Chapter 9
(Third Person's POV)
Padabog na bumukas ang pinto ng tinutuluyang apartment ni Eren at pumasok don si Jace. Gulat nyang tinitigan ito at dinaluhan.
"Anak ng---" Nanlaki ang mata nya, "So it's true?! Talagang nagpunta ka sa kumpanya ni Veronica?!"
Tinapik nya ang kamay ni Eren tsaka nya nilagpasan ito, "Tsk. Shut up, Eren."
"Dude, seryoso? I thought Theodore was only joking!"
Naupo ito sa couch at napasuntok sa mesa na naging dahilan ng pagkakaroon ng crack non dahil gawa iyon sa salamin. Napapalunok namang sumunod sa kanya ang kaibigan na nag-aalalang nakatingin sa kanya.
"Theo called me, He told me to pick you up because someone beat you into a pulp. Akala ko biro lang kaya hindi ko inintindi." Natahimik sya ng samaan sya ng tingin ni Jace.
"Damn that bastard Seph! Pakielamero, he doesn't know his place! Bullshit."
"Seph? You mean yung boyfriend nya?" Nanlalaking matang tanong nya.
Binigyan nya ito ng matalim na tingin, "He's not her f*****g boyfriend! He's just her new secretary for godsake!"
"Wait---what?! You mean that Vero's new secretary did that to you?!"
Putok na kanang mata, pasa at iilang sugat sa mukha na natamo ni Jace mula sa pakikipag-suntukan kay Seph kanina. Hindi nya din inasahan na susuntukin sya ni Seph, akala nya ay umalis na ito pero talagang nabigla sya ng suntukin sya neto at walang habas na hinatak palayo kay Veronica. Take note, literal na hatak palayo.
"Look at your face!" Iniharap nya yung maliit na salamin sa mukha ni Jace, "Para kang nakipag-sparring sa boksingero!"
"Shut up! It's not my fault that I gain these fuckin bruises!" Tinabig nya yung kamay ni Jace, "He punch and literally dragged me off of the floor! That boastful asshole. I don't know where province he came from but f**k him!"
"You fuckin deserve it douchebag!"
Sabay silang napalingon sa taong nasa pinto at syang nagmamay-ari ng boses. Padabog nitong nilapag ang mabigat na sportsbag at mabibigat ang hakbang na naglakad palapit sa dalawa.
Mabilis na naagapan ni Eren ang kadarating lang na babae mula sa tangkang pagsugod kay Jace.
Umirap si Jace, "You didn't told me that your wife is here."
"f**k that thick face of yours! Ang kapal ng mukha mong pumunta sa kumpanya ni Veronica!" Nilingon nya si Eren na nakayakap sa bewang nya at tsaka ito binatukan, "T*ngina! What the f**k are you?! A panda?! Don't hug me from my waist you gago!"
"Stop it, JR. Kagagaling mo lang sa kampo, aren't you tired already?" Hinigpitan nya ang kapit sa bewang neto, "Did you forgot to put a filter on your mouth again? Jeez." Pinagpapawisang saad ni Eren sa asawa nya.
Dinuro ng babae si Jace na ngayo'y makatitig sa kanya habang nakakunot ang noo.
"If you ever think that Veronica will still come back to you then you're wrong." Naniningkit nitong saad, "Gago, Hindi tanga yung kaibigan ko para magpakabobo sa isang katulad mo."
Bumakas ang pagkairita sa mukha ni Jace at akmang magsasalita ngunit hindi na nya itinuloy, lalo na ng makita nya si Eren na inaawat-awat ang asawa neto.
Wala syang nagawa kundi ang bumuntong hininga nalang at tiisin ang ingay ng bunganga ng asawa ng kaibigan.
(Seph's POV)
"N-naku. Maraming salamat sa libreng tanghalian." Kinamot ko yung ulo ko, "T-tsaka na a-ako manlilibre kapag nakasahod na ko..." Napaisip ako saglit bago natawa, "He he he... I-ikaw nga pala n-nagpapasahod s-saken."
Makailang beses naman syang kumurap bago tumawa. Ang lutong ng tawa nya, napatingin tuloy sa amin yung ibang mga customer na papasok palang nung hotel restaurant kaya nginitian ko nalang sila. Grabe, nakakahiya naman ang ingay nyang tumawa. Mula nang pumasok kami, nag-usap, kumain at hanggang sa paglabas ng restaurant ay ibang klase talaga yung lutong ng tawa nya.
"Oh em gee! That's freakin funny!" Anya sabay hampas sa balikat ko. Aray. Hindi ko maintindihan, anong nakakatawa doon?
"He he he... Nakalimutan ko kasi."
Nagpatuloy lang sya sa pagtawa habang panaka-nakang kinukurot yung braso ko. Napipilitan nalang akong makisabay ng tawa sa kanya bilang pagtanaw ng utang na loob sa paglibre nya saken. Kahit na medyo masakit dahil ang hahaba ng kuko nya at ang tutulis. (T^T)
"Anyway highway, my dear secretary~ You can go home naman na." Ano daw?
"Go home?" Tumango sya, "Eh paano yung naiwan kong trabaho sa office mo?"
"Gosh, I can take care naman na those. Besides, you can take home na yung other paperworks then send it to my e-mail nalang."
Umiling ako, "Hindi tamang iwan ko nalang basta yung trabaho ko---" Natahimik ako nang ilapat nya sa labi ko yung hintuturo nya na tila pinatatahimik ako.
"Shh!" Saway nya, "Sephy~ As much as I want to crush those lips of yours with mine, still I won't do it because I don't want to make out with you in this parking lot." Tinapik nya yung labi ko, "And I want more than make out."
"M-ma'am naman-s**t!"
Mura ko sa gulat ng bigla syang lumapit sa kanang bahagi ko tsaka ako nakaramdam ng kung ano sa leeg ko kaya napalayo ako sa kanya.
"Oh my gosh! You look so hot when you cuss! Do it again! Do it again!"
Anya na sinabayan pa ng malakas na tawa nya. Ano nanamang ginawa nya? Kinagat nya nanaman ako? Bat ba kagat ng kagat tong babaeng toh? Parang hindi sya pinapakain sa kanila.
"Don't call me ma'am!" Anya pa, "Or I'll rape you na for real!" Humawak sya ulit sa labi ko at nilaro iyon.
Nagrambol nanaman yung sistema ko dahil sa mga pinagsasabi nya. Hindi ko na tuloy matukoy kung bumalik na ba sa dating kulay yung mukha ko o nanatiling kulay pula. Hays, mukhang hindi na talaga sya magbabago.
Bumuntong hininga ako para pakalmahin yung sarili ko. Okay, kaya naman sya ng pasensya ko. Mahaba kaya yung pasensya ko.
Hinawakan ko yung kamay nya para maalis sa labi ko, "O-okay. Veronica, secretary mo ko. Dapat lang na gawin ko ang trabaho ko."
Ngumiti sya at biglang ikinawit yung braso nya saken, sobrang higpit ng pagkakakapit nya saken na tila mawawala ako pero hinayaan ko nalang sya. Kahit naman sawayin ko sya ay hindi din sya aalis sa pagkakakapit saken.
"Okay! Then let's get back to work, my dear secretary!"
***
"Seph, ito na yung financial report na hinihingi mo mula sa department namin." Saad ng isa sa mga department head.
Matapos kasing kumain ay bumalik kami sa kumpanya nya. Ang dami pa nyang sinubukang gawin at kung ano-ano nanamang sinasabi nya pero hinayaan ko nalang. Pagkatapos non ay dumiretso na sya sa opisina nya at hindi na ulit pa lumabas.
Binasa ko yung nametag na nasa gilid ng polo ng department head na nag-abot sakin ng polo, Sya pala si Louie.
Nginitian ko sya bago tinanggap yung folder mula sa kanya, "Salamat, Louie."
Binuksan ko iyon at isa-isang ini-scan ngunit natigil ako ng maramdamang hindi pa sya umaalis, nakatayo pa rin sya sa harap ng table ko at nakatitig saken. Bakit naman kaya? May mali ba sa itsura ko?
"Uhm... May... sasabihin ka pa ba?" Alinlangan kong tanong.
Mukhang nagising naman sya mula sa pagtitig saken kaya ngumiti sya, "Ah... Ano... Meron sana akong itatanong..."
"Ah." Tumango-tango ako kasi parang wala talaga syang balak umalis, "B-baka may gusto kang itanong o a-ano. Wag kang mahiya saken."
Matapos kong sabihin iyon ay bigla nyang ibinagsak yung dalawang kamay nya sa mesa ko na nagpaigtad saken sa gulat. G-galit kaya sya?
"Hindi mo ba ko matandaan?"
"Huh?" Naguluhan ako sa tanong nya.
Bumuntong hininga sya at inayos ang suot nyang salamin na may napaka-kapal na lente bago tinuro ang sarili, "Ako toh. Si Louie the great."
"..."
Tinitigan ko syang maigi... Louie the great...?
"Uh... Ikaw? Si Louie the great?"
Ngumisi sya, "Yan! Naalala mo na? Huh?"
"Hindi."
"P*ta," Nawala yung ngiti nya, "Seryoso? Pre, Highschool! Alalahanin mo! Louie the great? Hello?!" Umirap pa sya sa hangin matapos sabihin iyon.
Tila isang mabilis na flashback ang nagplay sa utak ko matapos nyang sabihin yon. Sumilay ang malawak na ngiti ko nang maalala ko na sya. Hala! Kaklase ko sya dati!
"Lulu taba?!"
"P*ta anong lulu taba?! Louie the great sabe!" Nanggigigil nyang saad kaya tumawa ako at tumayo para yakapin sya, "Yak! Wag kang masyadong yumakap saken!"
"Lulu! Hahahaha! Namiss kita!" Tinapik ko yung balikat nya, "Grabe, ang gwapo mo na!"
"Hoy! Matagal na kong gwapo!"
"Pumayat ka na din! Hahahaha!"
"Payat naman ako dati!"
"Pero 4XL yung size mo dati? Ngayon magkasize na tayo!" Muli ko syang niyakap pero panay naman ang tulak nya saken.
"Dati yon pwede ba?!"
Pinakalma ko muna yung sarili ko bago sya tinadtad ng mga tanong at kinamusta. Ganon din naman sya saken, pareho kaming aligaga habang nagbabatuhan ng mga tanong sa isa't isa.
Dati ko syang kaklase noong highschool. Lagi kaming magkasama pati na din nung iba pa naming mga kaibigan, nakakatawa sya pero mabait tapos sobrang taba kaya imbes na Louie eh tinatawag namin syang Lulu Taba. Namimiss ko na din syang yakap-yakapin tulad ng dati nung malambot pa sya.
Nakakalungkot lang at umalis sya pagkatapos ng highschool kasi lumipat sila dito sa Maynila para dito sya magkolehiyo. Sya lang am nahiwalay saming magto-tropa.
"Ang dami kong gustong itanong! Sabay tayong mag-lunch?" Anya matapos mangamusta kasama ang walang humpay nyang mura kanina. Hehehe. Ganon talaga young bnganga nya.
"Pasensya na, pero kasi kumain na ko." Kamot-ulong hingi ko ng tawad.
Tinitigan nya ako na tila nagulat, "Eh? Sino naman ang kasabay mong kumain?"
"Si Vero."
"..."
Paulit-ulit na kumurap yung mga mata nya na para bang hindi makapaniwala.
"V-vero?" Nanginginig nyang saad, "As in... V-veronica R-ruth? The CEO?"
Tumango-tango ako habang sya naman ay umiling-iling na tila nagbibiro lang ako.
"Hey, get lost."
Napalingon kami sa boses ng babaeng nasa likuran ni Louie. Madaling tumayo ng tuwid si Louie at sumaludo pa. Huh? Sino toh?
"G-good afternoon, M-maam Jhayrein!"
"Tsk. You're blocking my way, Louie boy."
Agad akong kabahan nang makita kung anong klase ng uniporme yung suot nya.
Hard leather boots, camouflage overall, pusod ang buhok at naka-sumbrero din. Nakapamulsa habang nakalitaw ang kumikinang na dogtag sa dibdib.
At base doon sa mga pin na nakalagay sa dibdib nya ay natitiyak kong mataas ang katungkulan nya sa propesyon nya.
Pinasingkit ko yung mata ko para mabasa ang initials nya sa nametag na naka-burda sa uniporme nya.
'J.A.H. Gonzales'
Nilingon ko si Louie na sumesenyas na e-exit na sya kaya tinanguan ko lang sya bago ako muling lumingon sa babaeng nasa harap ko ngayon. *Gulp* Nakakatakot sya. Lalo na't napakasama ng tingin nya saken.
"G-good afternoon po." Bati ko ngunit halos makagat ko yung labi ko nang hampasin nya yung mesa ko. A-anong ginawa ko?
"Sino ka?"
Ilang beses akong lumunok para hindi ako mautal, "A-ako po si Seph Lazaro." Kinakabahan ako. Pakiramdam ko susugurin nya ko agad.
Umangat yung kilay nya habang sinisipat ako. *GULP* May nagawa ba ako sa kanya? Kung tignan nya ko eh parang napakalaki ng ginawa kong kasalanan sa kanya kahit di naman kami magkakkilala.
"Why the f**k are you occupying that seat?"
Nilingon ko yung upuan ko, tapos nilingon ko sya. *GULP* Hindi ba nya alam yung trabaho ko?
"S-secretary po ako---Ack!" Napa-igik ako nang hatakin nya yung kwelyo ng polo ko.
"Secretary?!" Lalong humigpit yung hawak nya sa kwelyo ko kaya medyo nasasakal ako, "Secretary pero may chikinini?! Gago ka ba?!" Chikinini?! Chikinini?! Saan?! Saan?! Saan?!
"A-ack! T-teka!" Kinakapos na ko ng hininga!
(>___<) Bakit lagi nalang akong napapa-away?
"Tawagan mo yung amo mong maharot!"
(Veronica's POV)
"We just broke up a few months ago yet you easily replaced me? Ganon ka na ba ka-desperadang makahanap ng katulad kong pilit umiintindi sa pag-uugali mo?"
I sighed after remembering those lines that he said earlier. Asshole, Seph understands me but that doesn't mean that I'm using him as a replacement like duh? He's just my secretary.
"We both knew na wala naman talagang ibang makakatagal sa pag-uugali mong yan kundi ako lang so stop acting like a bratty b***h, Veronica."
Stupid, Jace. Seph is with me for a week, It's impossible for him to resign. It's been a week na kaya, magre-resign pa ba sya? And he dare to called me a b***h? I'm not that foolish vero that he knew long ago na papayag na sabihan nya ng kung ano-ano.
"Yung ginawa mong pagtitiis nang kasama sya kahit na sinasaktan ka nya, isa yong palatandaan na nakadepende ka sa kanya at kaya ka lang nagtitiis sa kanya ay dahil alam mo sa sarili mo na baka wala ng iba pang kagaya nyang nakakaunawa sa... kung anong meron ka..."
I scratch my nape and yawn. Oh my gee, Seph is a one of a hell guy with a lots of wisdom. Why is he like that? Akala mo naman napakadami nyang naging karanasan sa pag-ibig na yan, he looked like virgin to me! My gosh, who says I'm depending myself to that douchebag Jace?! Hell no! I just love him before kaya natitiis ko sya! Napanguso ako, what the hell is he saying? Tsk. Weird.
I looked to the telephone ringing. Who dares to call me in the middle of my thinking?
"Who the hell is this and why are you calling me?" Diretso kong saad pagkasagot sa telepono.
"M-maam---" Oh my gosh, Seph's trembling voice!
"Seph, Sweety. Just call me Vero and we're good." He's so tense, laging kabado. Parang traumatized sa akin.
Then naalala ko yung pagmumura nya kanina, How sexy he is when he's cursing. Kailan ko kaya maririnig iyon? Yung mumurahin nya ko? My gosh, That's so wild.
"V-vero..." s**t, his voice sounds so sexy, para syang umuungol sa pandinig ko, "M-may babaeng n-naghahanap sayo."
Babae?
"Hmn... Who's that b***h?"
"A-ahm sya daw po si---Teka!"
Binaba ko na yung telepono, sakto namang bumukas yung pinto at nagdadabog na pumasok yung kung sino doon.
"Is that your new fuckin secretary?! What the f**k Vero---"
Pinagmasdan ko yung reaksyon nya. Natigilan kasi sya nang makita kung gaano ka-kalat. Oh dear, yung mga folders nga pala nasa sahig. Hindi ko na nadampot. Si Seph kasi ih. Feeling boyfriend.
"Did you f**k your secretary? Here? In your fuckin office?" Awang ang labing sabi nya, "How dare you..."
I widen my eyes in disbelief. Isa pa toh, what is she saying?
"What? No. Hindi pa." Advance naman netong mag-isip. I don't want myself getting banged in my table for pete's sake, I want my first experience to be done in my bed. Hihihi~
"P*ta hindi PA?" Nangigigil nyang saad.
I nodded, "Yep. Hindi pa. Excited ka, sis." I pouted, "Besides, Jace made that mess."
"T*ng *na wag mo nga akong i-sis-sis, Vero!" JR said while gritting her teeth, "I saw a fuckin hickey on his neck! What the actual f**k is wrong with you?!"
"Teka bakit ba bigla-bigla kang napapasugod dito sa opisina ko?" Tumaas yung kilay ko, "Akala ko ba nasa Iran ka ngayon?"
"That stupid Theo called me! Parang isang malaking p*tang *nang pasabog yung pag-anunsyo ng tanga-tangang gagong yon sa pagkakaroon mo ng secretary tapos dumagdag pa tong mga kingina mong mga kaibigan! Yung topaking Chryseis, Pa-virgin na Vasselisa at yung nag-a-angas-angasang si Charlotte! Plus the fuckin fact that that ex-asshole-boyfriend of yours did something to you!"
"Damn woman, What kind of mouth do you have?"
"Shut the f**k up!"
Okay, Don't get me wrong. JR is a girl, Her name is Jhayrein Arriane pero mas gusto nyang tawagin syang JR dahil same sila ni Charlotte---Boyish. But JR is the definitely definition of tomboy but she's not into tomboy fashion, if you know what I mean.
Idinantay ko yung ulo ko sa kanang kamay ko, hmnnn. Paano ko ba fi-filteran tong bunganga nya? She's too loud. Should I call her husband?
"But I'm fine now, Seph took care of it naman na. He dragged and beat the hell out of him. He's so damn hot while beating that crap." Kwento ko habang inaalala kung gaano ka-hot si Seph habang sinasapak si Jace. Oh, I want to make an appreciation announcement.
She made a cringe face while looking at me in disbelief, "Grabe. I want to kick your fuckin perverted ass!"
"Oh my gosh!" I grasp my own butt, "You're not Seph to do that!"
She facepalmed. Goodness, hindi nya pwedeng sipain yung pwet ko! Si Seph lang ang may karapatang humawak, pumalo, pumisil or sumipa sa pwet ko. I think my butt deserved to be touch by Seph.
"So he's been here for a week?" I nodded, "Then congrats. Nakahanap ka na ng bagong secretary, I hope he'll never do what that Jace did to you. Ayokong pumatay ng mga gago, I'm a soldier not a fuckin murderer."
My eyes went big.
"Oh c'mon! Seph is nice and cute!" Ngumuso ako habang iniisip si Seph, "And definitely burning hot! He has the rounded plumpiest ass that I've ever seen!" Nag-iinit yung pisngi sa twing naaalala yung matambok nyang pang-upo, "Bigger and softer than Captain America and Spider man!"
I saw how disappointed she is based on her freakin face. Gosh, what's so disappointing about it? Tama naman ako diba?
"It's been a fuckin week, Why don't you treat him something good?"
Natigilan ako, "Treat him what?" Kakalibre ko lang sa kanya kanina ah, isn't it enough?
"Give him some congratulatory gift or reward or something that will compensate everything that Jace did. Para na rin sa pagtagal nya ng isang linggo dito, aba! Tangina ang hirap mo kayang pakisamahan?! Dapat lang na makatanggap sya ng magandang regalo kahit papano!"
Regalo? Anong regalo?