CHAPTER 16

2547 Words

"PAALAM, ATE!" anang Aiha nang matapos siyang kumain kasabay ang mag-ina. Lumapit kay Aiha ang bata at agad siyang niyakap nito. Ngumiti si Aiha. Dahil sa mag-ina ay gumaan ang mabigat na pakiramdam niya. "Sana bumalik ka pa, Ate Ganda." "Babalik ako at magdadala ako ng pagkain para sa inyo ng nanay mo. Basta, magpakabait ka palagi ha," anang Aiha nang humiwalay ang bata sa kaniya. "Opo," magalang na tugon nito kay Aiha. Humalungkat si Aiha sa kaniyang bag at kinuha niya ang kaniyang wallet. Kumuha siya ng pera at binigay ito sa ina ng bata. "Ate, alam ko na kulang pa ito para alisin kayo sa kung saan man kayo ngayon pero sana makatulong ito kahit papaano," sabi ni Aiha. Nakita ni Aiha paano gumulong ang butil ng mga luha ng babae. Nanginginig ang mga labi nito at hindi maisat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD