CHAPTER 10

3153 Words

INAARAL NI Aiha ang galaw ng kaniyang amo. Hindi kasi mapakali ang lalaki. Kanina ang sabi niya ay aayusin niya lang ang kaniyang suot upang makaalis na ito patungo sa trabaho. "Akala ko ay aalis ka?" Tumigil sa paglalakad ang amo niya at tinitigan siya nito. Umirap si Weiss na parang babae kaya ay halos matawa si Aiha. "Akala ko magtatrabaho ka? Malapit na kayang kumalahating araw, Lord Weiss." "Bakit ba gusto mo akong umalis, Aya?" Naningkit ang mga mata ng amo niya. Humakbang papalapit sa kaniya ang lalaki kaya ay tumayo na siya agad at hinablot niya ang kaniyang bag. "Lord Weiss, padaan po. Kung ayaw mong magtrabaho ay bahala ka. Pero, ako po? Gusto ko pong mag-aral," sabi ni Aiha sa kaniyang amo na nakaharang sa dadaanan niya. Tiningnan siya ni Weiss mula paa hanggang ulo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD