Chapter 13

3556 Words
Chapter 13 (Jace's POV) "Let me through! I'll just get her and nothing else!" I pleaded to the guard. "Pasensya na ho ser Jace pero kasi mahigpit na bilin po ni Ser Theo at Miss Veronica na wag na ulit kayong papapasukin dahil blacklisted na po kayo." Hinging paumanhin ng guard, "Hindi naman po sasaktan ng security team si Miss Diane, siguradong maayos naman syang ilalabas dito." "Goddamn it!" Hindi ko naiwasang mapapadyak sa sahig dahil doon. Kanina pa ako narito pero ayaw nila akong papasukin, tsk! For pete's sake! Diane would have done something terrible by now! Baka kung anong gawin nya kay Veronica! I admit, It's my mistake for coming here in the first place last time pero damn! I didn't expect Diane to come here and rage like that. Tsk. Akmang kakausapin ko ulit yung guard nang may kung sinong humablot sa kwelyo ng polo ko. I saw the fiery eyes of Theodore but I didn't bother to flinch. I glared at him too. "Saan ka ba pinaglihi at ang kapal-kapal ng mukha mo?" Nginisihan ko sya, "Relax, Kung pakapalan lang din naman ng mukha eh wala ng tatalo sayo, Theodore." Lalong sumama yung tingin nya sa akin kaya inasahan ko na susuntukin nya ako, pero di ko inasahang ibang kamao ang tumama saken. Nabitawan ako ni Theo at napa-atras ako, takang tinignan ko sya dahil sa ginawa nya. Hinawakan ko yung pisngi kong sinuntok nya, masakit. Grabe. "Why the hell did you do that?" I ask. She glared before pointing her finger on me, "Wait for me here, Asshole." She gritted her teeth out of anger, "Kakaladkarin ko yung babae mo palabas ng kumpanya ko at ihahagis ko pabalik sayo, just wait and see!" Anya sabay pasok sa loob. I tried to follow her but Theo blocked my way with a smirk in his face. "Just wait and see nga daw diba?" He said with sarcasm. Naikuyom ko nalang yung palad ko sa inis. What's with her? That's the first time I saw her that mad. (Seph's POV) "Ahm... Sorry po, Miss Diane pero totoo po kasi talaga yung sinasabi ng security team na hindi darating si Miss Veronica dahil nagbilin na syang uuwi sya." Paliwanag ko sa kanya. Ngunit imbes na kumalma eh hinampas nya yung dibdib ko kaya napa-igtad ako, Kanina pa sya ganyan. Ayaw nyang makinig. Ayoko naman syang itaboy basta-basta dahil hindi iyon maganda. Nagpakilala sya bilang Diane, Hindi ko masyadong maintindihan kung bakit tinawag syang medusa noong umpisa pero habang tumatagal na nakakausap ko sya eh naiintindihan ko na. Masakit syang manampal. Alam kong namumula yung pisngi ko, grabe hindi ko inasahan iyon. Tinanong ko lang naman kung anong pakay nya kanina at inalok kung gusto nyang maupo or ng kahit anong maiinom kaso bigla nya akong sinampal na ipinagkibit balikat ko nalang. Suot ang kulay berdeng hapit na bestida gaya ng mga isinusuot ni Miss Veronica, mataas na takong at mamahaling mga alahas at bag. Makurba din yung katawan nya ngunit nababatid kong medyo lamang ng isang pulgada sa tangkad si Veronica, petite kasi itong si Miss Diane samantalang si Veronica ay mahahaba ang mga binti't braso. Siguro, hindi lang sya tinawag na medusa dahil sa wavy na buhok nyang umaabot sa balikat nya at kulay green ang dulo niyon, kundi sa mga salitang lumalabas sa bibig nya at yung paraan ng pakikitungo nya sa mga taong narito. Dagdag pa ang katotohanan na sya ang babaeng ipinalit ni Jace kay Veronica. "You insolent bastard!" Muli nya akong hinampas tulad ng kanina pa nya ginagawa, "I fuckin told you! Hinding-hindi ako aalis dito nang hindi nakakausap yang amo mo! And who the hell are you ba?! You keep on talking to me like you're some sort of a high authority!" "Ah... Hehehehe~ H-hindi naman po ma'am..." Kinamot ko yung ulo ko at hindi ko pinansin yung mga pahampas nya, pati bag nyang mamahalin hinahampas nya saken, "Sorry, Secretary lang po ako ni Miss Veronica." Lalong sumama yung mukha nya dahil sa sinabi ko at mas malakas na hampas yung natanggap ko mula sa kanya. Aray. Masakit. Napalunok ako, damang-dama ko yung inis doon sa hampas nya. "You asshole! Ikaw yung bumugbog sa boyfriend ko!" Napapikit ako at sinubukan kong umilag, "Walanghiya ka! You have no right to beat my boyfriend you bastard! Just so you wait and I'll file a case against you! Sisiguraduhin ko na mabubulok ka sa kulungan!" Napapapikit ako sa tinis ng boses nya. "Ah hehehehe pasensya na p-pero kasalanan naman nya..." Napapanguso kong katwiran. Totoo naman, kasalanan ng boyfriend nya. May karapatan naman akong gawin yon dahil nasasaktan nya si Veronica noong araw na iyon. Sinubukang lumapit ng security team sa amin para sana pigilan sya pero sinenyasan ko silang wag makialam. Napakamot nalang sila ng batok. Maski sina Louie at mang Carding eh napapangiwi sa twing hinahampas ako ni Miss Diane. Masakit pero okay lang, kesa naman magbasag sya ng mga kung ano-anong bagay dito, baka mamaya masugatan pa sya. "Pasensya na po talaga. Nauuhaw ka na ba? Baka nangangawit ka na, maupo ka po muna." Alok ko sa kanya, para kasing hinihingal na sya kaka-salita. Pinagmasdan ko sya na namumula yung pisngi, siguro galit na galit na sya. "You...!" Akmang susugod sya nang marinig naming lahat ang pagtunog ng elevator kaya nagtungo doon yung atensyon namin. Pati sya ay nahinto. Napalunok ako nang bumukas yung pinto ng elevator at mabigat ang paang naglakad palapit sa amin. Napalunok ako ng marinig kung gaano kalakas yung lagatok ng takong nya sa carpeted na sahig---oo, carpeted tong buong floor nya sa opisina. Nilingon ko si Miss Diane na humalukipkip na humarap sa kay Veronica habang nakangisi. Si Veronica naman ang nilingon ko na may masamang tingin sa kanya. Muli akong napalunok. *GULP* Malaking gulo ito. Minsan ko ng napanood na makipag-away ang kapatid kong si Stef noon sa mga dalagang kagaya nya nang magkaroon sya ng ka-alitan sa grupo ng mga kababaihan doon sa bayan namin. At sinasabi ko sa inyo, naki-awat lang ako pero umuwi ako na may pinakamaraming sugat at galos. "Well, Atlast you came. Masyado kang pabibo na pati ako na bisita mo ay pinaghihintay mo..." Saad ni Miss Diane pero natigilan sya nang lagpasan sya ni Veronica at dumiretso sa akin. Lalo akong napalunok, lahat kasi ng mata nila eh sa akin nakatingin. Maka-ilang beses kong kinurap yung mata ko para masigurong sa harap ko nga sya mismo huminto, hindi naman ako nabigo at ayun nga nasa harap ko sya. Pinanood ko lang sya nang iangat nya ang kamay nya at hawakan yung pisngi ko. Sinipat nya din young iban bahagi ng katawan ko na tila ine-eksamina kung may galos o sugat ako. "A-akala ko uuwi ka na..." Tinignan ko yung damit nya dahil hindi na iyon yung corporal attire na suot nya, panibagong hapit na bestida na parang ipinulupot dahil kitang-kita yung hubog ng katawan nya, "Pasensya na kung kinailangan mo pang bumalik dito." Imbes na sumagot ay sinundot-sundot nya yung pisngi kong nasampal ni Miss Diane kaya napangiwi ako. Bigla namang nandilim yung buong mukha nya at nilingon si Miss Diane. "What the f**k?! Did you hurt my secretary?!" Umalingaw-ngaw yung sigaw nyang iyon at lahat kami ay napa-igtad sa gulat, ang lakas kasi ng sigaw nya. Lumunok si Miss Diane bago sumagot, "So what?! He hurted my boyfriend first! Gumaganti lang ako!" Halos mapatalon ako nang ibagsak nya yung kanang paa nya sa sahig, malakas iyon dahil kahit may carpet at dinig namin yung malakas na impact non. "YOU IMBECILE PIECE OF s**t?!" Yay, napapangiwi nalang ako sa pagmumura nya, "HOW DARE YOU LAY A HAND ON MY SECRETARY?!" Napasinghap ako nang mabilis syang naglakad papunta sa direksyon ni Miss Diane na ngayo'y napapa-atras. Nahuhulaan ko na kung ano yung sunod na gagawin ni Veronica kaya't agad ko syang pinigilan sa pamamagitan ng pagpigil sa braso nya. Lumingon sya sa akin ng nakakunot ang noo, "What? Is there something wrong?" Umiling-iling ako, "W-wala naman." Marahan ko syang hinila pabalik sa harapan ko, "A-ayoko lang na l-lumapit ka sa kanya." Umarko ang isa sa mga kilay nya, "And why?" "P-pag lumapit ka kasi sa kanya, m-magsasakitan lang kayong dalawa." Kinamot ko yung batok ko, "Ayokong masaktan ka." Baka kasi magsabunutan sila, magkakasugat o galos nanaman sya pag ganon. Ganon din si Miss Diane, sayang naman ang ganda nila pareho kung magkakasakitan lang sila nang dahil lang sa hindi pagkakaunawaan. Mga ilang segundo kaming nagkatitigan bago sya ngumiti at biglang umangkla sa braso ko. Namula yung pisngi ko nang sumiksik pa sya braso ko na tila inuunan iyon kahit nakatayo kami. Tila nawala yung masamang ulap na nakapaligid sa kanya at napalitan ng mga naglulutangang mga bulaklak. "Oh my gosh Seph, I knew it! I know that you really care for me talaga!" Unti-unting humagod yung kamay nya mula sa braso ko pababa sa mga palad ko at hinawakan iyon, Magkahugpong ang kamay namin at mahigpit nya iyong hawak habang ini-sway-sway pa, Intertwine ba tawag doon? Oo, yun nga, "You don't want me to get near to her?" "Uhm..." Pinagmasdan ko yung nagpapacute nyang mukha kaya alanganin akong ngumiti, "Oo sana. Hehehe." Ayokong makakita ng away ng babae, nakakatakot. "Okay!" Sumenyas sya sa security team, "Escort Medusa---este Miss Diane, show her the way out of my building." Humigpit yung hawak nya sa kamay ko at sumandal pa sa balikat ko, "Oh Seph, I feel like I want to lay in my bed and sleep nalang. I'm so tired today!" Tumango-tango ako habang pinakikinggan syang magkwento ng kung ano-ano, pero yung atensyon ko eh na kay Miss Diane na kagat-kagat ang kuko habang masama ang tingin samin. *GULP* Mukhang sasabog na sya anumang oras. "How about you? Hindi ka ba nakakaramdam ng pagod or what---" "That's it?! I've waited for so long then you're just gonna ignore me for this... this..." Tinuro nya ako na tila di matukoy, "This disgusting secretary of yours?!" Eh? Disgusting? (—u— ')? Pinagmasdan ko yung sarili ko, matino naman yung suot ko ngayon kesa noong mga nakaraan dahil galing kay Theo tong mga damit ko. Hmn. Halata pa rin bang mahirap lang ako? Tila inaantok na tinignan sya ni Veronica, "Oh my dear rival-on-everything, stop killing my mood. Be thankful na ni-reschedule ko yung pagkaladkad ko sayo, don't worry, next time I'll really be glad to drag you out." Gumalaw yung kamay nya na parang nagsasabing 'Shoo Shoo'. "Veronica!" Gigil netong tawag sa kanya. "What?! Leave na! Hinihintay ka ng sira-ulo mong boyfriend sa baba!" Inis na sagot nito pero hinawakan ko sya sa balikat at agad naman syang ngumiti saken, "No, no. I'm not shouting. I'm calm. I'm calm." Kitang-kita ko kung paano ikinuyom ni Miss Diane yung kamao nya dala ng galit. *GULP* Mukha syang papatay. "You're so dead! Touch my boyfriend again and I'll make sure you'll regret it!" "Huh? Pero si Jace ang hawak ng hawak kay Veronica?" Taka kong tanong, "Diba?" Tumango-tango si Veronica habang kagat ang sariling labi. Biglang namula si Miss Diane, "W-whatever! I'm leaving not because you want me to, I'm leaving because Jace is waiting for me outside!" "S-sige. I-ingat ka po." Kinawayan ko sya. Nanlaki ang mata nya bago padabog na tinalikuran kame. Kasunod ang lahat ng mga bodyguards nya at security team ng kumpanya na sinisigurong lalabas na sila. Maski sina Louie at mang Carding ay sumenyas na aalis na din, kinawayan ko silang lahat. Nahinto ako sa pagkaway ng hawakan din iyon ni Veronica habang nakanguso. "Don't wave at her!!!" Kumurap-kurap ako, "Okay." Kami nalang na dalawa ang natira sa buong floor. Tinignan ko sya, nanatili syang nakakapit sa akin kaya napangiti ako. Mukha kasi syang inaantok. Ginulo ko yung buhok nya kaya nilingon nya ako. "What? Why are you messing my hair?" "Sabi mo inaantok ka?" Tumango-tango sya, "Mahiga ka muna sa kama doon sa loob ng opisina mo. Matulog ka muna." May kama sya doon eh, may kwarto kasi doon sa loob na pwede nyang tulugan. Umiling sya, "No." "Veronica." "I'm not going to sleep unless you sleep with me!" Bumuntong hininga ako at napakamot sa batok, "Pero may trabaho pa ako." Mariin nya akong tinitigan na tila nakikiusap kaya nginitian ko nalang sya ulit. Hindi sya titigil hangga't hindi ako pumapayag. *Sigh* "Doon nalang ako sa center table mo magta-trabaho, ayos lang ba? Hindi ako matutulog pero doon ako sa tabi ng sofa gagawa, doon ka nalang matulog." Sumilay ang nakakasilaw nyang ngiti, "O-kay!" *** Nahiga sya agad sa sofa nang makapasok kami sa opisina nya, habang ako naman ay dumiretso sa center table na malapit sa sofa nya. Ibinaba ko doon lahat ng folder at yung laptop na ginagamit ko sa pagiging secretary nya. "Are you sure you don't want to take a sleep?" Umiling ako, "Sure ka ah. I'm giving you the opportunity to sleep with me pero ayaw mo." Humalukipkip sya. Nginitian ko lang sya bago nagtungo sa isang pinto ng opisina sya. Kinuha ko ang unan mula sa kama pati na din ang kumot bago bumalik sa kanya. Inilagay ko iyon para patungan ng ulo nya tsaka ko iniladlad ang kumot sa katawan nya. Tinanggal ko din yung suot nyang sapatos bago nilagyan ng throw pillow na maliit yung paa nya. Buti nalang sakto yung laki nya sa sofa. Napansin kong nakatingin lang sya saken kaya naupo ako sa carpeted nyang sahig, doon banda sa paanan nya. "Bakit? May problema ba?" Tanong ko. Mukha kasing may iniisip sya. Imbes na sumagot eh hinaplos nya yung pisngi kong nasampal kanina ni Miss Diane, titig na titig sya doon. "She hurted you." Saad nya, "Just like how Jace hurted me the last time." Nangiti ako, "Ayos lang. Hindi naman ganoon kasakit. Isa pa, mas masakit yung ginawa nung Jace sayo." Makahulugan kong saad. Sumama yung mukha nya dahil doon sa sinabi ko, maya-maya'y inalis nya yung unan na nasa ulo nya at sumenyas na lumapit ako, "C'mon, sit here." Para walang away ay sumunod nalang ako sa kanya. Naupo ako doon samantalang umunan naman sya sa mga hita ko habang yakap-yakap ang tinanggal na unan. "Matulog ka na." Anya ko, tumango-tango sya pero hindi na man pumipikit. Tinitigan ko sya. Mukhang marami nga syang iniisip, dagdag pa yung mga inaasikaso nya dito sa kumpanya nya. Nakakamangha na sa ganitong edad nya ay nagmamay-ari na sya ng isang malaking kumpanya. Napapaisip tuloy ako, ganoon ba talaga ang mga mayayaman? Kapag nagka-anak sila, dapat ay maging mayaman din? Dapat ba ay humahalili na din ng kumpanya? Hindi ko maintindihan. "Stop staring at me. Naiisip ko tuloy na pinagnanasaan mo na ako." Saad nya tsaka hinawi yung iilang hibla ng buhok nya. Hindi ko tuloy napigilang matawa sa sinabi nya. Ipinatong ko yung kamay ko sa ulo nya at sinimulang suklayin yung buhok nya gamit ang mga daliri ko. "Why are you combing my hair? Magulo ba yung buhok ko?" Umiling ako, "Hindi. Ganito kasi ang ginagawa sa amin ni Nanay sa tuwing hindi kami nakakatulog noon. Isa-isa nya kaming ginaganito, sinusuklay yung buhok ng pabalik-balik gamit ang daliri. Ako lagi ang huli nyang pinapatulog kasi panganay ako." Natatawa ako sa tuwing naaalala ko iyon. Ayaw kasi ni Stefan na ginaganito sya ni Nanay kapag hindi sya makatulog, kaya napipingot muna sya bago sya mapapayag. "Looks like you're really close to your family." Huminto sya at biglang napa-isip, "How about your father then? Wala pa akong naririnig mula sayo about sa father mo, tell me something about him." Nahinto ako nang dahil doon. 'Father'? Kinuyom ko yung kamao ko at pinilit na kalmahin yung sarili ko, Si Tatay lang ang ama ko. Wala ng iba. Pinilit kong ngumiti, "Mabait si Tatay Nico, maalaga sya at makulit pero wala na sya ngayon. Namatay sya noong 2nd year highschool ako." "Oh. I'm sorry, I don't have any idea about that." Nakita ko yung pag-aalala sa mukha nya. Hindi ko naman sya masisisi. "Ayos lang. Matulog ka na, akala ko ba inaantok ka?" "I can't sleep pa rin eh." Ngumuso sya, "How about a song? Can you sing for me, Seph?" Namula yung buong mukha ko, Hindi kasi ako magaling kumanta. Wala din kasi akong alam masyadong mga kanta. Baka imbes na makatulog sya eh baka magwala sya, hehehehe. Nakakahiya. "A-ano w-wag na---" "Please?" Napalunok ako. Nagbu-beautiful eyes sya habang nakikiusap, bahagya pa nakanguso yung mapupulang nya kaya bumuntong hininga ako. Hays. Paano ako makakatanggi? "Okay, okay. Pero sinasabi ko na sayo ngayon palang na hindi ganoon kaganda yung boses ko, okay?" Tumango lang sya. Hmn... Ano bang kanta ang nakaka-antok? Ang hirap naman mag-isip---ah! Okay. Alam ko na. Hiding from the rain and snow Trying to forget but I won't let go Looking at a crowded street Listening to my own heart beat So many people all around the world Tell me where do I find someone like you girl Ipinagpatuloy ko yung pagsuklay sa buhok nya habang hindi naman nya inaalis yung tingin nya sa akin. Take me to your heart take me to your soul Give me your hand before I'm old Show me what love is - haven't got a clue Show me that wonders can be true They say nothing lasts forever We're only here today Love is now or never Bring me far away Hindi ko alam kung bakit pero nakakaramdam ako ng kakaiba. Para kasing hinahatak ako nung mga tingin nya. Ngayon ko lang napagmasdan ng malapitan yung mukha nya. Mukha lang syang maldita sa umpisa kung tutuusin, may pagka-matapobre din pero kung kikilalanin mo syang mabuti eh hindi naman sya masamang tao. Hindi lang maganda yung karanasan nya kaya ganoon nalang yung tingin nya sa mga katulad ko. Take me to your heart take me to your soul Give me your hand and hold me Show me what love is - be my guiding star It's easy take me to your heart Ang ganda ng mga mata nya, kulay itim iyon. Hindi brown pero matingkad. Makapal din yung mga pilikmata nya na talagang kapansin-pansin sa tuwing kumukurap sya. Tapos yung ilong nya, maliit pero matangos. Unti-unting bumaba yung tingin ko sa labi nya. Mapula iyon, hindi sobrang nipis, hindi din sobrang kapal, may maliit din syang nunal sa gilid niyon. Unti-unti syang pumikit. Standing on a mountain high Looking at the moon through a clear blue sky I should go and see some friends But they don't really comprehend Don't need too much talking without saying anything All I need is someone who makes me want to sing Take me to your heart take me to your soul Give me your hand before I'm old Show me what love is - haven't got a clue Show me that wonders can be true Pumikit na sya. Mukhang matutulog na sya, Unti-unti ko ding ipinikit yung mga mata ko at niyuko yung ulo ko para halikan sya sa noo nya. They say nothing lasts forever We're only here today Love is now or never Bring me far away Pero bakit? Bakit ganoon? Take me to your heart take me to your soul Give me your hand and hold me Show me what love is - be my guiding star It's easy... take me to your heart... Bakit imbes na sa noo ay sa labi nya lumapat yung mga labi ko? (Third person's POV) "Gigisingin ba natin sila?" Tanong ni Theo sa katabi nya. Nakahalukipkip itong nakasandal sa hamba ng pintuan habang nakakunot ang noong nakatingin sa dalawa. Nakahiga si Veronica sa mismong hita ni Seph habang yakap nito ang unan. Nakatakip din ng unan yung katawan nito habang si Seph naman ay nakasandal sa sandalan ng sofa. Bumaba ang tingin nya sa kamay ng dalawa na magka-hawak, naka-intertwine ang mga daliri ng mga ito na tila ayaw maghiwalay. Mahimbing ang tulog ng dalawa, ni hindi man lang naramdaman yung presensya ni Theo at ng kasama nito. "Uhm... K-kung gusto mo, ako na lang ang gigising sa kanila?" Mungkahi nya ulit. "No." Kumurap-kurap si Theo, "H-hah?" Umismid lang ang lalaki bago sya tinalikuran at nakapamulsa sa amerikanang suot na naglakad, kasunod nya si Theo sa likuran nya. Sumakay sila ng elevator nang tahimik, pinagpapawisan din sya habang hinihintay na magsalita yung katabi nya pero nagulat si Theo nang bumuntong hininga ito at nameywang gamit ang isang kamay habang ang kanang kamay naman ay pinanghihilot nito sa pagitan ng mga kilay nya. "Uh... K-kuya Vince?" Pumalatak ito ng tawagin nya kaya napalunok sya at nanahimik nalang. Isang malalim na buntong hininga ulit ang pinakawalan ni Vince habang ina-alala yung eksenang nadatnan nya sa opisina ng kapatid nya. Ang maamo nitong mukha habang nakaunan sa hita ng bago nitong sekretarya, ayaw nyang maputol yung tulog neto pero hindi din nya gusto yung nakita nya. "Tsk." Pagmumura nya, "My sister didn't really know how to restrain herself from falling for a guy."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD