Chapter 3

1837 Words
Naghahalo ang kaba at takot sa aking isip na tila likidong ang bilis ng pagdaloy. Pero ang kakaibang bulong sa utak ko ay nagbigay rin sa akin ng kakaibang lakas. A f*****g wolf is ready to play her game. Kakaiba ang takbo ng aking damdamin, am I turning into something that I shouldn't? Again something whisper, Run. "Why little b***h? Are you afraid of your king's bite? It is well written along your face." The taunting face is in front of me, as well as him sneering at me ayoko sa aking nakikita pero hindi ko magawang alisin ang mata ko sa pagkatitig sa umaapoy nitong mga mata na may bahid ng pagnanasa at kagustuhan. "I don't care about your uttered words king." Ngunit nanigas ang aking katawan nang gumalaw ang daliri nito papunta sa sugat ko na dahang-dahan na humihilom at walang ano-ano'y diniin ang matulis nitong kuko roon kaya imbes maghilom ay bumuka ulit iyon at  umagos ang aking dugo. Mas lalong nagdilim ang mga mata nito at kita kong nagmistulang droga rito ang dugong kahit ako mismo ay gusto na ring maubos ng tuluyan. "Your blood smell nice, the delicious taste of it makes me want to lick your skin." Napalunok ako nang ang kuko nito na ginamit upang sugatan ako ay hinaplos ang gilid ng aking labi at dahil sa tulis no'n ay naramdaman ko ang hapdi, mukhang pati ang gilid ng aking labi ay nasugatan na rin. Pero nagimbal ako sa nakita kong kakaibang emosyon sa mga mata nito it's the intention to kill. At nang makita kong humaba na ang mga kuko nito ay halos naestatwa ako at hindi nakagalaw nang walang babalang ibinaon nito iyon sa harap ng aking dibdib making me gasp in pain and lost of breath. ------ "NO!" Napabalikwas ako ng bangon at ramdam na ramdam ko ang tumatagaktak na pawis mula sa aking noo. Hindi ko alam kung bakit dala-dala ko pa rin ang takot. Samantalang alam ko namang dalawang taon na ang lumipas. At ramdam ko rin sa dibdib ko na hindi na niya ako hahanapin at isa pa hindi ko rin hahayaan na mahanap pa niya ako. I can't let him know where I am. I won’t  let him have me. "Uy, Kinm bakit ganiyan ang itsura mo? May problema ka ba?" Bumaling ang aking tingin ko sa kakarating na panauhin na ngayon ay nakatingin sa akin na may pagtatakang nakalarawan sa mga mata nito. "W-Wala may iniisip lang ako—" "Hindi mo na dapat isipin kung isa lamang iyang problema, alam mo namang walang maidudulot na maganda ang pag-iisip ng negatibo hindi ba?" I just nodded as a response pero kita ko sa mga mata nito na hindi pa rin ito naniniwala sa aking naging sagot kaya napilitan na lamang akong magsalita. "Nagkaroon lamang ako ng isang masamang panaginip. Nga pala saan ka galing?" Pilig kong pag-iba ng paksa pero mukhang hindi nito iyon nagustuhan at napabuntonghininga. "Iyan na nga ba ang sinasabi ko kaya dapat sinama na lamang kita—" "Wala akong problema Kier okay lang ako. Kaya ano na? Sagutin mo na nga lang ang tanong ko muna."  Sa totoo lang hindi ako komportable na pinag-uusapan ang problema ko. Hindi ko gusto na mag-isip ng mag-isip. Pero andon pa rin kasi ang mga agam-agam. "Galing ako sa palasyo," sambit nito at napatingin sa akin ng deretso sa mga mata kaya tila nabuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa kabang umkyat sa aking sistema. Bumibilis rin ang t***k ng puso ko sa hindi malamang dahilan. Shit! "B-Bakit ka naman pumunta roon akala ko ba ay malaki ang galit mo sa hari?" Malumanay na saad ko bago iniwas ang aking mga mata mula sa mukha nito dahil na rin sa hindi ko matagalan ang mga titig nito. "Oo may galit ako sa hari alam mo naman kung anong grupo ang pinapalakad ko Kinm hindi ba? Mga ligaw na lobo kami na hindi man lang mabigyang pansin ng hari. Samantalang ang mga ibang opisyal sa palasyo ay ginamit ang kapangyarihan nila upang apihin ang mga miyembro ng samahang binuo ko." Hindi ako makaimik sa bawat sinambit nitong salita. Ramdam na ramdam ko ang galit sa boses nito. Pero alam kong may dahilan iyon. Simula nang dumating ako rito sa teritoryo nila ay hindi nila pinaramdam sa akin na ako'y maaaring mapahamak. At imbes na makilala ko ang mga mamamatay tao na kinakatakutan ng mga taga palasyo ay mas napag-alaman ko na may mga layunin pala silang pilit na inaabot. 'Yun ang dahan-dahan na maghiganti sa mga masasamang opisyal sa palasyo. "But the king proposed a deal." Nanlaki ang mga mata ko at agad na umangat ang mukha ko upang tingnan ito na ngayon ay may determinasyon na nakalarawan sa mga mata nito. "A-Anong pinag-usapan ninyo?" Kinakabahan ako sa maaaring maging sagot nito pero nang iniwas nito ang mga mata mula sa akin at mapatingin sa labas ng bintana ay mas umalsa ang takot sa dibdib ko. "He wanted us to kill Elievor," napasinghap ako at bigla na lamang akong napatayo. Nakita ko rin kung paano kumuyom ang mga kamay nito. Elievor was one of the ruthless werewolf elder na lubos na kinasusuklaman ng bawat miyembro ng samahang pinasukan ko. Ito rin ang may-ari ng maduming trabaho ko noon. "And we need you Kinm," he uttered in a low voice na siyang nagpalunok sa akin. Anong ibig sabihin nito na kailangan nila ako? "A-Alam kong mahirap para sa'yo na gawin ito at bumalik ulit roon pero para makapasok sa teritoryo nito ay kailangan naming magpanggap bilang mga tauhan nito na siyang nanghuhuli ng mga babae na gagawing alipin. We want you to pretend—" "Magpanggap na isang babeng nahuli n'yo? Pero hindi madali iyon dahil makikilala niya ako Kier!" Damn! Hindi ko pwedeng ipahamak ang tahimik ko nang buhay kapalit ng pagsama ulit pabalik sa impyernong lugar na iyon. Naiisip ko pa lamang ay nakakaramdam na ako ng kilabot. "'Yun ang mas magpapadali ng trababo Kinm. Kilala ka niya at hanggang ngayon ay pinapahanap ka pa rin niya. Kung ikaw ang dadalhin namin ay agad na magbubukas ang pinto nito para sa atin. And from there, I can kill him with my bare hands." Sana nga gano'n kadali na lamang iyon, ngunit hindi lamang ang demonyong iyon ang naghahanap sa akin. May mas demonyong naghihintay lamang ng pagkakataon na magawa akong mahuli at mapatay. "Bakit mo sinusunod ngayon ang hari Kier?" Nakita ko ang paglarawan ng gulat sa mga mata nito. Kaya agad na umusbong ang galit sa aking puso. Ewan ko ba pero may nagsasabi sa akin na may hindi tama sa nangyayari. And seeing his expression confirms something within my head. "Damn you!" I said through gritted teeth at napamaang ito. "A-Ano ba ang iniisip mo Kinm?" Inosenteng sambit nito na kinakunot ng aking noo. Alam kong may hindi ito sinasabi. At hindi ko gusto iyon. "Tell me ano pa ang sinabi ng hari sa'yo Kier? f*****g tell me thr truth!" Matagal na napatitig ito sa aking mga mata hanggang sa tuluyan itong napayuko. "Tell me!" Andoon ang pakiramdam na hinahabol ako ng takot. My claws wanted to show its presence habang hinihintay ko ang maaari nitong sagot. 'RUN' My head warning me to escape pero hindi ko kayang basta iwan ang taong naging kaibigan ko na nang hindi man lang naririnig ang rason nito. "I-I—" "Just tell me now Kier! Kasi hindi ako mapakali alam kong may mali. And you can't fool me!" Naiwan itong hindi alam ang sasabihin,  bumuka at sumara lamang ang labi nito at iyon na ang tila naging hudyat upang ako'y umatras ng isang hakbang. I can't  believe it. Ayaw ko man mag-isip pero sa ngayon hindi ko alam kung pwede ko pa rin ba ito pagkatiwalaan. Lumarawan ang takot sa mga mata nito nang muli ay umatras ako. Kaya napasabunot ito sa buhok nito bago napasuntok sa pader. I was shock to see him like this. Hindi ko akalain na magagawa nitong mawalan ng kontral sa harap ko. "Hawak niya ang kapatid ko Kinm. Kung hindi ko mapatay si Elievor ay ang kapatid ko ang malalagay sa pahamak. Kilala ang aming samahan sa pagpatay na inakala ng lahat ay walang dahilan kaya maaari niya iyon gamitin na dahilan para patayin ang kapatid ko. So I am asking you to help me Kinm kailangan na kailangan kong mabawi ang kapatid ko." Umawang ang labi ko at hindi ko alam kung ano ang sasabihin rito. Ramdam ko ang lungkot sa boses nito at nang umangat ang mukha nito ay nakita ko luha sa mga mata nito. Mali ba na hinusgahan ko ito? Akala ko... "Kinm, tulungan mo ako..." Tila may bumara sa lalamunan ko at napatulala ako rito. "P-Pero hindi ko kaya ang pinapagawa mo sa akin Kier—" "Alam kong ikaw ang hinahanap ng hari Kinm. He is your mate, you are his rightful queen." Agad na napipi ako at napatingin ako sa mga mata nito na may pagpapanic habang ang mga mata nito ay nababakasan ng lungkot. "N-No Kinm huwag kang mag-isip ng kung ano man. Hindi ako pumunta roon para ibalik ka sa hari. We had a deal at dalawa lang ang hinihingi nito hanapin kita o patayin ko si Elievor. Pero pinili ko ang huwag kang traydurin. You are one of us now Kinm. I know you have reason to escape from that bastard. So please trust me, I am not a traitor." Agad na kumunot ang noo ko hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi pero bakas sa mga mata nito ang sinseridad. "Ngayon na alam mong hinahanap ako ng hari dapat maunawaan mo na hindi matutulungan. Hindi madaling pumasok sa teritoryo ng mga demonyong iyon Kier—" "But the king will not know Kinm. Hindi ko hahayaan na makuha ka niya." Lumapit ito sa akin upang yakapin ako kaya nanghihinang napahawak ako rito. Pero sa sandaling katahimikan namin ay bigla na lamang umalingawngaw ang isang alulong na nagpasinghap sa akin. Ang lobong nasa utak ko ay hindi mapakali at tila ba may inaasahan ito. No! Another loud and powerful howl was heard and this time mas malapit na ito kaya roon nagising ang diwa ko. Pinilit kong itulak si Kier na pareho ko ay nababakasan rin ng gulat. "He's h-here!" He growl and my head is buzzing in panic and frustration. "He smelled you on me," He murmured at kusa ko na lamang iyon napagtanto. Maaaring naamoy nito ang amoy ko kay Kier. And now he's here to haunt me! Hindi pwede! I need to escape! Hindi niya dapat ako mahuli! Then suddely I remembered his words. "You can't run sl*t!" "You are mine." Kusang bumagsak ang luha mula sa mga mata ko habang si Kier ay agad na tinulak ako. "Tumakas kana Kinm ako na bahala rito sige na." His eyes are filled with sincerity and determination but how can I escape when it was too late for that?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD