16th Blood: Bond Speaking SIRA ulong kakambal. Walang konsiderasyon. Ano bang tingin ni Edge sa tren na sinasakyan nila, lilipad para lang makarating sa Alexandria ng gano’n kadali? Ang sarap lang niyang paslangin. Alam ba niya kung gaano kahirap ang bumyahe habang minamadali ka minu-minuto? “Umuusok na ‘yang ilong mo, Cattleya.” Inirapan ni Cattleya si Kino. “Heh!” Tumawa ang binata pagkatapos ay saka seryosong sinabi, “Maybe it’s really that urgent.” What’s so urgent with Seige na kailangang minu-minuto eh binubulabog ako? “Don’t think so. It’s just my stupid ex-mate.” Sukat doon ay muling natawa si Kino. “Wrong. Hindi mo kahit kailan pwedeng lagyan ng term na ‘ex’ ang mate mo. If he’s