Chapter 5

1825 Words
Kinaumagahan nang magising si Zoren sa kaniyang kinahihigaan, laking gulat niya nang makita niya ang paligid at bigla siyang napabangon. “B-bakit ako nandito??” pabulong niya sa kaniyang sarili. Nang biglang pumasok ng kwarto si Althea. “Good morning Zoren,” magandang pag-bati ni Althea rito. “Paano mo ako nadala dito? For sure, na I’m not with you yesterday,” tanong kaagad ni Zoren nang makita si Althea. Agad namang lumapit si Althea kay Zoren, at agad na hinawakan siya sa kaniyang balikat. “Ano ka ba Zoren? Sa kalasingan mo pati ako nakalimutan mo na kasama mo kagabi? Ako kaya ang nag-buhat sayo papasok dito sa bahay. Siguro kung wala ako, baka nakuha ka na ng ibang babae at ini-uwi ka na nila sa kanila. Kasama moa ko nang nag-punta ka sa bar ha,” pahayag ni Althea sa kaniya, ngunit puro kasinungalingan lang ang sinabi nito. Nagulat naman si Zoren nang sabihin iyon sa kaniya ni Althea, dahil hindi niya akalain na kasama niya pala kagabi ito. Nang nag-tanong muli si Althea kay Zoren, at niyakap niya ito. “Pero—ano na bang plano mo kay Sabrina? Parang sinabi mo kagabi na gusto mo na siyang hiwalayan,” Isa na namang kasinungalingan ang sinabi ni Althea. Napatingin naman sa kaniya si Zoren nang sabihin niya iyon sa kaniya, “I don’t know. Divorce siguro? If she doesn’t want me, then hindi ko na siya pipilitin ang sarili ko sa kaniya. And I think, mas pipiliin kita ngayon kung may sinabi man ako kagabing ganito,” saad naman ni Zoren dito. Nagulat naman si Althea nang sabihin ni Zoren sa kaniya ang mga ito, at laking tuwa niya nang malaman niya ito mula sa bibig ni Zoren. “Talaga?! So ibig sabihin ba niyan, pinipili mo na ako over her?” tanong naman ni Althea kay Zoren. “Of course? Bakit ko pa ba pipiliin ang tao na ayaw naman na sa akin, and bakit hindi ko bibigyan ng chance ang nandyan para i-cheer up ako sa lahat ng iniisip ko?” tugon naman ni Zoren kay Althea. Nang sabihin iyon sa kaniya ni Zoren, ay malaki ang iningiti ni Althea dito at mas lalo pa niyang niyakap si Zoren. “I love you, and I will choose you more over everything na meron ako,” pahayag naman ni Althea kay Zoren. Habang pinag-mamasdan siya ni Zoren ay hinalikan nito si Althea na tila para na niyang babae sa buhay niya ngunit hindi nito alam ay puro kasinungalingan lang ang sinasabi nito sa kaniya. -- Maagang pumasok si Sabrina sa kanilang paaralan, at laking gulat ni George nang nakaupo na sa faculty ito. “Good morning Miss Sabrina, ang aga mo ah?” pag-bati ni George habang nag-tataka kung bakit maaga masyado si Sabrina. Napatingin naman si Sabrina, “Good morning Sir, hindi ako makatulog last night. Kaya nang sumapit ang umaga naisipan ko nalang kumilos at maligo at pumasok ng maaga kaysa mag-mukmok ako doon,” tugon naman ni Sabrina dito. “Nako tama yan! Nang hindi ka mastress kakaisip sa taong walang kwenta na walang gawin kung hindi ang mag-pasarap sa buhay at mag-hanap ng babae,” saad naman ni George. Agad namang sumenyas si Sabrina nang tahimik nang lumakas ang boses ni George. “SHHHHH..” pahayag nito. Agad namang napatakip si George nang kaniyang bibig, at natawa nang sabihin iyon ni sabrina sa kaniya. “Ay sorry, hahaha” saad naman nito sa kaniya. Nang biglang mag-bell, “Oh sir, I have to go. Ikaw ba? May klase ka?” pag-papaalam ni Sabrina “Wala pa, sa sunod pa eh. SIge na, at baka hinahanap ka na ng mga estudyante mo. Wag mong dalhin doon si Zoozoo,” pabiro pa ni George sa kaniya, “Baliw,” tugon naman ni Sabrina dito nang pabulong. -- Nang papaalis na si Zoren sa bahay ni Althea, ay tinanong muli ito ni Althea. “Oh? Wala ka na bang naiwan? Naasikaso mo na ba divorce paper niyo?’ Napalingon naman kaagad si Zoren, at siya ay tumango. “Wala na, and yes of course napa-asikaso ko na siya sa lawyer ko. You have nothing to worry about okay?” tugon naman nito kay Althea. At agad na kinuha ang kamay nito at hinalikan. “See you sa office,” pahayag muli ni Zoren dito.. Nang makaalis si Zoren ay hindi niya akalain na magiging ganoon na ang itatrato nito sa kaniya. Kaya’t pag-pasok niya sa bahay niya, ay napabulong ito. “Kaunti nalang Sabrina, mararanasan ko ring mahalin ng isang billionaryo na katulad mo dahil mukhang minamahal at tinatanggap na ako ni Zoren mo—” pahayag nito. Nang biglang may umimik na babae sa kaniyang likuran, “What do you mean Zoren mo Althea?” tanong nang isang babae. Laking gulat niya nang mabosesan nito ang babae, at nang pag-lingon niya ay laking gulat niya na nanay niya pala na si Mrs. Celeste. “Mukhang masaya ka ah? tell me about Zoren?” pahayag muli sa kaniya ng nanay niya. “Ah—mom, kanina ka pa ba diyan? And paano ka nakapasok? Wala ka namang—” naputol ang kaniyang pag-kakasabi nang bigla niyang naalala na naiwan niya ang susi niya sa kwarto niya sa bahay nila. “Anak, nakalimutan mo na nakalimutan mo ang susi mo sa kwarto mo. Eh napaisip ako na kailangan kong dalhin sayo kasi baka kailanganin mo. Kaso mukhang mali ata ang oras na dumating ako no? so tell me about Zoren?” saad muli sa kaniya nang kaniyang ina. “Ah—mom, I have to explain—” putol muli nitong pag-kakasabi. Nang biglang napatayo ang nanay nito nang mag-sasalita siya, “Kailan mo pa binabalak kunin ang loob ng Zoren nito? At hindi ba asawa siya ni Sabrina?” tanong niya dito Agad na lumapit si Althea sa kaniyang ina, “Mom, I love Zoren. At kahit ano pang mali, mamahalin ko siya katulad ng pag-mamahal na gusto niya, wala namang mali doon hindi ba?” pahayag naman ni Althea sa kaniyang ina, “Althea are you crazy? Nag-iisip ka ba? Hindi ba at may asawa yan tapos sasabihin mo na mahal mo?” tugon naman ni Mrs. Celeste “No mom, you don’t understand. Mahal namin ni Zoren ang isa’t-isa at makikipag-divorce na siya kay Sabrina. Magiging akin na siya mom, magiging parte nadin ako ng kompanya niya if ever na mangyari yun, hindi ba kayo masaya sa akin?” saad muli ni Althea dito Nang biglang napaisip ang nanay nito sa kaniyang mga sinabi, at napaupo. “Hindi ba at isa siya sa mga business partners ng kompanya natin na may malaki ang ambag? Siya ba si Zoren? Zoren Lopez?” tanong naman ng kaniyang ina sa kaniya. Napaupo naman si Althea sa tabihan nito nang tanungin siya noon ng kaniyang ina, “Yes mom, hindi ko lang siya ginusto para mahalin lang kung hindi para may makuha sa kaniyang shares na pwedeng tumulong naman at lumago sa kompanya natin. You know me well mom, hindi ako pipili ng ibang taong hindi makakatulong sa atin of course pati narin sa kompanya natin,” saad naman niya sa kaniyang ina. Nang biglang hinawakan ni Mrs. Celeste ang kamay ng kaniyang anak, “Sorry about kanina, hindi ko naisip ang sinabi mo. Binabawi ko na, at tama pala ang ginagawa mo. Mas matalino ka talaga kay Sabrina na ni-minsan hindi naisip ang ganyang paraan sa buhay. Na puro lang pag-mamahal ang ambag,” pahayag muli nito sa kaniyang anak na si Althea. Napatango naman si Althea sa sinabi ng kaniyang ina, “Kaya nga pinili ko na pilitin ang sarili ko kay Zoren before. Pero this time, I’m sure na ako na ang pipiliin ni Zoren,” saad naman ni Althea. -- Nang makauwi sa bahay nila si Zoren, ay agad siyang tumungo sa kanilang banyo at agad siyang naligo upang mahimasmasan sa tama at sakit ng kaniyang ulo na nakuha niya kagabi. Habang naliligo ay iniisip parin niya kung kasama niya si Althea noong oras na nag-tungo siya ng bar, ngunit wala siyang maalala. Mas lalo nalang niyang pinaniwalaan na kasama niya ito. At nang matapos na siya at papasok siya sa kaniyang kwarto ay biglang tumunog ang kaniyang cellphone sa ibabaw ng kaniyang lamesa. “Hello? Attorney bakit kayo napatawag?” tanong kaagad nito “Sure ka bang iiwan ko nalang ito dito sa school kung saan nag-tatrabaho si Miss Sabrina?” tanong naman nito kay Zoren. “Of course yes. At tsaka dinal na desisyon nayan, and I know hindi na siya tatanggi diyan lalo na sa kaniyang ginawa sa akin na iniwanan niya ako sa ere,” tugon naman ni Zoren dito. “Sige, ako nalang ang bahala. I will meet her, dito sa faculty nila, sorry sa abala,” pahayag naman ng attorney sa kaniya. “No worries Attorney, and thank you,” pahayag muli nito. -- Nang papasok si Sabrina sa kanilang faculty, ay napansin niya kaagad ang isang lalaki na nakatingin sa kaniya. At nang maibaba niya ang mga gamit niya sa kaniyang lamesa, ay bigla siyang kinausap ni George. “Sabrina, kanina ka pa hinihintay ng lalaking yan diyan. Gusto mo ba ng back up?” tanong naman ni George. “Hindi ko nga siya kilala eh, hayaan mo na kaya ko ito,” tugon naman ni Sabrina dito. Lumapit kaagad si Sabrina sa lalaki, na hindi niya kilalang attorney. “Hello po sir, sino po sila?” tanong naman ni Sabrina, “I’m Attorney Sanchez, are you Sabrina?” tanong naman ni Sanchez sa kaniya, “Yes po, ako nga po. Can we talk in private? Mukhang alam ko na kung saan yan, pinadala po kayo dito ni Zoren right?” saad nama ni Sabrina dito. “Oo naman,” tugon naman ni Sanchez sa kaniya. Lumabas sila ng faculty at tumungo sa lugar kung saan tinatambayan ngunit walang sino man ang nandoon dahil oras ng mga klase. “Upo po kayo sir,” pahayag ni Sabrina sa kaniya. Nang makaupo na ang dalawa, ay agad na may ini-abot si Sanchez kay Sabrina. “Ito oh, ipinaaabot ni Zoren sayo. Divorce paper, na kailangan mong permahan kaagad,” pahayag nito kay Sabrina. Laking gulat naman si Sabrina nang mai-abot sa kaniya ang papel lalo na nang sabihin ng attorney na divorce paper iyon. “Ah—nakikipag-hiwalay na po kaagad siya?” tanong naman ni Sabrina dito, Napatango naman ang attorney sa kaniya, “Yes Miss Sabrina, I know how difficult it is. Pero hindi ko mapipigilan ang kagustuhan ni Zoren dito sa planong ito,” saad naman niya dito, Agad n aini-abot din ni Sanchez ang kaniyang ballpen upang papermahan na kay Sabrina ang papel. Ngunit habang binabasa pa ni Sabrina ang papel ay nag-sisimula na itong umiyak at nanginginig dahil sa galit at hindi pa niya ito masimulan na permahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD