We’d unmake the world. Lahat ay kaya kong ibigay huwag lang sana matapos ang oras kung saan magkadikit ang aming mga labi.
Pero lahat ng ito ay kailangan ring matigil. Hindi ko pwedeng halikan ito hanggang mamaya dahil may kailangan rin akong gawin. Isa pa ginawa ko lang ito dahil may gusto akong malaman st ngayon alam ko na ang sagot sa mga tanong na gumagambala sa akin.
I made myself ease the kiss to its end. Dahan-dahan ay inilayo ko ang aking labi at tiningnan ko ang nakapikit na mga mata ng dalaga. Pati na rin ang nakaawang nitong namumula at basang labi.
Napangiti ako sa loob-loob ko dahil hindi ko mapigilan na ipagmalaki ang aking ginawa. Ako lamang ang may rason kung bakit nagulo ang buhok nito at kung bakit hinihingal ito at nanghihina.
Damn it!
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na maging masaya sa naging epekto ng ginagawa ko sa kaniya.
Luisa gazed up at me, eyes warm, and her lips parted. Wala akong makitang emosyon sa mga mata nito kundi ang pagkalunod pa rin sa sensasyon na nararamdaman nito.
Her anger had been erased for now, and what I read in her eyes was desire. Napalunok ako dahil alam kong pati ang mga mata ko ay ganoon rin ang pinapakitang emosyon.
Moisture lingered behind her lower lip, kaya dumukwang ako upang abutin ang gilid ng labi nito at saka ko dinilaan ko iyon.
It took all my strength to relax my arms around her, halos ayaw kong bitawan ito pero I need to let go.
Luisa had been on tiptoe, and now she thumped back on her feet. She stared up at me, unblinking, her lips slightly swollen. Kaya napangisi ako sa aking nakikita.
Ganitong ganito ang gusto kong tanawin. It makes my heart swell.
I pointed my finger at her face and ended up touching her lightly on the nose. “You and me,” sambit ko gamit ang mahinang boses pero tila nagising ito sa aking narinig pero nginisiha ko lang ito dahil wala na itong magawa. Dahil nagawa ko na ang nais kong gawin rito.
“We’re not done.” dagdag na bulong ko at natigalgal ito.
Humakbang ito patalikod at napailing ito dahil hindi ata ito makapaniwala sa mga nangyayari.
She's in denial but she's responding to me a while ago.
"How can you do this? Hindi mo ba naiisip na mali itong ginagawa mo? Msy itinakdang babae para sa'yo kaya bakit mo kinakailangan gawin ang mga bagay na ito sa akin? Bakit sa lahat ng babae ay ako pa? I don't want your games Kaizen! Hindi ako dapat masali sa mga kalokohan mo pero ito ako ngayon! Nagmumukha akong tanga!"
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko nang marinig ko ang mga sinabi nito. Nakakaramdam ako ng ligaya dahil sa wakas tinawag na niya akong Kaizen pero andon din ang pagkadismaya dahil hindi ko akalain na iniisip nitong laro lang para sa akin ang lahat ginagawa ko ngayon.
Kung tutuusin mas madaling isipin na laro nga lang talaga itong nararamdaman ko pero hindi eh. Alam ko sa sarili ko na may kakaiba akong nararamdaman at hindi ko maitatanggi iyon.
Saka bakit niya ba ako pinagtutulakan sa ibang babae? Gano'n na lang ba niya kinasusuklaman ang tulad ko?
"Bakit mo ba gustong sa iba ko ibaling ang atensyon ko? I want you Luisa! Kung alam mo lang ang nararamdaman ko ngayon! Para akong nababaliw kapag hindi kita nakakasama! Nang makita kita sa tabi ng iba ay halos magwala ang emosyon na meron ako sa loob ng aking dibdib. Hindi ko matanggap itong nararamdaman ko pero wala rin akong magawa dahil ito ang totoong nararamdaman ko." Umawang ang labi nito at sandaling may dumaan na emosyon sa mga mata nito na hindi ko mapangalan.
Iniwas nito ang mga mata nito at napangiti ako ng mapait. Ewan ko ba pero nakakaramdam ako ng sakit sa aking dibdib kapag nakikita ko sa mga mata nito na ayaw nito sa akin.
Ang nagpapagaan lang ng loob ko ay ang kaalaman na sinuklian nito ang mga halik ko kanina.
Isang patunay na kahit kaonti ay naaapektuhan pa rin ito sa akin o baka may konting puwang ako sa kaniya.
"Mali itong ginagawa mo! Ayaw kong makisabay sa mga larong ginagawa mo. Kaya please lang huwag mo na sana itong ulitin. Ayaw kong mangyari pa ang muli ang ganito. Bukas na bukas ay gaganapin ang ball. At sana doon mahanap mo na ang nakatakdang babae para sa'yo. Siguro nararamdaman mo lang ang mga ganiyan dahil wala pa ang mate mo. Nalilito ka lang kaya please lang huwag mo ako idamay. I have my own mate at siya ang gusto kong makasama. I don't need to be your playmate!" Napalunok ako sa sinabi nito at nakarinig ako ng ingay mula sa aking lobo na ngayon ay nadidismaya rin sa mga narinig nito.
"What if I make you my concubine? Or maybe a queen. I can give you that title! Total hindi ko naman gusto ang mate ko. She's a dirt that I was forced to mate. Isa pa pinagtataguan niya ako kaya isa lang ang rason no'n ayaw niya sa akin at ayaw ko rin sa kaniya. I can be your mate Luisa... So please choose me—" hindi ko natapos ang sasabihin ko pa sana nang maramdaman ko na lamang ang pagdapo ng palad nito sa aking pisnge.
Bumaling ang aking mukha sa kanan at wala akong magawa kundi panoorin lamang ito. Na ngayon ay puno ng poot ang mga mata nito.
"Paano kita rerespetuhin bilang hari kung sarili mong mate ay hindi mo marespeto. And you want to make me your mate? Sa tingin mo ba gugustuhin kong mangyari iyon? Mas pipiliin kong hintayin ang itinakda para sa akin kaysa ang makulong sa kagaya mo! You are someone who is not fitted to become a king!" Umigting ang panga ko at agad na nahawakan ko ang braso nito ng mahigpit.
Napaigik ito pero sa huli ay napangisi ito na siyang ikinahakbang ko paatras.
I never expect to see too much hate in her eyes.
Damn! What have I done?
"Hurt me all you want Kaizen! Alam naman nating halimaw ka rin. You are just like your father." Umalingaw ngaw sa aking isip ang mga sinabi nito at biglang napabitaw ako rito at hindi ako makapaniwala na sa kaniya ko pa mismo maririnig ang mga salitang iyon.
Ang mga salita na mismong sinabi rin ng aking ina.
Ganoon na ba ako kasama? Kagaya ko na ba talaga ang aking ama?
Lutang na napatalikod ako rito at dahan-dahan na naglakad ako palayo.
Wala kasi akong maisagot sa mga sinabi nito.
Tila isa iyong sampal at libo-libong karayom na bumara sa aking dibdib.
I walk away while killing myself in the process. But I made sure I did say an exit line, before leaving the stage of passion.
"I am not him, at sisiguraduhin kong hindi ako matutulad sa kaniya."
I didn’t even look back to see if she stared after me, I hope it's longing in her eyes, but no matter how much I wanted to.
Deep down, I knew that she hates me. Nothing can change that...
For her I am a killer just like my father. Hindi ko man lang napansin na halimaw na pala ang tingin nito sa akin.
Gaya ng lahat eh kinasusuklaman rin niya pala ako.
Kaya saan ba ako lulugar?
For her we are not meant for each other.
And it kills me, to let her go.
Hindi ko gustong bitawan ang nag-iisang tao na nais kong makuha pero damn it!
Hindi siya ang nararapat para sa akin. Alam kong hindi niya ako tatanggapin kahit anong gawin ko.
Siguro nga dapat ko na lamang hanapin ang babaeng nakatakda para sa akin.
Sana nga eh mahanap ko na ito para tuluyan ko nang mabura ang emosyon na tulad ng ganito.
Kailangan ko nang lumaya sa kabaliwan na ito lalo na't may nadadamay na isang tao.