanta pa itong nagpupunas at nagbabalik ng mga kitchen ware sa lalagyan. Hmm. Ibang iba na talaga si Xeno. "Wag ka ngang ewan dyan Xeno. Doon sa Cagayan mo lang naman ako nakasama at nakikita sa tuwing paggising mo. You hated my existence before." tinaasan ko siya ng kilay. Tinawag niya pa nga akong tanga dahil sa dinami dami ng lalaki sa mundo siya pa ang nagustuhan ko. Ngumiti lang ito sakin sabay tapik sa balikat ko.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books