bc

Fixing The Broken Vow

book_age18+
476
FOLLOW
1K
READ
billionaire
arrogant
drama
serious
nerd
city
cheating
reckless
wife
sisters
like
intro-logo
Blurb

Kapatid, asawa. Paano kung dumating ang araw na ang mga taong pinagkatiwalaan mo ay sila pa ang magiging dahilan kung bakit tuluyan mawasak ang mapilyang buo mo.

Written by: @Monzuki23, @Loizmical, @SRRedilla, @Jimsheen 28, and @Ambitch_Yosa

chap-preview
Free preview
Fixing The Broken Vow. By: Monzuki23, Loizmical, SRRedilla, Jimsheen 28, and Ambitch_Yosa
Title: Fixing The Broken Vow By: Monzuki23, Loizmical, SRRedilla, Jimsheen 28, and Ambitch_Yosa Nagising akong may kumikiliti sa aking tainga at naramdaman ko ang pamamasa niyon. Lihim akong napangisi. Hindi ko na kailangang hulaan kung sino at alam ko na agad na asawa ko iyon. Pinihit ko ang katawan ko paharap at hindi nga ako nagkamali dahil bumungad sa harapan ko ang nakangiting mukha ng asawa ko. "Good morning, my love," bati niya. Kasabay niyon ay ang paghawak ng kamay niya sa dibdib ko at bahagya iyong nilamas. Wala akong saplot dahil magdamag kaming magkaniig ng aking asawa kagabi, ngunit hindi pa yata ito nakuntento dahil gusto pa nitong makaisa. "Ohh..." Napaungol ako dahil sa sensasyong bumalot sa katawan ko, lalo na nang inipit nito ng dalawang daliri ang ut*ng ko. "M-mahal... I have a doctor's appointment. I don't want to be late." Ngunit tila bingi ang aking asawa at nagpatuloy sa ginagawa nito. Bumaba pa ang katawan nito at nang lumebel ang mukha niya sa dibdib ko ay isinubo nito ang u***g ko saka bahagyang kinagat-kagat bago dinilaan upang pahirin ang sakit. Nag-init ang katawan ko dahil sa ginawa niya, ngunit kahit gustong-gusto kong matikman muli ang kahabaan niya ay hindi puwede. Papagalitan na naman ako ng doktor ko kapag hindi ako pumunta sa appointment ko. Pilit kong pinatigil ang asawa ko, na lumukot ang mukha dahil hindi napagbigyan. Hindi ko siya pinansin at kaagad na naligo at nagbihis saka umalis. *** Mag-aalas-kuwatro na ng hapon ng makabalik ako sa bahay, dahil pagkatapos ng appointment ko ay dumaan muna ako sa mall upang bumili ng gamit para kay baby. My baby will come out in a month time, but the bearer was not me. Hindi ko kayang magkaanak dahil sa sakit kong Endometrial cancer. Nagpapa-therapy ako, at iyon ang ipinunta ko kanina sa doktor. Dahil gusto ng aking asawa na magkaanak na kami ay napagdesisyunan naming kumuha ng surrogate, pero kadugo rin namin kaya nakiusap ako sa kakambal ko na kung maari ay pagbigyan niya ako sa aking gusto. Sa una ay ayaw niyang pumayag ngunit napilit din namin siya ni Dominic, ang asawa ko, kaya pumayag din ito sa huli. Magka-close kami ng kakambal ko at madali itong pakiusapan. Ngayon nga ay malapit na itong manganak at excited na kaming tatlo. Pagkapasok ko sa bahay ay nagtaka ako nang walang sumalubong sa akin. Usually ay nasa sala na ang asawa ko at si Lizzy ng ganitong oras. Ngunit wala akong nakita. "Baka namasyal lang ang kakambal." Isip-isip ko. Baka hindi pa rin nakauwi ang asawa ko galing opisina. Dumiretso ako sa kuwarto naming mag-asawa upang maligo dahil nanlalagkit na ang katawan ko. My lips stretched wide as I walked inside my room remembering the doctor's advice. Malaki raw ang tsansang malapit na akong gumaling. It's an occasion to be happy. Isa pa malapit ko na ring masilayan ang anak namin. Dobleng kasiyahan iyon para sa akin. Malapit na ako sa banyo nang marinig ko ang paglagaslas ng tubig. Kaagad na nangunot ang noo ko. "My husband is here?" Akmang itutulak ko ang pinto na hindi nakasara ng ayos nang may marinig akong ungol. It wasn't ordinary grunt, but a moan! A moan of two people having s*x. Kaagad na sumalakay ang matinding kaba sa dibdib ko. I know that it was my husband. Pamilyar na sa akin ang ungol niya. But who is the other woman? Nanginginig ang tuhod ko habang patuloy sa pakikinig. My eyes welled up in tears as the extreme pain slowly build up inside knowing that my husband is cheating on me. "Ahh! Babe, faster!" Natutop ko ang bibig ko upang pigilan ang salitang nais tumakas. I can clearly heard and recognized that voice even in the midst of the water splashing. Paano ko ba hindi makilala ang boses na 'yon? It was my twin sister Lizzy! Hindi ko alam ang aking gagawin habang papalapit ako sa banyo namin na mag-asawa, dahil sa palakas nang palakas ang mga ungol na aking naririnig. “Oh f**k!” usal ng aking asawa na si Dominic. Nang nasa tapat na ako ng banyo ay dahan-dahan kong pinihit ang doorknob at hindi na ako nagdalawang isip na buksan ang pintuan ng aming banyo kung saan nanggaling ang mga ungol na aking naririnig, at tumambad sa aking mga mata na sarap na sarap ang aking kakambal habang patuwad siyang nakatalikod sa aking asawa na mabilis na tumutulos. Nagdilim ang aking paningin at hindi ako nagdalawang isip na sugurin silang dalawa. “Mga hayop kayo!” sigaw ko na punong-puno ng galit mula sa aking dibdib na ikinagulat ng aking kapatid at asawa. “Farah, magpapaliwa—” Hindi na natapos ni Dominic ang kanyang sasabihin nang bigla ko siyang sampalin. Nanginginig ako na tinitigan si Dominic. “Dom, paano mong nagawang lokohin?!” Hindi nakapagsalita si Dominic kay hinarap ko naman ang aking kapatid. “Lizzy, bakit?!” Ngumisi ako. “Ang usapan natin magiging surrogate ka lang namin! Hindi maging kerida!” At isang sampal ang binigay ko sa kanya. Pagkatapos ay tumingin ako sa aking asawa. "At ikaw naman, Dom, buhay na buhay pa ako! Nagawa mo na akong ipagpalit sa iba! Siguro nga may cancer ako sa ovary. Pero hindi ibig sabihin no'n ay mamatay na ako!" Tumingin sa akin si Lizzy. “I’m sorry. Pero, Farah, mahal ko ang asawa mo,” pagtatapat niya sa akin. Umiling ako. “No! Hindi mangyayari ang gusto mo! Dahil akin lang ang asawa ko!” singhal ko sa aking kapatid. Hindi ko lubos maisip na magagawa akong ipagpalit ni Dominic sa sarili kong kapatid. Pakiramdam ko ay magugunaw ang aking mundo dahil sa aking natuklasan. Tumingin sa akin ang kakambal ko. "Yes, sa iyo nga siya. Pero pagdating sa kama, sa akin siya. Mas masarap ako kaysa sa iyo, kambal. At saka nagbago na rin ang isip ko. Hindi lang ang magdala ng anak niyo ang gusto ko . . .” Inilapit niya ang bibig sa aking tainga at bumulong, “. . .gusto ko pati ang asawa mo,” dagdag niya na labis na ikinakulo ng aking dugo. Napanganga ako sa sinabi niya. Walang kasing kapal ang mukha niya. Hindi ko lubos akalain na hahantong sa ganito ang lahat. Diyos ko! Tama ba ang naging desisyon namin na siya ang magdala ng aming magiging anak? Parang hindi ko matatanggap ito lalo at sariling kadugo ko at kakambal ko pa ang magiging kahati ko sa aking asawa. Lalong lumabas ang masaganang luha sa aking mga mata dahil sa mga tinuran niya. "Farah, ngayong alam mo kung ano ang gusto kong mangyari, siguro naman ay puwede ka nang lumabas dahil hindi pa kami tapos sa aming ginagawa. O baka naman gusto mong manood habang pinagsasaluhan namin ang init ng isa’t isa? Saka kahit umiyak ka pa ng dugo riyan, hindi na rin mababago na sa akin magkakaanak ang asawa mo dahil isa kang baog at walang silbing babae!" pasigaw na saad ni Lizzy sa akin. “Sobrang tigas ng mukha mo! Inupahan ko lang ang sinapupunan mo at hindi kasali ang asawa ko sa trabaho mo!” Tumingin ako sa asawa ko ngunit nag-iwas siya ng tingin. Sa sobrang bigat na aking nararamdaman ay mabilis kong hinila ang buhok ni Lizzy at buong puwersang sinabunutan. Umawat si Dominic, samantalang si Lizzy naman ay panay ang sigaw. "Magsitigil kayo!” awat ni Dominic. Ngunit sa halip na tumigil ay siya ang binalingan ko. Ilang beses ko siyang sinampal hanggang sa mamanhid ang mga palad ko. "Ang kapal ng mukha mo! Alam mong magkapatid kami pero ano'ng ginawa mo? Sinira mo ang usapan nating tatlo!" "Farah, ang usapan ay puwedeng mabali, saka wala tayong pinirmahan na kontrata na bawal kong mahalin ang asawa mo," singit naman ng hitad kong kapatid. Ngunit mas mabigla ako nang lumapit sa akin si Lizzy. At pagkatapos ay walang babalang hinila ako papalabas ng silid nito. Kaya sa sobrang poot na aking nararamdaman ay hindi ako nagdalawang isip na itulak ito. "Lizzy!" sigaw ng magaling kong asawa. Hindi ako nagpatinag sa ginawa sa akin ni Lizzy. Mahigpit ko siyang hinawakan sa kaniyang pulsuhan at muli ko siyang hinarap. Nasa gilid na rin namin si Dominic. “Ikaw dapat ang lumabas sa silid namin! You heard it right? Silid naming mag-asawa! Ako ang may karapatan sa silid na ito dahil ako ang legal, original at lalong hindi kabit!” nanlilisik ang mata kong sabi. Ngayon lang ako nakaramdam ng matinding galit sa kakambal ko. “Ngunit hindi sa pagkakataon na ito, Farah! Dahil akin na ang asawa mo! Pagod na akong maging pangalawa! Maging anino mo!” balik nitong sigaw sa akin. Nanigas ako sa aking kinatatayuan dahil sa aking narinig. Hindi ito ang pagkakilala ko sa kaniya. Lagi siyang nakasuporta at masaya sa bawat achievements ko pero bakit nasabi niya ito? “Lahat na lang paborito ka! Kay kesyo ikaw na ang maganda! Ikaw na ang magaling at matalino! Pati ang kaisa-isang taong minahal ko ikaw ang gusto! Pati ang mga magulang natin ikaw ang lagi nilang binibida! Pero ako ang tingin nila sa akin pabigat. Walang kuwenta. Dahil ba sa wala akong naabot?” muling palatak nito at tumulo ang luha sa kaniyang pisngi na inikinalunok ko. Akala ko kilala ko na ang kambal ko ’yon pala nagkakamali ako. Lahat pala na pinakita niya sa aking kabaitan ay isang pagbabalat kayo. May lihim pala siya na inggit sa akin. Pinahid nito ang kaniyang luha at kapag kuwan ngumisi sa akin. “Pero sa pagkakataon na’to. Hindi ako papayag na ako na naman ang kawawa at mawawalan. Dahil sisiguraduhin ko ako ang magwawagi sa laban na ito!” nakangising saad nito. “I said enough! Lizzy tumigil ka na!” Napabaling ang tingin ko kay Dominic. “Bakit Dom? Natatakot ka ba na malalaman ng mahal kong kapatid kong paano ka nasasarapan sa akin?” “Tssk...tsk...Akala ko ba matalino ka? Kawawa ka naman dahil hindi mo namamalayan na ang binuo mong pamilya ay unti-unting nawawala sa iyo. Dahil wala kang silbi! Hindi mo kayang ibigay kay Dominic ang gusto niya!” muling baling nito sa aki . Tila may kung ano’ng masamang espiritu ang sumanib sa akin dahil namalayan ko na lang na sinabunutan ko si Lizzy at paulit-ulit na pinagsasampal. Habang binabato ko siya ng masamang salita. “Hayop ka! Pinagkakatiwalaan kita!” Ngunit napatigil ako sa aking ginawa dahil sa namilipit si Lizzy sa sakit habang sapo nito ang kaniyang malaking tiyan. “Ah! Dominic! Tulungan mo ako! Ang sakit ng tiyan ko! Ah! Ang anak natin Domimic!” “Lizzy! Oh, my God. You’re bleeding!” Nanginginig at napasapo ako sa aking bibig dahil sa nakikita kung umaagas ang preskong dugo sa binti ni Lizzy. Tila ako pinapako sa aking kinatatayuan at hindi ko maigalaw ang aking katawan. “Farah! What did you do? Papatayin mo ang anak ko!” malakas na sigaw ni Dominic. “I’m sorry, hindi ko sinasadya. So-sorry, Li-Lizzy,”nauutal kong saad. Akmang lalapitan ko siya ngunit napatigil ako dahil kita ang takot sa kaniyang mukha. “No! Diyan ka lang huwag kang lalapit sa akin. Baka tuluyan mong papatayin ang anak ko!” Napaupo ako sa sahig dahil sa aking labis na panghihina habang tinatanaw ang asawa ko na nagmamadaling bumaba ng hagdan habang karga si Lizzy. Mayamaya pa narinig ko ang tunog ng pinaharurot na sasakyan. “Ang sama-sama ko. Paano ko ’to nagawa? Nilagay ko sa alanganin ang buhay ng anak ko!” napahagulhol ako ng iyak. Nang makabawi na ako ng lakas kaagad akong sumunod sa kanila at pinuntahan ang pinakamalapit na hospital. “To tell you frankly... nanganganib ngayon ang buhay ng mag-ina mo, Dominic,” narinig kong saad ng doktor. “Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyaring masama sa kapatid at anak ko.” Muli na naman akong napaluha habang nagtatago sa may pader. Labis akong nagpadala sa aking galit. Hindi na ako nagpakita pa sa aking asawa at kaagad na umuwi ng bahay. Kinuha ko ang aking mahalagang gamit. Kailangan kong lumayo. Hindi ko makakayang magagalit sa akin si Dominic dahil ako ang dahilan kung bakit nanganganib ang anak na matagal na naming pinapangarap. *** Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na tumakip sa aking mukha saka ito inipit sa likod ng aking tainga. Tumanaw ako sa bughaw na dagat, ilang sandaling ipinikit ang aking mga mata at ninamnam ang malamig na simoy ng hangin na tumatama sa aking balat. Napakapayapa ng buong paligid at tila walang problema. Kabaliktaran sa kaguluhang nararamdaman ng aking puso at isip. Kapagkuwan ay nagpakawala ako ng isang malalim na buntonghininga at muling dumilat. Nagpatuloy ako sa paglalakad sa buhanginan kung saan inaabot ng alon mula sa dagat ang aking mga paa. Halos isang buwan na rin simula nang magpasya akong iwanan si Dominic sa piling ni Lizzy at ng aming anak. Wala na akong balita sa kanila simula nang lumayo ako at piliing magsimula ng panibagong buhay nang mag-isa—malayo sa kanila. Kaduwagan at katangahan mang matatawag ang ginawa ko dahil hindi ko ipinaglaban ang karapatan ko sa buhay ng aking mag-ama, pero sa tingin ko, mas makabubuti na rin iyon. Dahil hindi ko naman kayang ibigay ang pamilyang pinangarap ni Dominic. I can’t bare a child. Masakit at feeling ko napaka-useless kong tao, pero wala, e. Ito talaga ang nakatakdang buhay ko sa mundo. MATAPOS ang halos maghapon na paglalakad-lakad sa tabing dagat ay nagpasya na akong umuwi na. Pero nangunot ang aking noo dahil malayo palang ay natatanaw ko na ang bahagyang nakabukas na pinto ng maliit kong inuupahang bahay rito sa isla. Mabilis akong naglakad dahil biglang sinalakay ng kakaibang kaba ang aking dibdib. Nasa tapat na ako ng pintuan nang biglang lumabas ang tao mula sa loob. “Dominic. . .” usal ko sa pangalan niya na parang hangin lamang ang nakarinig. Bigla niya akong hinapit palapit sa kaniya at ikinulong sa kaniyang mga bisig. Tila natulos ako sa aking kinatatayuan. Nabigla ako dahil hindi ko alam kung paano niya ako nahanap dito. “I’m sorry, Hon. I’m sorry sa nagawa ko,” paulit-ulit niyang sambit habang mahigpit na nakayakap sa akin. Nag-init ang sulok ng aking mga mata at malayang dinama ang init mula sa kaniyang katawan. Ipokrita ako kung sasabihin kong hindi ko siya na-miss. Pero nagtatalo ang isip at puso ko kung dapat ko ba siyang bigyan ng isa pang pagkakataon sa kabila ng lahat ng nangyari. Pinahid ko ang mga butil na namalisbis sa aking pisngi saka siya mabilis na itinulak. Dahil siguro hindi niya alam na gagawin ko iyon ay hindi niya napaghandaan at nawalan ng panimbang dahilan para mapaupo siya sa lupa. Sakit ang bumalatay sa kaniyang mukha at agad na lumuhod sa paanan ko. “Hon, nagmamakaawa ako. Patawarin mo ako sa nagawa ko. Magsimula tayong muli.” Humawak siya sa aking kamay habang nakatingala sa akin. “Magsimula tayo kasama ang anak natin. Hinihintay ka na niya.” Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata saka umiling. “Gusto ko ng annulment,” turan ko bago ako pumasok sa loob ng aking bahay. Hindi ko inaasahan na aabot kami sa ganito. Sabay kaming gumawa ng pangarap ngunit magkahiwalay na naming haharapin ang lahat. Pero para na rin ito sa ikabubuti naming dalawa. Lalo lamang kaming magkakasakitan kung ipipilit pa ang tiwalang nasira na. MAHIGIT isang taon din nang tuluyang mapawalang bisa ang aming kasal. Akala ko ay makakawala na ako sa anino ni Dominic. Pero masyado siyang makulit at pursigido. Muli niya akong niligawan at walang palyang bumibisita sa amin ng kaniyang anak. Ang aking kakambal naman na si Lizzy ay nag-iwan lang ng sulat para sa akin. Sulat na humihingi ng kapatawaran. Sa ngayon ay nasa Canada na siya kapiling ang lalaking nagmahal at tumanggap sa kaniya ng buong puso. Napangiti ako at ngumiti kay Dominic na ngayo’y nakaluhod sa aking harapan, hawak ang isang singsing. “Will you marry me, Farah?” Tumango ako bilang sagot. AFTER six months, ikinasal kami sa pangalawang pagkakataon. Nagsimula kami nang panibagong buhay na kung saan kumpleto na ang aming pamilya. Kinalimutan na naman ang nangyari sa nakaraan dahil ang importante naman ay iyong ngayon. Niyakap ako ni Dominic at hinalikan ako sa aking mga labi. Matagal kaming naghalikan hanggang sa maramdaman ko ang mga kamay niya na unti-unting naglalakbay sa aking katawan, hanggang sa tuluyan niya akong angkinin. "Ooh!" ungol ko nang ibaon niya ng sagad ang kanyang p*********i. Matapos ang halos buong gabing pagniniig, niyakap niya ako nang mahigpit at paulit-ulit na ibinubulong sa akin kung gaano niya ako kamahal. NAKUHA rin sa gamutan ang sakit ko. Himalang matatawag dahil sa ikalawang taon namin matapos muling ikasal ay biniyayaan kami ng kambal na anak. Wala na akong mahihiling pa. Hindi man maganda ang mga nakalipas na nangyari, ang mahalaga ay muli naming nahanap ang daan pabalik sa piling ng isa’t isa. Wakas

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
184.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.5K
bc

His Obsession

read
92.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook