Chapter 1
SEPH is pronounced as SEF
(Seph's POV)
"KUYA Seph miss na miss ka na po namin nina Nanay, Kuya Stefan, Ate Stef at Ate Stephanie, kailan ka po ba uuwi dito sa bahay natin?" Napapikit ako nang marinig ang malungkot na boses ng bunso kong kapatid na si Stephen, Humaplos ang lungkot sa puso ko dahil sa pagkamiss ko na sa kanila.
Napabuntong hininga ako bago ngumiti kahit hindi naman nila nakikita, "Wag kang mag alala stephen, uuwi si Kuya kapag nakaluwag luwag na. Hindi ako mangangako kung kelan pero ang promise ko sayo, uuwi ako." Hinilamos ko yung palad ko sa mukha ko ng marinig ko ang hikbi ni stephen bago pumalit sa linya ang kapatid kong babae.
"Kuya! Sorry, umiyak nanaman si Stephen. Inaalo sya ni Stephanie ngayon." Ani ni Stef na may pag aalala sa boses.
"Ayos lang," Matamlay na sabi ko, "Kamusta na nga pala ang inay?"
"Ayon, Nakaratay pa ren sa ospital, pero wag kang mag-alala kuya! Ang sabi ng doktor eh gumaganda naman na daw ang lagay ni nanay, wag lang daw syang papagurin dahil baka atakihin nanaman sya sa puso sa sobrang pagod." Tumango tango ako tsaka pinunasan yung pawis na nasa pisngi ko dahil nabawasan ng kaunti yung pag-aalala ko sa kanila.
"Applicant no. 53!" Tumayo ako nang sumigaw yung babaeng empleyado na nag-a-assist saming mga aplikante. Huminga ako ng malalim para pawalain ang tensyon sa katawan ko dahil hindi pwedeng hindi ako matanggap rito. Kailangang kailangan ko na ng trabaho lalo na't may mga gastusin sa ospital na kailangan kong bayaran bago matapos ang buwan.
"Sige stef, tatawagan nalang kita ulit mamaya." Ani ko bago tinapos ang tawag at ibinulsa yung cellphone na ibinigay sa akin ni Nanay noong gumradweyt ako ng hayskul dun sa probinsya namin. Simple lang yon at maliit kumpara sa gadgets ng ibang aplikanteng kasabayan ko na mukhang mamahalin at bagong bago, ang sakin naman ay lumang luma na at puro gasgas, isama mo na ang screen na may lamat na sa sobrang kalumaan.
Lumapit ako dun sa babae na agad namang sumenyas na sundan ko sya kaya yun ang ginawa ko.
Desperado na akong matanggap sa trabahong ito, nakatapos naman ako ng kolehiyo kaya nagdadasal ako sa panginoon na sana ay matanggap na ako. Sa dami kasi ng inaplayan kong trabaho simula ng gumradweyt ako ng college ay wala ni isa ang tumanggap saken, dahilan nila? Probinsyano daw kasi ako, mababa ang pinag-aralan ko at may pagka-mang mang daw, hindi ko alam kung bakit ganun ang tingin nila saken. Sa sobrang rami ng resume na ipina-print at ipinasa ko sa iba't ibang kumpanya ay walang nagbasa sa kanila ni isa. Laging nababasura ang resume ko kaya't nagdesisyon ako na kapag hindi ako natanggap ngayon ay uuwi nalang ako sa amin at doon mag-tatrabaho bilang magsasaka.
Mag li-limang buwan na ko dito sa maynila pero hindi pa ko natatanggap sa disenteng trabaho, paside-line side-line ako sa mga mini stores at supermarket pero hindi sapat ang kinikita ko para matugunan ang panga-ngailangan ng pamilya ko lalo na't malapit na ding magkolehiyo si Stefan. Kaya nang makita ko sa internet ang kumpanyang ito na naghahanap sila ng lalaking empleyado ay agad kong inasikaso ang requirements ko tsaka nagtungo rito para pumila.
Medyo kinakabahan ako habang nakasunod ako sa babaeng nasa harap ko kung kaya't medyo niluwagan ko yung necktie na suot ko, Kauna-unahan at kaisa-isa kong necktie, Naalala ko pa nung bago ako umalis sa probinsyang kinalakhan ko, Ibinigay toh saken ng mga kapatid ko na pinagtulungan nilang ipunan gamit ang perang ibinibigay ni inay sa kanila pambaon, goodluck charm daw para matanggap ako sa trabaho pero mukhang hindi pa ume-epekto ang charm na sinasabi nila.
Huminto ang babae sa tapat ng isang malaking pinto kaya napahinto din ako, Lumingon ito sa akin tsaka ngumiti ng malapad.
"We're here, the owner of the company is waiting for you inside. So," Lumapit ito sa akin at tinapik ang balikat ko kaya nagtataka ko syang tinitigan, "Goodluck sayo at kung matatanggap ka man, sana matagalan mo si boss." Saad nya tsaka nakangiting nilagpasan ako.
Napalunok ako sa sinabi nya at naramdaman ko ang bahagyang pamamawis ng palad ko habang hawak ang folder na may papeles ko. Kinabahan ako dahil dun, siguro naman hindi nangangain yung may ari ng kumpanya diba? Diba?
"Okay. Kaya ko toh." Pumikit ako ng ilang segundo bago pigil ang hininga na tinulak ang malaking pinto at dire-diretsong pumasok sa loob ng malaking opisina.
Napanganga ako ng tumambad sa akin ang ayos ng kwarto, hindi kasi iyon tulad ng inaakala ko na may lamesa ng boss, swivel chair, computer at iba pang mga gamit pang opisina. Mas madaling sabihin na isa iyong bedroom, magara at pangmayamang bedroom dahil elegante ang disenyo nitong pula at puti, iisipin kong nasa isang kwarto ako sa isang malamansyong bahay pero naalala kong nasa opisina ako ng boss. Opisina? Uso na pala ang kama, wide screen TV, sofa at ref sa loob ng opisina?
Napakamot tuloy ako sa ulo ko. Baka naman mali yung napasukan kong building? Imbes na kumpanya ay hotel ang napasukan ko?
"Take your seat, Make your self feel at home." Napalingon ako sa may ari ng malamig na boses at napalunok ako dahil sa nakikita ko.
Naka-roba lang na pula ang babaeng kalalabas lang mula sa isang pinto, hindi ko masasabing maganda lang ito dahil walang makapag-lalarawan sa angking ganda nito na kahit sino ay mapapalingon sa kanya. Mukha itong mas bata ng dalawa o tatlong taon pero nakakainggit na may ari na ito ng kumpanya sa batang edad pa lamang. Maputi ang kutis nito na medyo mamula mula, bagay din sa kanya ang buhok nyang kulay kahel at kulot ang dulo. Hindi ko maalis yung tingin ko sa kanya kahit gustuhin ko pa.
Dire-diretso itong humiga sa kama na para bang wala ako dito at inabot ang remote sa lamesita sa tabi ng kama nya at binuksan ang kaharap na malaking TV. Ilang segundo ang lumipas ng mapansin nya na nakatitig lang ako sa kanya, nagtama ang mata naming dalawa at di ko maiwasang hindi mailang dahil sa lamig ng pagkakatitig nya.
"What are you doing? I thought you're here to apply for a job?"
"A-ah!" Bahagya akong natauhan at natatarantang binuklat yung folder kaso nalimutan kong hindi naman naka-fastener yung mga papel kaya bumagsak sa sahig yung papeles ko, Yumukod ako at isa-isa iyong dinampot ng mabilis.
Nahihiya akong umayos ng tayo habang nakayuko ng kaunti, "A-ahm. S-sorry. Uh." Kinamot ko yung ulo ko dahil sa kahihiyang nangyare, "A-ako si S-Seph L-l-lazaro---" Naputol yung sasabihin ko ng umupo sya sa gilid ng kama paharap saken habang nakahalukipkip.
"Small, medium, large or XL?" Tanong nya na nagpatulala saken. Tungkol ba saan yung tanong nya? Hindi ko nagets, may tinanong ba sya kanina na hindi ko narinig?
"P-po?"
Tumayo sya at lumapit saken, dahan dahan nya kong inikutan na para bang sinusuri ako. Nakadama ako ng kakaibang kuryente nang dumapo ang daliri nya sa balikat ko habang umiikot.
"Just tell me your size." S-size ko? Saang size ba? Wala naman ata syang nabanggit kung saang size yung tinutukoy nya. O baka naman choices yung mga yon? Pero para saan?
"A-ahm... XL?" Panghuhula ko habang nakatingin sa ibang direksyon, naramdaman ko na natigilan sya mula sa likuran ko habang nakadapo pa ren ang kamay sa balikat ko.
"XL? You sure?" Tumango tango ako dahil sa tensyong nararamdaman ko, "You're more like an XXL." Bulong nya na di ko naman narinig.
Lumipat sya sa harap ko at nagulat ako ng ikawit nya ang mga kamay nya sa leeg ko at idinikit ang katawan nya sa katawan ko. May kakaibang kuryenteng lumukob sa sistema ko ng tumama sa maselang parte ng katawan ko ang hita nya. Nakaka-wala sa wisyo ang mabango nyang amoy na talaga naman nakakapag-palasing sa kahit na sinong lalaki. Jusko po. Hotel nga yata yung napasukan ko.
Hindi ko alam ang ire-react ko ng buksan nya yung robang tumatakip sa katawan nya at hinayaan nyang sumayad iyon sa balikat nya pababa sa sahig, Tumambad sakin ang pulang pares ng panloob nya at napaiwas ako ng tingin ng makita ang mapuputi at malulusog na dibdib nya. Pinagdikit nya yung pisngi naming dalawa na naging dahilan ng pagiging balisa ko, Unti unti ding bumigat yung paghinga ko dahil sa init ng hininga nya na tumatama sa mukha ko.
"M-maam? P-parte po ba t-toh ng interview?" Hindi ko alam kung ako lang ba o talagang paungol kong sinabi yon?
"Hmn..." Pumikit ako ng mariin nang dampian nya ng kanyang labi yung pisngi ko habang gumapang naman ang mga kamay nya sa polo ko na unti unti na nyang binubuksan, "Why don't we continue this interview..." Lumayo ito ng bahagya sakin pagkadilat ko, Hinawakan nya yung necktie ko at hinila ng kaunti, "...in my bed...? Your friend here, " Sabay dakma ng maselan kong bahagi na ikinalaki ng mata ko, "Needs a friendly massage."
*GULP*
F-friendly Massage...?
"A-ahm... A-ano k-kasi." Hinawakan ko ang kamay nyang nakadakma sa pagkalalake ko gamit ang nanginginig kong kanang kamay.
Dear creator of all the things, sobra sobra naman po ang blessings na natanggap ko ngayong araw, Pero salamat pa din po, Pangako po pagsisipagan ko ng husto lahat ng ibinibigay nyo sakin, Wag lang ang isang toh.
Bumuntong hininga muna ako bago hinawakan din ang isa pa nyang kamay at sabay na iniangat yun sa ere, Tinitigan ko sya ng mata sa mata at nabasa ko ang sobrang pagtataka dun. Bumuntong hininga ako ulit tsaka pinulot sa sahig yung roba nya na tahimik ko namang ipinatong sa balikat nya at isinara para di makita yung panloob nya. Tumayo ako ng maayos habang binubutones yung polo kong binuksan nya kanina.
"Pasensya na ho maam, pero mas importante kasi saken ang trabaho kesa sa mga ganyang klase ng bagay." Kinagat ko yung ibabang labi ko tsaka ipinatong sa katabing sofa yung folder na naglalaman ng mga resume at data information ko tsaka sya ulit hinarap. "Wag ka sanang magalit saken pero babalik nalang ako kapag hindi nyo na aaksayahin yung oras ko." Ngumiti ako at tumalikod para umpisahang maglakad paalis.
Nakakapagod ang araw na toh! Nako! Akala ko pa naman magkaka-trabaho na ko, Hindi pa pala.
(Third Person's POV)
MALAKAS na bumukas ang malaking pintuan ng opisina at pumasok mula roon ang isang babaeng naka-sandong itim, maong shorts at leather boots, nakatali ang kulay pulang buhok nito at may suot ding malaking backpack, May kung anong straps din ang naka-paikot sa hita at braso nito kung saan naroon ang iilang klase ng kutsilyo at isang calibre 45 na naka-ipit sa strap na nasa hita nya. Madungis ito at halatang galing sa initan kaya galit na galit nitong hinampas ang lamesa na may plakadong pangalan ng CEO.
"What the hell is it this time, Vero?!" Sigaw nito sa nakakatakot na tinig pero walang pakielam na umikot si Veronica paharap sa kanya gamit ang swivel chair na kinauupuan nya. Blanko nya itong tinitigan.
"Oh?"
Pinanlakihan nya ito ng mata, "Oh?! Anong ino-Oh Oh mo dyan?!" Nanggigigil nyang sabi sa kausap.
"Damn woman." Bulong nya tsaka ngumiwi, "Ang sakit sa tenga ng boses mo." Napahiyaw sya ng hatakin ng babae ang ilang hibla ng buhok nya.
"What the f**k Chryseis?! Nasisiraan ka na ba?!" Inis na sigaw nito.
"Nasisiraan? Sino? Ako?" Tinuro nya ang sarili nya tsaka sarkastikong tumawa, "GAGA! Ikaw yata ang nasisiraan eh! Ano nanaman bang kailangan mo at tinawagan mo ko?!"
Bumakas ang pagtataka sa mukha ni Veronica na kalaunan nama'y napakamot sa ulo na animo'y may naalala.
"Oh. About that." Bumuntong hininga ito tsaka sumandal sa swivel chair, "Can you please tell the rest of the applicants outside to leave? The Hiring is off." Sabay talikod nito gamit ang de gulong na upuan. Napanganga ang babae dahil sa narinig tsaka di makapaniwalang nameywang gamit ang isang kamay samantalang ang isa pa ay naka sabunot sa buhok nya tila mali sya ng dinig.
"The f**k? Seriously, Vero? You called me because of those damn applicants of yours?" Galit na lumapit ito sa swivel chair at sinakal si Veronica na ngayo'y inaalis ang kamay nyang nasa leeg nya, "How dare you! Sumakay ako sa Baby Theus ko (Referring to her beloved chopper) para lang mapuntahan kang gaga ka! Madaling madali pa ko dahil sabi mo emergency, from Africa to Philippines Vero?! Really?! I'm going to kill you!"
"G-g-get o-off m-me! Y-you b-b***h!"
"I'll kill you!"
"H-hey! A-anong ginagawa nyong dalawa?!" Tarantang sigaw ng kadarating palang na babae, naka puting sleeveless collar blouse at ripped jeans na blue with matching braided hair and wearing a converse shoes. Agad itong tumakbo at umawat sa ginagawang pananakal ni Chryseis.
"Stop it!" Awat ni Vasselisa.
"No! I'm gonna fuckin kill that s**t!" Sigaw ni Chryseis.
"f**k you! Let me pull all of your hair then I'll gladly kill you!" Sigaw pabalik ni Veronica.
"Kids! Kids! Settle down! Settle down! Walang agawan ng lalaki, please! Madidiligan tayong lahat! Kindly just please fall in line!" Sigaw ng isa pang boses na kararating lang rin, natigil sila at nandidiring tumingin sa babaeng naka ternong jersey sando and shorts na itim na may dilaw at naka-converse shoes din pero high cut ito. May dala-dala itong bola habang nakasubo ang isang lollipop at naka cap na puti.
Dumiretso upo ito sa sofa tsaka inangat ang paa na ipinatong sa center table bago nag tanggal ng sapatos, nilingon nya ang mga ito dahil napansin nyang nakatitig ito sa kanya. "Oh? Bakit?" Tsaka ibinato yung sapatos kung saan at sumandal.
Sumimangot si Veronica tsaka umayos ng upo, napangiwi silang lahat ng maamoy ang umaalingasaw na baho mula sa paa ng babae.
"Tsk. Clean my carpet and sofa before you leave, Charlotte."
"Yeah, and kindly please throw away your shoes and walk barefoot on your way home." Dagdag pa ni Chryseis tsaka ngumiwi ng husto. Nagkibit balikat lang si Vasselisa at sumimangot si Charlotte.
"Nandito lang naman ako para kamustahin ang MAYAMAN nating kaibigan na sa sobrang yaman eh nahihirapang maghanap ng sekretarya." Inikot ni Charlotte ang mata tsaka tumingin kay Veronica, "Ano na? Nakahanap ka na? Chicks ba? Sexy? Maganda? Pakilala mo ko agad."
Bumuntong hininga si Veronica bago tumayo at inilapag ang isang folder sa table na pinapatungan ng paa neto, Nagkumpulan silang tatlo at nag-uunahang tignan ang laman habang kaharap si Veronica. Unti unting nanlaki ang mata nila tsaka kunot-noong nilingon sya.
"LALAKE?!" Sabay nilang sigaw.
"Yep." Sagot naman nya, Ibinato ni Charlotte yung folder tsaka sumimangot.
"Vero naman, hindi ka pa rin ba nadadala?" Hinilot nya ang sentido dahil sa inis, "The last time that you've hired a male secretary, your company is in a deep s**t! Not just your company, but also you!" Itinuro pa sya nito, Umiling iling sya at nameywang.
"No, I've run some test that men can't resist and he passed it."
"And the test is?" Pabiting tanong ni Chryseis. Ngumisi si Veronica.
"Seducing and flirting." Nag-'Oww' sina Vasselisa at Chryseis pwera kay Charlotte na masama ang tingin sa kanya.
"Oh c'mon!" Walang pag-asa na saad nya.
"What? He's cute, honest and purely dignified person!"
"Really? At proud ka pa talaga?"
"Yeah, why not?" Taas kilay nyang sabi tsaka sumandal sa table habang nakacross-arms, "Only if you know how amazing his response is." Ngumisi ito ng malaki nang maalala ang sinabi ng lalake kanina sa kanya, dahilan para magkatinginan ang tatlo.
'I'm craving for an innocent guy named Seph Lazaro.' She said in her mind.