bc

Ang Lihim ni Camila

book_age18+
27
FOLLOW
1K
READ
family
addiction
like
intro-logo
Blurb

Isang lihim ng nakaraan nais Ng tuluyang kalimutan ni Camila ngunit makalipas ang limang taon ay bigla na lamang nagpakita ang lalaking naging dahilan upang maungkat ang tungkol sa nangyari noon.

Magagawa pa kaya niyang takasan ito kung bihag na siya nito sa lugar kung saan niya ito unang nakilala?

***MATURE CONTENT***

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
MALALAKI ang hakbang na tinungo ko ang loob ng elevator. It can’t be him! Limang taon na ang nakalipas at tuluyan ko na siyang iwinaksi sa alaala ko. Marahil ay namalik-mata lang ako! Tinampal-tampal ko ang magkabilang pisngi ko saka marahang nagbuga ng hangin. Hindi totoong narito ang lalaking iyon sa building kung nasaan ako ngayon! “Cam, are you alright?” Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Si Marco. Isa siya sa kasamahan ko sa trabaho. “Marco?” Walang alinlangan na nagtago ako sa likuran niya. Nanginginig ang dalawa kong kamay. “M-medyo n-nahilo lang ako. Pwede bang sumandal muna ako sa iyo?” Bakas ang pagkagulat sa kanyang mukha ngunit naipagpasalamat ko na lamang na hindi na siya nagtanong pa. Unti-unti na akong kumalma nang pasara na ang elevator. Nagkamali lang siguro ako ng nakita. Pero bakit ngayon pa? Bumangon ang takot sa dibdib ko nang bumukas ulit ang pinto ng elevator. Tila malakas na dagundong ang hatid ng bawat yabag ng taong pumasok. Pigil ang hininga ko nang makita ang kulay ng suot niyang suit. Mariin akong napapikit. Katulad iyon ng suot ng lalaking iyon! Napakapit ako sa laylayan ng damit ni Marco nang tumabi ito sa akin. “What do you think you’re doing?” Ang boses nito ay makulog na nag-echo. “Are you harassing her?” “Excuse me?” Pumihit paharap si Marco. Pinantayan niya ng ang bawat titig nito. Hindi siya nagpatinag. “She’s my – “ Marahas na hinawakan ako ng lalaki sa braso ko. Bumukas ang pinto ng elevator at mabilis niya akong hinila palabas. Hindi niya alintana na nakakaagaw na kami ng pansin sa ibang tao. “Ano ba?” mahina subalit madiin kong sabi. “Bitiwan mo ako! Nakakahiya sa mga tao!” “Lalong nakakahiya ang gagawin ko kapag hindi ka maayos na sumama sa akin.” Gumalaw-galaw ang panga niya habang namumula ang mga matang nakatitig sa akin. “Don’t make me force you, Camila.” Ang tinig niya ay puno ng pagbabanta. “Bitiwan mo ako at maayos akong sasama sa iyo.” Hindi man lang ako nakapagpaalam kay Marco. Tiyak na naguguluhan ito dahil sa mabilis na pangyayari. “Don’t try my patience, Camila. Don’t play games with me or you’ll regret it.” Pinisil pa niya ang braso ko bago binitiwan. “Sumunod ka kung gusto mong hindi mapahiya sa harap ng maraming tao rito.” Saglit kong inayos ang damit ko saka sumunod sa kanya. Ni sa hinagap ay hindi ko inasahan na makikita ko siyang muli. Limang taon na ang nakalipas at kung hindi lamang sa expressive niyang mga mata at makaagaw niyang tindig ay hindi ko pa siya makikilala. Napakalaki ng ipinagbago niya. “Pwede bang bilisan mo?” Naiinip na tanong nito. Hawak-hawak niya ang pinto ng isang gray na kotse. “Hop in o gusto mo pang buhatin kita?” Walang salita na pumasok ako sa loob. May nakasalaming lalaki na nasa driver seat ng kotse at bahagyang ngumiti nang magtama ang mata namin sa rearview mirror. “Drive now.” “Yes, Sir.” Napuno ng katahimikan ang sunod na mga sandali. “Ano ba ang ginagawa mo? May ideya ka ba kung ano – “ “Will you please shut your beautiful mouth or I will crush your lips with my kiss!” may diin ang bawat salitang aniya. Napatingin ako sa driver na bahagyang sumulyap sa rearview mirror. Gusto ko pa sana magsalita ngunit hindi ko na itinuloy pa dahil sa takot na gawin ng lalaking nasa tabi ko ang sinabi niya. Tiyak na hindi na ako makakapasok sa trabaho. Lalo ko lamang gagalitin ang isang ito kapag nagprotesta ako at natatakot ako na maging dahilan pa iyon upang hindi ako makauwi. Gusto ko pang mabuhay! Isang pagkakamali na nakilala ko siya at labis kong pinagsisihan na nakita ko siyang muli. Napapikit ako. Wala akong ibang maisip. Pilit kong iniisip ang gagawin kong hakbang upang makatakas. Hindi bale ng mawalan ako ng trabaho; kahit na pangarap ko iyon. Ang mahalaga ay makalayo ako sa lalaking ayaw ko ng makita sa buong buhay ko. Napamulat ako nang maramdaman ang magaspang niyang kamay na humahaplos sa buhok ko. Sunud-sunod akong napalunok. Tinapangan ko ang loob ko na tingnan siya kahit na dinadaga ng takot ang dibdib ko. “Please, Val…” Hindi ko na alam ang sunod kong sasabihin sa biglang pagkunot ng kilay niya. Matagal ko ng iwinaksi sa isipan ko ang pangalan niya subalit walang kahirap-hirap kong nabanggit ngayon. Pagkagulat man ang rumehistro sa nukha niya, maging sarili ko ay ganoon din. Ngumisi siya na tila mag naglalaro sa isipan. “Alam mo pa palang tawagin ang pangalan ko, huh?” Napatitig ako sa pagtaas-baba ng adam’s apple niya habang abala siya sa paglalaro ng buhok ko. “It sounds so sweet. Camila. My sweet, Camila. I’ve been dying to hear you calling my name.” Sunod siyang pumikit at dinala ang ilang hibla ng buhok ko sa ilong niya saka nakapikit na sinamyo. Naipagsalikop ko ang dalawa kong kamay. Hindi ko kayang tagalan na pagmasdan siya. Unti-unting bumabalik sa alaala ko ang lahat pati na rin ang pinakaayaw ko ng balikan pa. Gumapang ang bolta-boltahe ng kuryente sa mga ugat ko kahit na iniwas ko na ang mata ko sa kanya. Ang mainit na pagdampi ng hininga niya ay nakaliliyo sa aking pandama. Para akong mabubuwal kahit na nakaupo lang naman ako. “Hindi ka pa rin nagbabago, Camila. Ikaw pa rin ang dati kong Camila. Akin ka pa rin, Camila. Noon at hanggang ngayon,” aniya. May kung anong nagbabadya sa boses niya na hindi ko mawari. “You’re always meant for me, my Camila. Makakapatay ako kapag may ibang naugnay na lalaki sa iyo. I want you all by myself. Mine alone.” I’m tensed. He’s a beast when it comes to his words. Pinaniwalaan ko iyon noon nan ais ko ng pagsisihan ngayon. I want to run away from him. Kahit saang lupalop ng mundo ay pupuntahan ko, huwag lang muling mag-krus ang landas namin. Subalit paano ko gagawin iyon ngayon? Sa kalagayan ko ay mahihirapan ako kahit bumuga man lang ng hangin. I knew him. Hinding-hindi niya ako basta pakakawalan hangga’t – Napaigtad ako nang maramdaman ang labi niya sa punong tainga ko. He’s doing it again. Kagat labi akong pumikit. Naghihirap ang isipan ko sa kung anong sunod niya gagawin. Kung sana ay isa lamang panaginip ang lahat ng ito. Pipilitin kong magising; makikipaglaban ako hanggang sa tuluyan na akong makabalik sa normal kong buhay. “Relax, Camila. Patungo na tayo sa lugar kung saan nagsimula ang lahat,” bulong pa niya na ikinatayo ng balahibo ko. “Let me enjoy your neck while we’re on the way,” dagdag pa niya saka hinalikan ako. Gusto kong sumigaw ngunit walang nais na lumabas na salita sa bibig ko. Naikuyom ko ang kamay ko saka tahimik na nilalabanan ang paglandas ng luha sa mga mata ko. Kung heaven ang feeling na matagpuan ang tunay na pag-ibig, this could be my hell. Dahil isang demonyo ang lalaking nasa tabi ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
128.7K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.4K
bc

The Sex Web

read
133.5K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
91.4K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
38.8K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.8K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
35.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook