RAVEN BLAISE ROSS __ "Ms. Bel, puwede na po kayong lumabas." Mabilis pinatay ni Lottie ang TV gamit ang remote at sabay kaming napalingon kay Twiz. We both didn't expect that. Hindi agad namin na-absorb ni Lottie ang sinabi niya pero nang maintindihan namin ay mabilis kaming kumaripas ng takbo palabas. Nag-unahan pa kami ni Lottie pero pagdating namin sa main door ng bunker, naka-lock iyon. "Naiba na ba kung paano buksan? Dito, hilahin mo, Madame." Naaligaga kaming bukasan ang pinto at nagtalo pa kaming dalawa dahil hindi pa rin namin iyon mabuksan. Twiz cleared her throat. Tumigil kami ni Lottie at muling tumingin sa kaniya. "Hindi po sa labas ng bunker. Sa labas lang ho ng silid n'yo." Agad napasinghap si Lottie. "Ano ba 'yan..." I also felt disappointed. Nagkatinginan kami ni L