MATAPOS magpakasasa sa katawan ng isa't-isa ay iniwanan muna ni Ezra si Blaze para makapagbihis. He had to cross the hallway to go to his own room kung nasaan ang mga gamit niya. Hindi maalis-alis ang mga ngiti sa labi ni Ezra matapos magsepilyo at habang namimili ng susuotin. He felt giddy and excited. Ganoon pala ang pakiramdam ng in love, parang lumulutang sa kaligayahan. He chose a light blue polo shirt and black maong pants habang ang sa paa naman ay itim na loafers at itim ring medyas. Pumili rin siya ng paborito niyang itim na relo mula sa collection niya. Nakaharap na siya sa salamin at nag-aayos ng buhok nang may kumatok sa silid niya. Pasagot pa lang siya ay bumukas na ang pintuan. "Babe, tapos ka na?" Pagpasok ni Blaze sa kwarto niya ay diretso itong lumapit sa kanya at yumaka