RAVEN BLAISE ROSS __ Tumingin lang ako sa labas ng bintana habang nasa biyahe. I didn't bother to look at him kahit nakikita ko siya sa gilid ng mata ko. I also got bored just looking in the dark. I pulled the lever so I could recline. Maganda ang upuan sa customized van niya. It felt like I was just lying on the bed. It was luxurious there pero mas gugustuhin ko pang sumakay sa kalabaw kaysa makasama siya roon. Sinadya kong tumalikod sa direksyon niya para hindi ko makita ang kahit anong anggulo ng anino niya. I wanted to sleep pero hindi rin ako nakatulog. Naging tahimik ang buong sasakyan sa dalawang oras na biyahe. Hindi ko siya kinausap kahit hanggang pagdating sa mansion. Sinundan ako ng tingin ng mga Siete Pecados at mga Thunder Cats na kasambahay. Para silang mga bubuyog na