༻❝ SAMIRRAH ❞༺
Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata. Medyo madilim dahil sa madilim na kulay at makapal na mga kurtina at nababalutan ng katahimikan ang sumalubong sa aking umaga.
Pinagpasyahan ko nang bumangon pero napaimpit ako sa sakit. Daig pang nagkalasog-lasog ang buong katawan ko, pero ang mas dinadaing ko ay ang sakit ay ang ibabang bahagi ng aking katawan. Saglit ako napatulala. Sinasariwa ko kung ano ang nangyari kagabi - oh right, last night is my wedding night. Nang ma-realize ko ay napasapo ako sa aking mukha at napahilamos. Tama, simula sa araw na ito, I'm not a single lady anymore. I'm already a married woman who need to serve her husband, for life.
Bumaba ang aking mga mata sa aking katawan. Natagpuan ko na lang na wala na akong ni isang saplot at tanging puti at makapal na kumot lang ang pangtaklob sa aking katawan. Biglang sumagi sa isipan ko ang pangyayari ng gabing 'yon. Malinaw na malinaw at hinding hindi ko makakalimutan kung ano ang mga negatibong nararamdaman ko nang nakaharap ko na siya sa araw mismo ng aming kasal na siya din ang unang beses naming pagkikita nang mata sa mata, na simulang inihayag na siya ang papakasalan ko. He never showed up even in our engagement party. He only told my parents he's busy and I couldn't believe they allowed him to do that! It's cruel and inappropriate! Ni hindi man lang niya naisip kung ano ang mararamdaman ng mapapangasawa niya ng araw na 'yon! Walang pinagkaiba na pinahiya niya sa ako sa harap ng mga bisita!
Oh well, sino ba naman ako para mag-demand? Isa lamang akong estranghera sa buhay niya at ganoon din siya sa akin.
Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Napaisip tuloy ako kung tama ba ang desisyon kong ito? Na pumayag magpakasal ako sa taong hindi ko naman mahal? Kung mapapasaya ko kaya ang pamilya ko sa lalaking malaking mapapakinabangan nila pagdating sa negosyo? Is it really worth it?
"Are you really sure about this, Samirrah?" taas-kilay na tanong ni Radellia, my half-sister. Nasa likuran ko siya at nakasandal sa tabi ng pinto ng dressing room.
Umangat ang tingin ko sa salamin na nasa aking harapan. Nakita ko siya sa pamamagitan ng repleksyon. She's wearing a black spaghetti strap dress na may slit sa gilid. Naka-alon ang kaniyang buhok. She even wearing her favorite shade of lipstick. She gave me a mocking smile na isinawalang bahala ko 'yon.
"I'm really sure, Radellia." lakas-loob kong tugon sabay bawi ng aking tingin. Pinaglalaruan ko ang aking mga daliri para maibsan ang kaba na unti-unting umaahon sa aking sistema.
Hindi mabura ang mapang-asar niyang ngisi. "Ikaw na nga ang legal na anak, ipinamimigay lang. How poor of you."
"Do you think? Siguro. Naisip yata nilang sa wakas ay may pakinabang na ako para sa negosyo nila." sabi ko, inaalis ang pait sa aking ngiti.
'Unlike you.' gustuhin ko man idugtong 'yon ay huwag na lang. Ayokong magkagulo kamo sa mismong araw ng kasal ko.
Nawala na parang bula ang kaniyang ngiti. Napalitan 'yon ng malamig na tingin. Tumaas muli ang isang kilay niya. "The question is, how can you be sure? Are you going to be happy with a total stranger?" saka tumawa siya na may panunuya. "Oh, right. You are a good daughter, I forgot. . . Lahat pala ay gagawin para mapansin ng mga magulang. What a desperate b*tch."
"Radellia," I called her with a warning tone.
Nagpakawala siya ng hakbang palapit sa akin. Bigla niyang inikot ang aking kinauupuan na medyo ikinabigla ko. Yumuko siya para magkalebel ang aming mga mata. "Pero hahayaan mo lang bang abusuhin habambuhay Samirrah? Hindi na uso ang pagiging mabait at martir sa panahon ngayon."
Hindi ko magawang sumagot pa. Ako na nag mismong sumuko sa tagisan ng titigan naming dalawa. Kung makikipagtalo pa ako ay wala rin akong mapapala. Imbis ay itinuon ko na lang ang aking tingin sa ibang direksyon. Ayokong magpaapekto sa mismong araw ng aking kasal. Tama, doon na lang ako mag-fofocus, hindi sa walang kuwentang bagay na sinasabi niya.
Hindi rin nagtagal ay may kumatok sa pinto ng silid na ito. Sabay kaming lumingon ni Radellia doon. Kusa 'yon nagbukas ay tumambad sa aming ang isang babae na naka-uniporme, panigurado kasama o tauhan ito ng wedding organizer na na-hired namin.
"Excuse me, Ms. Siannodel. Nakahanda na po ang lahat. Okay na po ba kayo?" she politely ask.
Sa aming narinig ay kita ko kung papaano tumayo ng tuwid si Radellia, samantalang ako naman ay umalis na sa upuan. Agad ako dinaluhan ng bagong dating na babae para alalayan ako. Inangat niya nang kaunti ang wedding gown na suot ko. Simple lang naman ang pagkadesign nito pero hindi maitanggi ang pagiging elegante nito lalo na sa mga sequins at disenyo na nakaukit sa tela, lalo na sa ibabang bahagi hanggang laylayan na nakakabit ang lace fabrics.
Inabot na din niya sa akin ang bridal bouquet na agad ko din tinanggap.
Tahimik lang lumabas ng silid. Nakasunod lang sa amin si Radellia. Sa pagkatanda ko, napagdesisyonan nang sa mismong five-star hotel gaganapin ang mismong kasal at reception, hindi ko lang maitindihan kung bakit hindi na lang sa simbahan gaganapin ang kasal? Hindi naman kami salat sa pera at ang mapapangasawa ko, lalo na't nalaman kong tagapagmana daw ito ng isang malalaki at sikat na kumpanya sa ibang bansa. At isa pa, hindi daw talaga nakabase ang negosyo nila dito sa Pilipinas, kungdi sa bandang Europa. Hindi ko lang alam kung saang eksaktong lokasyon doon. Ayon din sa sinabi ni daddy, wala daw itong dugong Filipino. Kaya kinakabahan ako kung papaano ako makikipag-usap sa kaniya. Inalam ko kung anong nationality niya pero bigo akong sagutin. Pag-aaralan ko sana ang lenguwahe nila so I can communicate. If ever.
Huminto lamang kami nang nasa harap na kami ng malaking pinto ng bulwagan, kung saan gaganapin ang kasal. Napalunok ako. Humigpit ang pagkahawak ko sa mga bulaklak. Nagtaas-noo ako. Pilit kong pinapakalma ang aking sarili.
Dahan-dahang nagbukas ang malaking pinto. Tumambad sa akin ang engrandeng disenyo ng silid. Makikita doon ang pagiging elegante at sumisigaw sa karangyaan! Bumaba ang tingin ko sa sahig. Kita ko ang red carpet kung saan ako magmamartsa bilang aisle. Sinenyasan na ako ng kasama kong babae na pumasok na. Sumunod ako. Nagpakawala na ako ng hakbang. Sa aking pagmamartsa ay pasimple kong sinulyapan ang mga bisita dito sa loob. Napapansin ko lang ay puro mga kamag-anak at mga kakilala ng pamilya ko ang naririto. Hindi ba makakarating ang pamilya ng lalaking 'yon?
Nang tumama ang tingin ko sa altar ay doon ako napahinto sa paglalakad. Umawang ang aking bibig nang makita ko na walang groom sa altar, tanging magkakasal lang sa amin ang naroon. Bumilis ang t***k ng aking puso.
Where is my groom?
Does he runaway?
Na-realize ba niya na ayaw niya palang magpakasal sa akin?
Mapapahiya na naman ba ako?
"Sam!" tawag sa akin ni daddy na agad kong binalingan. Nasa gilid siya ng aisle. "What are you doing?" matigas niyang bulong, sakto lang upang marinig ko siya.
"B-but, dad. . ." I trailed off. Muli akong tumingin sa altar. Hindi nga ako nagmamalik-mata. Wala nga roon ang groom!
Ano 'to? Ipapakasal ko ang sarili ko?
"Just continue walking, Sam. Whatever it takes, this wedding must go on. Baka late lang siya."
Pero ang mas nakatawag ng aking pansin ay ang iilang bulung-bulungan ng mga bisita sa aking paligid. Alam kong pinag-uusapan na nila kung anong nangyayari ngayon.
Lumingon ako sa pinto. Hindi ba talaga siya susulpot?
Hindi agad ako makagalaw. Napalunok ako. Nagtaas-baba ang aking dibdib. Unti-unti ko na naman nararamdaman ang kaba at takot sa akin. Unti-unti akong binabalutan ng dilim. Ramdam ko rin ang panlalambot ng aking mga binti na anumang oras ay maaari na akong matumba. Kung may lakas lang ako ng loob, tatakbo na ako palabas sa lugar na ito. Gusto kong umalis at magpakalayo sa kahihiyan na dulot sa akin!
What should I do?
"Wala talagang pakinabang 'yan sa angkan natin." matigas na wika ng matandang kamag-anak namin.
"Maganda nga siya, pero hindi ko aakalain na napakawalang kwenta pala niya." rinig ko pa ang boses ng isang lalaki.
"Kahit sa campus, sinasabi nila, she has a beauty but no brain. Too bad." saka bumungisngis pa ito, kasama ang kaniyang kausap.
"Iyan na nga lang ang gagawin niya, palpak pa." kung hindi ako nagkakamali, boses 'yon ng isa sa mga tiyuhin ko, ang pinsan ni daddy.
"Sam, what are you doing? Walk!" rinig kong sabi ni kuya Braxton, ang mas pinapaboran nina mommy at daddy.
Parang nanunuyo ang lalamunan ko. Ramdam ko na rin ang namumuong maiinit na likido sa aking mga mata. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Nalilito na ako. Gustong gusto ko nang tumakbo pero tila may nag-uudyok pa na may pumipigil sa akin. Sinasabi na maghintay kahit nasa ganitong sitwasyon na ako.
Mas lumalakas ang bulung-bulungan sa paligid. Nanginginig na ang labi ko. Mas humigpit pa ang pagkakapit ko sa bulaklak at sa palda ng aking wedding gown. Tila kakapusin na ako ng hininga sa lagay kong ito!
Oh please, give me strength. . .
Biglang may malakas na kalabog mula sa pinto ng Hallway. Agad ako napatingin doon na nakaawang ang aking bibig. Nanlalaki ang mga mata ko nang tumambad sa akin ang isang matangkad na lalaki. He's wearing a black three piece business suit. A pair of black leather dress shoes. His wavy caramel color hair is the first thing I noticed as he walk on the aisle. He's wearing a cold, emotionless, yet dark face. My heart is shaking as I feel the dominance, intimidation and powerful aura in him!
Tumigil lang siya sa paglalakad nang nasa mismong harap ko na siya. Bumaba ang tingin niya sa akin. Nakatitig lang siya sa akin na tila pinag-aralan niya ako. Pero mas ikinagulat ko na bigla niyang hinawakan ang isang kamay ko at halos kaladkarin na niya ako patungong altar, kung saan nahihintay na doon ang magkakasal sa amin!
"Let's start this f*cking wedding." matigas niyang utos sa lalaking nasa harap namin.
Hindi maitago ang takot sa mukha nito ay agad nitong ibinuklat ang hawak na bible ngunit muli nagsalita ang groom na katabi ko.
"Oh, skip that f*ck and I hate bibles nor word of God. Let's proceed to the rings." saka itinagilid niya ang kaniyang ulo na parang may hinihintay siya.
May lumapit na banyagang lalaki sa amin, may inilabas mula sa kaniyang itim na coat. Yumuko siya ng bahagya sa gilid ng groom at inabot ang isang red velvet box. Mabilis niya itong tinanggap at binuksan.
Isang pares ng wedding ring.
Kinuha niya ang isa singsing. Marahas niyang kinuha ang isang kamay ko para ipadausdos 'yon sa aking daliri na walang exchanging of vows. Binigay niya sa akin ang natitira. Nanginginig ang kamay ko nang tanggapin 'yon. Maingat kong hinawakan ang kamay niya para isuot pero napaitlag ako nang binawi niya ang kaniyang kamay mula sa pagkahawak ko. Gulat na gulat akong tumingin sa kaniya. Doon ko napagtanto na may suot pala siyang black leather gloves. Hinubad niya ang isa doon na hindi matanggal ang tingin niya sa akin. Those cold and dark eyes. . .
Ibinalik niya ang kamay niya sa akin. "Faster." matigas niyang utos.
Halos napatalon ako, kasabay na napalunok ako. Sinunod ang kaniyang sinabi. Mabilis kong ipinausdos ang singsing sa kaniyang daliri.
"Boss, please sign these papers." wika ng lalaking nagbigay ng wedding rings sa amin. May hawak na siyang mga papel. Inabot ang fountain pen sa kaniya.
Walang sabi na hinablot niya ang mga naturang papel saka isa-isa niyang pinirmahan ang mga 'yon. Pagkatapos ay inilipat na sa akin ang papel pati na rin ang panulat.
"Madame," pormal na tawag nito saka nilahad sa akin ang mga papel.
Tumango ako nang tanggapin ko ang mga 'yon. Kahit nanginginig ang mga kamay ko ay pilit kong mapirmahan nang maayos ang mga papeles. Marahan ding itinuro sa akin ng lalaki kung saan ako pipirma. Pagkatapos ay naunang tumalikod ang groom. Malamig siyang bumaling sa akin. Dahil sa tangkad niya ay nagtataka akong tumingala sa kaniya.
"What the héll are you waiting for? Let's go!" kunot-noo niyang utos sa akin. Nauna na siyang naglakad, halos maiwan niya ako dito sa altar.
Taranta kong inangat ang aking wedding gown saka naglakad, iniingatan ko pa ang sarili ko dahil nanatiling nanginginig ang sistema ko. Ayokong matapilok.
"Let me assist you, Madame." wika ng lalaki, siguro ay assistant niya. Tulad ng groom, may suot din siyang black leather gloves.
"T-thank you." kahit papaano ay kumalma ako nang kaunti.
"Mr. Lombardi!" malapad na ngiti ang pagbati ni daddy sa groom ko. "I-it's nice to see you again!"
"Get the f*ck off my way, old man. You have already ruined my mood. Tsk."
He stunned. "A-ah. . ." napamaangan pa si daddy sa narinig. Sa halip ay hinatid lamang niya ng tingin 'yon habang naglalakad 'yon palayo.
"I apologized, Madame but we have to move faster. You can talk to your family some other time. The boss have an urgent meeting to attend to, but you can stay in one of his estates through his private plane." malumanay na wika ng lalaking umaalalay sa akin.
"O-oh! I-I see. Okay. . ." saka naghabol ako ng sulyap sa pamilya ko. Tulad ng inaasahan ay malamig na tingin ang iginawad nila sa akin, pero mas nanaig ang malapad nilang ngisi. It seems they're successful to get rid off me. In this family!
Namataan ko rin si Radellia na nakahalukipkip sa isang sulok. Malamig din ang tingin pero naiiling-iling siya. Nagbuntong-hininga nalang sa huli. She looks disappointed or something.
"This way, Madame. . ." the guy told me, nang lumiko kami sa isang daan ng hotel.
Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nasa pinakatuktok na kami ng gusali which is the helipad! There's a helicopter waiting for us. Lumingon sa amin si Mr. Lombardi, kunot ang noo dahil sa ingay ng helicopter.
Ramdam ko ang pagbitaw ng lalaki sa akin. Kita ko na lumapit sa akin ang groom at walang sabi na hinawakan ang isang kamay ko. Dinala niya ako sa loob ng helicopter pagkatapos ay tumabi siya sa akin sa pag-upo.
"Inform them they need to prepare. Tonight." malakas na sabi ni Mr. Lombardi sa lalaking assistant niya.
"I understand, boss." pormal na sagot ng lalaki. "Please have a safe flight." siya na mismong nagsara ng pinto ng sasakyan. Umatras siya palayo mula sa helicopter para umangat na ito.
"Wear this." utos niya sabay abot niya sa akin ang headphone. Hindi ako nagdalawang-isip na tanggapin 'yon. "From now on, you are going to stay in Girona."
"G-Girona. . .? Spain?" gulat na gulat kong ulit.
Sumulyap siya sa akin, tumaas ang isang kilay niya. "Why? We're already married. I already take you as my wife, so where are you suppose to stay if you are married to me, huh?"
Lumunok ako. "N-no, I. . . Understand." saka yumuko ako.
Nagbuntong-hininga siya. I heard him tsk-ed. "Those st*pid á*sholes. Because of them, I was late in my own wedding, f*ck."
Nanlaki ang mga mata ko. Ibinalik ko sa kaniya ang tingin ko. Bakas sa akin na hindi makapaniwala. Ibig sabihin, hindi talaga niya intensyon na iwan ako sa altar? Na pahiyain ako? Sadyang na-late lang talaga siya?
"Are you a f*cking vrgin?" bigla niyang tanong.
I parted my lips. Sa sobrang pagkabigla ay hindi ako makapagsalita.
He grinned. "What? Do you think the husband and wife were staring all day without a f*ck? Nah. Prepare yourself once we got there. After my meeting. I'm going to touch you all night. Without a break."
Sa hindi malaman na dahilan ay ginapangan ako ng kaba.
The wedding night. Yeah, right. . .
And this man right here, is so unbelievable! Halos manginig ang kalamnan ko sa presensya niya pa lang!