"cali, halika na at naghihintay na sa'tin sina lolo manuel at lolo amante sa may ilog.humuhuli sila ng isda para ihawin." wika ni tyler. na kakapasok pa lamang sa munting tahanan namin malapit sa mansyon ni lolo manuel na siya'ng lolo ni tyler at may-ari nitong hacienda kung san nagtatrabaho si lolo amante bilang care taker rito at mansyon. matalik na magkaibigan si lolo manuel at lolo amante sa pagkat noong mga bata hanggang sa mag-binata sila ay magkakasama na sila dito sa probinsya. ngunit si lolo miguel ay dinala sa america ng kaniyang mga magulang upang doon na magaral ng kolehiyo. samantalang si lolo amante ay hindi na itinuloy ang kaniyang pag-aaral sa kolehiyo at nag desisyon na tutulong na lamang sa kaniyang mga magulang na magsaka sa hacienda ng mga montefalco.
"teka lang naman tyler,hindi pa ako nakaligo. at nakapag paalam kay lola." wika ko habang hatak-hatak nito ang aking kamay palabas nang bahay.
"No need. nandoon din si lola fely naghatid ng kanin kina lolo.ako din naman ay hindi rin naligo sa bahay,sa ilog na lang tayo maliligo." sabi pa nito habang bumaba ito bahagya at pinulot nito ang aking tsinelas at inilapag iyon sa may hamba ng pintuan para ipasuot sakin.
"teka lang,tatanggalin ko muna yung saksakan ng electrifan. "sabay pasok ko ulit sa loob ng bahay para tanggalin yung saksakan ng electricfan.
"kasi naman tyler eh,nag-aaral pa ako. may test ako sa lunes." pagpatuloy ko pa. "minsan lang naman din to nangyayari cali eh. 3months lang ang bakasyon namin dito sabi ni daddy at babalik na ulit kame ng america. at hindi ko alam kung kailan ulit kame babalik. o baka hindi na." sabi nito na lumungkot pa ang mga mata. nag babakasyon lang kasi ngayon itong mga montefalco dito sa bansa. dito raw sila mag papasko at magbabagong taon.magkababata kame ni tyler simula 7 years old palang ako at siya naman ay 9. nung hindi pa sila nag ma-migrate papuntang america. 10 years old si tyler noong nag pasya ang mga magulang nito na mag migrate na sila sa america. pero taon-taon naman sila umuuwi rito para magbakasyon at dito rin sila nag papasko at bagong taon. ngayon lang sila medyo tatagal ng tatlong buwan dahil may aasikasuhin daw si tito armand. ama ni tyler. kada bakasyon nila rito ay isang buwan mahigit lang.at babalik nang muli sa america.
"alam mo naman na wala akong ibang kalaro dito. kaya kahit babae ka napipilitan nalang ako kasi wala naman akong choice diba?" pagkuway tumawa sa huling sabi niya.
"Oo na po, teka lang at iseserado ko lang ang pintuan." nagpatuloy na kame sa paglakad papunta kung nasaan ang ilog. malapit lang naman iyon sa aming bahay at sa likurang parte lang din ng mansyon ng mga ito.
"Tyler,birthday ko bukas ha. dapat nandoon ka para naman may picture tayong magkasama. para kahit hindi kana bumalik dito at least maalala mo ako. pero dapat bumalik ka, kung hindi magtatampo talaga ako sayo." pagsamo ko pa rito. lumingon ito sakin at tumitig sa aking mata
"fourteen kana bukas. pareho na tayong teen." sabi nito sabay kuha sa isa kong kamay at nagsalitang muli.
"Ano'ng regalo gusto mo? yung regalo na parati mo akong maalala." pagpapatuloy pa nito.
"Wala naman. hindi ko naman din kailangan ng regalo. basta pumunta ka lang bukas. ok na!" sabay thumbs up ko rito.
"at hindi naman talaga kita makakalimutan eh. sana ikaw rin." pinisil nito ang tungki nang aking ilong at nagsalitang muli.
"Kahit kailan hindi kita makakalimutan.
Liane carina Gonzalo Morales" sabi pa nito sa buong pangalan ko. sabay kame na tawa dalawa sa sinabi nito.
"okay na, puntahan na natin sina lolo." sabay hila kona sa kamay niya papuntang ilog. dalawang taon lang naman ang agwat namin ni tyler. 16 na siya noong nakarang buwan at magpo-fourteen naman ako bukas.
"cali, samahan mo ako sa lunes." pagkuway biglang sabi nito habang binabantayan namin ang inihaw nina lolo.
"saan ka naman pupunta sa lunes?" sagot ko rito.
"sa mall, sa bookstore may bibilhin lang akong libro." wika nito. tumango-tango ako.
"ahh may pasok ako sa lunes eh." tipid na sagot ko rito. " okay lang, pagkatapos nalang nang clase mo. susunduin nalang kita." pahayag nito. kumunot ang noo ko sa ideya nito.
"wag na, magpasama ka nalang sa daddy mo o kaya naman kay kuya troy" sabay sabi ko.
ayoko kasi maging agaw atensyon ulit sa skwelahan. noong nakaraan kasi sinundo din niya ako gamit ang magarang sasakyan nila at pinagbuksan pa ako ni manong tino. kaya kinabukasan pagpasok ko ay panay tukso sakin ng aking mga kaklase na mayaman daw ako. ehh hindi naman totoo. pinaka ayoko kasi ay iyong magpanggap sa hindi naman totoo.
"alam mo naman busy si daddy. si kuya naman parati magkasama sila ni ate Jessica." tukoy nito sa girlfriend ng kaniyang kuya.
"titignan ko muna.baka hindi din ako payagan nila lolo't lola."
"don't worry about that. ako na ang magpapaalam sa kanila please.samahan mo na ako?" sabi agad nito na abot mata pa ang ngiti.
"sige,pero hindi pa ako sure ha." muling sabi ko rito.