14th Blood: Alpha Dangers HALOS itapon na ni Cattleya ang lahat ng damit na madadampot niya mula sa closet papasok sa suitcase na nakabukas at nakapatong sa kanyang kama. Hindi niya pinapansin ang dalawa niyang kapatid na kanina pa nagsasalitan ng pagsigaw at pagbulyaw sa kanyang tainga. Gusto nang umigkas ng kanyang kamay kaya’t magpasalamat sila’t may hawak siyang mga damit. “Nababaliw ka na talaga! Sa’n ka pupunta ng lagay na ‘yan?” patuloy na sigaw ni Edge sa kanya habang nag-iimpake siya ng gamit. “Magba-bakasyon! Hindi ba obvious?” “In the middle of February? Tanga ka ba? Anong damo ba ‘yang hinithit mo? Napasobra ka ba ng inom kagabi?” “Anong problema sa February? Anytime and any month is suit for a vacation! Eh sa gusto ko n