CHAPTER 6

2314 Words
UMUNAT SI Aiha. Minulat niya ang kaniyang mga mata. Umahon siya bigla at inayos ang kaniyang sarili. Huminga siya ng malalim nang natauhan siya. Wala siya sa kaniyang silid. Nasa silid siya ng kaniyang amo. "Kamote ka, Aiha!" anas niya. "Kapag malaman ito ng Mamang mo ay patay ka talaga. Bakit ka nakipag-inuman sa amo mo?" wika niyang mag-isa sa loob ng silid ng amo niya. Napakamot siya sa kaniyang ulo nang bigla siyang nakarinig ng pagkatok. Humakbang siya ng may pagdadalawang-isip papunta sa pintuan. Muling kumatok ang tao sa labas ng silid ni Weiss. "What the heck are you doing, Weiss!? Buksan mo ang pintuan! Bullshit, P're!" sigaw ng lalaki mula sa labas. Inisip niyang baka kaaway ng amo niya ang lalaki sa labas. Sa halip na buksan ang pintuan ay tumungo s'ya sa banyo. Kumatok siya ng kumatok. "Aya, is that you!?" pasigaw na tanong ng amo niya. "Oo, Lord Weiss." "Buti naman at gising ka na. Akala ko wala ka ng planong gumising pa," supladong sabi ng amo niya. "By the way, what are you doing here? Naliligo pa ako. Binobosohan mo ba ako?" Magsusungit din sana siya kaso namalayan niyang dapat ay naglilinis na siya sa oras na ito. "H-Hindi po, Lord Weiss," aniya. "May tao kasi sa labas. Parang galit na galit. Nagsisigaw-sigaw kasi. May utang ka bang hindi nabayaran?" dagdag niya. "Insane," anang amo niya. "Wala akong utang kahit kanino." "Baka inagawan mo ng kasintahan!?" "Hindi ako mang-aagaw. Ayaw ko ng gulo," anang amo niya. Sumandal siya sa pinto ng banyo. "B---Aray naman!" "Damn! Aya, naman!" Natumba si Aiha at nahila niya ang tuwalyang naikot sa baiwang ng kaniyang amo kaya naman ay agad na napabalik ang lalaki sa loob at sinarhan muli ang pinto. "Mag-sabi ka naman kasi kung lalabas ka na, Lord Weiss," pangaral niya sa amo niya. Binuksan ni Weiss ang pintuan at lumabas na siya mula rito. Nakasuot na ito ng puting T-shirt at pantalon na pang opisina. Sinigurado na nitong suutin ang mga damit upang kahit na mahila ni Aiha ang suot niya'y hindi na ito mahuhubad pa. "You're insane. So, kailangan pala na ako ang mag-adjust? Like, I am gonna adjust for the drunkard who slept comfortably on my bed? Really?" "Ano na naman minumuktal mo r'yan, Lord Weiss? Ikaw kaya ang tumagay sa akin. You handed me that goblet with an alcohol in it. Now, tell me that I'm the drunkard here," aniya. "You took it. You should've said 'no!'" Tinaasan siya ng kilay ng amo niya. "Wow! Sabi mo sa akin na punishment ko 'yon kasi nga'y pumasok ako sa silid mo na wala ang pahintulot mo. I took that punishment because I am your subject." "You're actually stating that my subject is a drunkard. Rest your case. Ayaw kong maki-argue sa baliw." Inirapan siya ng amo niya. Sinamaan niya ng titig ang lalaki. "Bakit ba galit na galit ka sa'kin? Ano ba ang ginawa ko sa iyo?" usisa niya. The man breathed heavily. Napalunok na lang siya nang ma-corner siya ng kaniyang amo. Nasa pagitan siya ng mga bisig ni Weiss. Matalim siyang tinitigan nito. Muli siyang lumunok nang nilapit ng amo niya ang mukha nito sa kaniya. Seryuso ang lalaki. May galit siyang nakita sa mga mata nito. "What you did? Good gracious dahil hindi mo ako sinukahan. But you kicked my face while you were sleep talking. Hinihintay ko lang na na mag sleepwalking ka, nakahanda naman akong magbukas ng pintuan para sa iyo. Pinatulog mo rin ako sa sahig," anang amo niya. "T-That's all your fault. Alam mong hindi ako umiinom ng alak pero pinilit mo ako," asik niya. "Did I? That's a punishment. Wether you like it or not, you still have to take it." "You punished me. Ikaw ang may kasalanan," giit niya sa amo niya. Her boss made half smiles. Bumuti ang kaniyang paghinga nang umayos ng tindig ang amo niya. Bumalik na rin sa tama ang ritmo ng pintig ng kaniyang puso na kanina'y daig pa ang tunog ng mabilis na paghampas sa tambol. "You were punished because you commited something," anang amo niya. "Wow! Alam mo, Lord Weiss, daig mo pa ang kamoteng bulok ang laman," taas-kilay na saad ni Aiha. "Maganda ang nasa labas pero bulok naman ang nasa loob. Sumusobra ka na ah! Hindi naman kasi kita ginahasa para parusahan mo ako," reklamo niya. "Wow ka rin! You made me sleep on the cold floor," anang Weiss. "Carpeted ang floor!" "Whatever! Natagalan ako sa pagligo dahil sa ginawa mo," anang amo niya. "Malay ko ba na puno pala ng mikrobyo ang sahig at magiging dahilan ng aking allergies," anang Weiss. Namumula na sila pareho. Pareho rin silang ayaw magpa-awat. Ayaw magpa-daig. "Aalis na ako! Bahala ka sa buhay mo," anang Aiha. "Bibigyan kita ng red card!" "I don't care! Kahit yellow card, green card at black card pa iyan ay wala akong pakialam," inis na sabi ni Aiha bago niya iwan ang kaniyang among ubod ng arte. Binuksan ni Aiha ang pintuan. Nakita niya ang isang lalaki na nakapush-back ang buhok. Makapal ang mga kilay nito. Mayroon siyang kulay abong mga mata. Makisig ang pangangatawan. Kaso ay mukhang pilyo rin ito. "Ang ganda naman ng sinag ng araw," hirit ng lalaki. "Walang araw rito! Nasa labas si haring araw. Tsk," supladang sabi ni Aiha at nilagpasan ang lalaki. "Maganda pala ang taste ng NGSB na iyon pagdating sa bebot ha," nakangising sabi ng lalaki. Hindi na ito pinansin pa ni Aiha. Galit siyang bumaba. Tinungo niya ang kusina. Abala ang mga kasambahay sa paglilinis at si Aling Belen lang ang nakita niya sa kusina. "Mabuti naman at magkasundo na kayo ng amo mo," komento ng ale. Binagsak ni Aiha ang kaniyang katawan sa ibabaw ng bangko. Masakit ang ulo niya. Kagabi lang kasi siya nakainom ng alak. Dinagdagan pa ng nakaiiritang ugali ng amo niya ang kasakitan ng ulo niya. "Kagabi, oo. Pero pagkagising ko ay bumuwelo na naman siya sa kaniyang kaartehan," sumbong niya. "Ganiyan talaga ang batang iyan. Minsan siyang dumalaw rito noong mga araw. Umuwi agad ng España dahil hindi niya natiis ang klima. Maputik din daw ang Pilipinas," natatawang kuwento ni Aling Belen. "Ang arte talaga! Kahit saan naman ay maputik. Depende na lang iyon sa iyo. Marami akong nakilalang maarte pero sobra na talaga siya," aniya. Patuloy lamang sila sa pagkukuwentuhan ng katulong. Napapasabunot na lang din siya sa sariling buhok habang nakikinig sa mga kuwento ng matanda tungkol sa metikuluso niyang amo. Kulang na lang ay maghahanap siya ng karayom at manyikang pangkulam upang kulamin ang amo niya. KAHAPON AY pinag-usapan nila ng kaibigan niya ang tungkol sa kaniyang planong pagpapatawag ng board meeting. Suhestiyon ni Cleint na aalis ito sa posisyon at ibabalik na ang upuan kay Weiss. He just made a sigh after remembering it. Sumakit ang ulo niya kaiisip tungkol sa pagiging amo ni Aiha at CEO ng Andromeda. This would make him insane like Aiha. Ayaw niya kasi na makasalamuha ng ibang tao ang scholar niyang probinsiyana. Kapag palagi na siyang pupunta sa Andromeda ay palagi niyang makakasama si Aiha. Ibig-sabihin noon ay makakikita ng mga panibagong makakausap ang kaniyang scholar. Hindi siya mapakali. Bumaba siya at hinanap si Aiha. "Where's Aya?" tanong niya kay Aling Belen. "Sino po si Aya? May bago ba tayong kasambahay, Sir Weiss?" Imbes na sumagot ay tanong ang sinambit ng kasambahay. "I'm referring to Miss Kaguran. Nasaan ba siya?" "Ay! Si Aiha." Lumingon ang ale sa isang kasamahan niya. "Pssst! Pepay, dumating na ba si Kanor at Aiha?" "Si Eneng? Wala pa. Ang sabi niya kanina ay magpapasama raw siya kay Kanor bumili ng mga kailanganin sa paaralan," anang Pepay. May kung ano'ng inis at kaba siyang naramdaman. "Saan sila bumili?" tanong niya. "Tawagan mo na lang si Kanor, Sir Weiss," suhestiyon ni Aling Belen. He made a sigh. Imbes na mag-paalam ay madali siyang lumabas at tinungo ang kaniyang sasakyan. Habang nasa loob siya ng sasakyan ay agad niyang tinawagan si Kanor. "O, Sir Weiss?" "Where is the insane lady?" tukoy niya kay Aiha. Natawa ang kausap niya sa telepono. "Why are you laughing?" "Wala po, Sir Weiss. Wala naman akong kakilalang baliw na babae." "T-That Aya! Nasaan siya?" "Nandito sa palengke." "Ano iyan? Is that a place?" "Oo! Isa itong magandang lugar. You can find everything here and all is expensive," anang boses ni Aiha. Malamang ay inagaw niya ang smartphone ni Mang Kanor. "If you want to come, halika na!" Matapos sabihin ni Aiha ang eksaktong lokasiyon ng sinabi niyang magandang lugar ay agad na pinaharurot ni Weiss ang kaniyang kotse papunta sa lugar na iyon. "There's no beautiful here," aniya sabay hablot ng kaniyang smartphone. He texted Kanor. To Manong Kanor: Already here. Tell her. From Manong Kanor: Papunta na si Aiha, Sir Weiss. Hintayin mo na lang. Pinasok niya sa bulsa ang kaniyang smartphone. Maya't maya ay natanaw niya na ang babaeng hinihintay niya. Nagmadali siyang lumabas mula sa kaniyang kotse. Hindi niya gusto ang suot ng dalaga. Isang fit na puting T-shirt ang suot ng dalaga. Kahit na mahaba ang palda nito ay hindi pa rin natuwa si Weiss. Bakat na bakat kasi ang mga bundok ni Aiha kaya'y hindi maipaliwanag ni Weiss ang inis na namayani sa isip niya. Sa isip niya'y kanina pa pinagpipiyestahan ng mga lalaki ang katawan ng dalaga. Puwersa siyang umiling at sinamaan ng tingin si Aiha. "Bakit ganiyan ka makatingin?" "Ano ba iyang suot mo?" Bakas ang inis sa boses niya. Umismid si Aiha. "Ano ba ang problema sa suot ko, Lord Weiss? Hindi naman ako tulad ng iba na nakapekpek short at crop top." Inayos niya ang kaniyang pagtayo. "Oh, really? Look at your ---Argh! Whatever, Aya! Umuwi na tayo!" Hinila niya si Aiha at binuksan niya ang pintuan ng sasakyan niya. Pumiglas ang babaeng hinila niya. Pinagtinginan na sila ng mga tao. "Bitiwan mo ako, Lord Weiss! Nakakahiya sa mga tao," anang Aiha. "Umuwi na tayo! I can buy you anything you want! And there's nothing beautiful here," aniya. "Huwag kang gumawa ng eksena rito, Lord Weiss! Baka isipin nila na asawa kita," awat ni Aiha sa kaniya. "Pinagtitinginan na nila tayo. May mga cute guys doon na nakatingin sa atin." Pumikit siya bago siya huminga ng malalim. He could control anything and anywho. But this woman is totally insane for not submitting to him. "Pinagtitinginan ka nila dahil sa suot mo, Aya!" "Teka nga lang! Ano ba nangyayari sa iyo? Bakit nagagalit ka riyan kung may mga lalaking tumitingin sa akin?" "They are fantasizing you! Ayaw ko na mapaano ka, Aya! Insane!" "Ikaw ang insane! Kung naiinggit ka ay magsuot ka ng masikip para bumakat ang boobs mo!" Inis na inis na si Weiss. "Nagseselos ka ba?" biglang tanong ni Aiha sa kaniya. He then swallowed. Bullets of tears start to form on his forehead. Ayaw niya ng pinapawisan siya. Ayaw niya rin ng tinatanong siya tungkol sa nararamdaman niya. Kahit na siya ay hindi niya kayang sagutin ang tanong ni Aiha. "Mas g-guwapo ako sa kanila, Aya! Mayaman ako! I can provide you anything you want!" sinabi niya. "Hindi naman sila maarte. Hindi sila metikuluso." Iniinis ba siya ni Aiha? "Hindi lahat ng tao madadaan sa guwapong mukha at yaman, Lord Weiss. Mas gusto ko iyong tulad nila," sabi ni Aiha sabay turo sa mga lalaking nagtatrabaho. Naduduwal si Weiss sa nakita niya. Natatalsikan ng dugo ng baboy ang isang lalaki. May iba naman na natutuluan ng dugo ng isa. He could not stand on it. Tumalikod siya at tumukod siya sa kaniyang kotse. He vomited. "Damn it! Guwaaaaark!" Hindi niya maisip na siya ang nasa posisyon ng mga lalaking kinagigiliwan ni Aiha. Kahit na malayo nga siyang nakatanaw ay para siyang mahihimatay habang nasaksihan niya ang pagtalsik ng malalansang dugo sa katawan ng mga lalaki. May isa pang nakahubad. Ang lagkit siguro ng katawan niya. "See? Ang problema sa iyo ay ang kaartehan mo! Diyan ka na nga!" "Aya, please naman oh! Umalis na tayo rito. Sa mall na lang tayo bumili. Not here, maawa ka sa akin," pagmamakaawa niya. "Mas mura rito. Hindi ko afford ang mga bilihin sa mall," anang Aiha. "I can. So, please, let us leave this place," aniya. Umiling si Aiha. "Ayaw ko! Mas gusto ko rito. Sandali nga lang, bakit ka ba kasi nandito? Umalis ka na nga kung ayaw mo sa lugar na ito. Mag-mall ka mag-isa mo! Ang dami mong hanas sa buhay mo," anang Aiha. Tinalikuran siya ni Aiha. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. "Aya!" tawag niya sa babae. "Fuckshit! She's insane!" anas niya. Wala siyang magawa kun'di sundan ang babaeng nilamon na ng mga tao sa palengke. "Excuse me. Excuse me. I said excuse me!" sigaw niya sa gitna ng mga tao. "Tuyo! Tuyo kayo riyan!" "Ano sa inyo, Sir? Pangsahog po? Karne po? Mura lang ang isda," sabi ng tindera sa kaniya. "Jesus!" sigaw niya nang matalsikan ng dugo isda ang kaniyang pisngi. Hindi siya natuloy sa paghahanap kay Aiha dahil nandiri na siya. Pakiramdam niya ay ikamatay niya na ang pagtalsik ng malansang dugo sa kaniyang mukha. Kumaripas siya ng takbo pabalik sa kaniyang kotse. Binuksan niya ang pintuan at agad siyang kumuha ng alcohol. Hinilamos niya ang alcohol. Isang bote ang hinilamos niya. Mabuti na lang at nagpapagawa siya ng sarili niyang alcohol nang sa ganoon ay hindi masira ang kaniyang mukha kahit na ihilamos niya pa ito. "Insane! Insane! This is yuck! f*****g yuck! Ang lansa!" reklamo niya. Hindi siya nakontento humubo at humubad siya. Tanging boxer na lamang at puting T-shirt ang suot niya ngayon. Doon na lamang siya nakahinga ng maayos nang mawala na ang malansang amoy sa buong paligid. Tinapon niya sa labas ang kaniyang mga damit at pati ang kaniyang sapatos ay tinapon na rin niya. "Damn," bulong niya bago siya nagmaneho papalayo sa palengke.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD