"Kailangan mo ba talagang lumuwas?" Tanong ni Nhia habang nag eempake ng mga gamit ang asawa. "I have to Nhia, may mga negosyo ako sa Metro na kailangang bisitahin every once in a while." Hindi mapigilan ni Nhia ang hindi mapasimangot. Kakabalik lang nilang mag asawa mula sa bakasyon, heto't luluwas na naman ang asawa. Toby sighed. Naupo siya sa tabi ni Nhia, pinisil nito ang ilong ng asawa saka iyon kinintalan ng halik. Napapitlag ang babae. Hindi padin kase siya sanay na affectionate si Toby. "I have an idea.. Bakit hindi nalang kaya tayo sa Metro tumira? May pad naman ako dun eh." Napaisip siya sa sinabi ng asawa. Kaya niya na kayang umalis ng Sta. Catalina? Hindi pa siya nakaka alis sa lugar na ito ng matagal at napaisip siya ng husto sa inaalok ni Toby na tumira sa Metro. Kay