12th Blood: Sunday GUSTO sanang humagikhik ni Cattleya dahil sa nakakakiliting sensasyon sa kanyang leeg na nagpagising sa kanya. Ngunit naalala niyang nasa silid siya ni Seige dahil sa mga naganap kahapon at batid niyang si Seige din ang nagpapaulan ng maliliit na halik sa kanyang leeg na naghahatid ng sangkatutak na kuryente sa parteng iyon. She probably won’t get used to this feeling. Iminulat niya ang kanyang mga mata. He stopped kissing her for a while, smiled at her before kissing the tip of her nose. “Good morning.” Nginitian niya si Seige bilang tugon. “Good morning. What time is it?” Lihim siyang napangiwi sa pagkapaos ng kanyang tinig. Mukha ngang naparami ang nainom niya kagabi. “It’s past nine AM. Breakfas