Kabanata Labing-Tatlo

2825 Words
“Hone the ability to be the weapon with accordance to your will.”   View point of Magus   “Are you ready, Magus?” Master Kolhberg asked me. I gave him a nod. Bumaling siya kay Master Raja, “Elder Raja,” tawag pansin niya sa kawpa Elder na kagaya ko ay tumango lang din.   Hanggang ngayon talaga ay nabibilib pa rin ako sa majika niya. Alam ko na-activate niya na ito ngunit hindi ko matansya kung kailan na-activate.   Nandito kami ngayon sa Enchanted Lake, ‘yong lake na pinuntahan ko dati. Dito nila ako ngayon itra-train. Hindi ko alam kung anong klaseng training ang gagawin namin, noong nakaraan ay pinabasa lang nila sa akin ang ilang information about sa history ng Acre. Ngayon? Ang sabi nila’y mas makatutulong ang malawak na espasyo ng lugar sa gagawin ko ngayon.   “Nitong mga nakaraang araw ay magkahiwalay natin ginawa ang mental and physical training.” Nakatayo malapit sa akin si Master Raja and at usual hawak niya na naman ang kaniyang stop watch. Oorasan na naman ako?   “Opo.” Sagot ko.   Napagawi ang tingin ko kay Master Kolhberg na nakasandal sa isang puno di kalayuan samin. I wonder kung ano ang tumatakbo sa kaniyang isip.   “Para may twist ng kaunti ang magiging training mo, sabay nating gagawin ang mental and physical training.”   Mula sa pagkakasandal ay tumayo ng tuwid si Master Kolbherg.   Napalunok ako. Hindi lang yata sakit sa katawan ang aabutin ko nito. Mukhang desidido silang pahirapan ako sa training. Well, simula nang nagawa kong makipagsabay sa kanila sa physical training ay unti-unting humihirap ang pinagagawa nila sa akin to the pointna nahirapan na rin akong sabayan ang mga galaw nila. They’re torturing me!   “Itanong mo kay Elder Cyrus kung bakit.” Napansin niya siguro ang paglunok ko kanina at ang pagdaan ng kaba sa aking mukha. “Pagnalaman mo, alam kong matutuwa ka.” Dugtong niya.   Lumapit na sa amin si Master Kolhberg at humarap sa akin. “Simulan na natin. Magus, pagtapos ng training mo at saka ko sasabihin.” Ngumiti ito at nagpatuloy.   Pinaliwanag niya ang mga gagawin.   “Ibig niyo pong sabihin kung anong number ang lalabas sa die ay iyon ang magiging basehan ng magiging challenge ko?”   Kung masasagot ko ng tama ang tanong ay magmo-move ako sa next question or riddle at ‘pag naman mali, wala akong choice kundi ang labanan ang isa sa kanila. Ang pinakamahirap na part dito ay kung malapit lang ang sagot sa tamang sagot. I have to face the consequence/s, depende sa die kung ano ito. Kapag hindi ko nagawa, dalawa silang lalabanan ko.   Kung one dot ang lalabas sa die, it's a long range, an archery with 100m. Dalawang dots naman ay kailangan kong masabi kung saan huminto ang isang dummy, habang naka-blindfold, matapos nitong magpapalit palit ng pwesto within one minute. Ang tatlong dots naman ay kailangan kong maiwasan ang tatlong daggers from different direction habang nakapiring pa rin ako. Susme! Three out of four dummies naman ang kailangan kong mapatamaan kapag four dots ang nalabas sa die and yes, may role pa rin ang blindfold sa challenge na ito. Kung sakali namang five, all I have to do is to dodge those dagger, boomerang, and shuriken. Tatlo lang pero delikado dahil masyadong sharp ang mga iyan- well except the boomerang and mind you five minutes ang itatagal. Lastly kung six ang nag-appear sa die, ang challenge ko ay kailangan kong harapin ang pinakakinatatakutan kong hayop. Mabuti na lang hindi insekto.   Sa ilang challenge, ang pagiging aware ko at ang hangin ang kasangga ko para malampasan ang mga ito.   “Wag kang mag-alala, alam ko namang alam mo ang sagot sa mga itatanong namin.” Master Raja did something on his stopwatch before giving me a cue to focus. “Kailangan mo itong masagot sa loob ng isa hanggang dalawang minuto.”   Master Kolbherg walk in front of me, his hands on his back. “The more you have it, the less you see.”   Tumingin ako kay Master Raja, nagtatanong na tingin ang isinagot niya sa akin. Napabuntong hininga ako saka inulit sa isip ko ang sinabi ni Master Kolhberg.   The more you have it, the less you see.   The more you have it, the less you see.   Nag-e-exist baa ng ganoong bagay? Parang nangangapa naman ako nito sa dilim, wala bang ibang clue na madaling mahulaan?   Wait…. Nangangapa sa dilim... Hindi kaya?   “Darkness.”   Sana naman tama. Ayoko munang sumabak sa mga challenges na hinanda nila. Masyado pang maaga.   “The answer is correct.” Napagawi ang tingin ko sa hawak ni Master Raja. May hawak na siya ngayong bagay na hindi ko maintindihan at iyon ang nagsalita. Yeah right, nothing’s imposible in this world.   “Next. I passed before the sun, yet make no shadow.”   Whoa! Easy as 1, 2, 3. Dapat ito na lang ‘yong unang riddle.   “Wind.” Taas noo kong sagot. Iyon lang naman ang sagot maliban na lang kung may iba pa, ‘di ba? Sa tingin ko naman’y wala na.   “Mn,” Master Kolbherg hold his chin and walk back and port.  Muling nagsalita ‘yong hawak ni Master Raja.   Matapos kong masagot ang riddle, nagpatuloy sa pagbabato ng riddles sa akin si Master Kolhberg at patuloy ko rin na sinasagot. May madadali katulad ng wind, ngunit may mga mahihirap din. Kinakabahan nga ako minsan dahil baka mali ang sagot ko. May oras din na minuto ang binibilang bago ko masagot ang riddle.   “Okay para sa huling riddle.” Huminto siya sa pagsasalita na parang nag-iisip ng malalim. “Completely round is fairly rare, bright, and shiny when I'm there. When I'm not, they call me new. But I'm old, older than you.”   Bright and shiny when I'm there. Is it a light? No, completely round daw. How about a light coming from flashlight? Pwede, pero hindi rin. Paano naman ang 'they call me new but I'm old?'   “Aishhh!”   Napahilamos ako sa aking mukha. Ako lang ba o mahirap talagang i-analyze ang riddle? Nasaan na ba ang utak ko? Bakit parang lumipad?   Nakakaasar naman, siguro kung nandito lang si Myhrr ay baka nabatukan na ‘ko ng isang iyon dahil sa hindi ko masagot ang riddle.   Haaays! Isa pa ‘yan, biglang naglaho na parang bula. Napunta na ako’t lahat-lahat sa napaka-imposibleng mundong ito,  hindi ko pa ulit siya nakikita.   “Don't know the answer?” Tanong ni Master Kolhberg.   Napatango ako ng wala sa oras, pumwesto siyang bigla. Medyo naguluhan pa ako kung ano ang ginagawa niya, nakuha ko lang ang ibig niyang sabihin ng umismid siya. I left no choice but position myself, too.   Ang slow poke ako ngayon.   Wrong timing.   Sana naman ay hindi na ko mahirapan tulad ng nangyari last, last training namin.   Nakatayo lang kami pareho at sa tingin ko ay pinag-aaralan niya ang mga galaw ko. Ultimo ang pagkurap ng mga mata ko. Ganon kasi ‘yong ginagawa ko ngayon.   Napansin ko ang mumunting paggalaw ng paa niya. Naging alerto ako sa maaring mangyari at hindi nga ako nagkamali dahil bigla niya na lang akong sinugod. Umatras ako ng isang hakbang at sinangga ang kaniyang paa, pahagis ko itong ginawa. Umikot siya para hindi mawala ang balanse. Sa pagkakataong iyon ako naman ang sumugod ngunit nasangga niya rin. Nagpalitan lang kaming dalawa ng tira at walang takot naming sinasalubong ang kamao at sipa ng isa’t isa.   Nakafocus ako sa bawat galaw niya at nakatingin rin ako sa kaniyang mga mata. ‘Yon ang isang paraan para malaman ang sunod na galaw ng kalaban. Ngunit isa sa mga cons ko sa labang ito’y isang Master aking kaharap at talagang bihasa kaya’t nakahanap siya ng lusot. Natuhod niya ako sa sikmura.   Aiis!   Ang bilis! Wala talagang patawad ‘pag nasa gitna ng training. Kahit pa sabihing hindi ako isang mage katulad nila basta training, training talaga.   Tumayo ako ng tuwid at hinanda ang sarili. Akmang susugod na ko nang umatras si Master Kolhberg. Akala ko’y susuko na siya kahit na malabong mangyari. Tumalon siya ng mataas at direksyon ko ang puntirya niya. Tumakbo ako sa bandang kaliwa para iwasan siya. Saktong pagtapak ng mga paa niya sa lupa, sumugod siya sa akin kaya ang ginawa ko ay sinalubong siya. Nahawakan ko ang mga braso niya at ganon din siya, hawak niya rin ang dalawang braso ko. Pilit kong sinubukan na siya ay patumbahin. Konti na lang, konting labas pa ng lakas ko mapapatumba ko na siya. Pinatid ko ang isang paa niya para mawalan ng balanse saka ko tinuhod.   Natumba siya sa ginawa ko, pero dahil sa hawak niya ang mga braso ko ay kasama akong bumagsak sa lupa. Sa kabila ng aking ginawa, nakuha niyang makatayo kaagad at hindi na ‘ko hinayaan pang umangat mula sa pagkakasubsob sa lupa.   “Get up.” Aniya nang alisin ang kaniyang pagkakahawak sa aking kamay.   Pinagpag ko ang aking damit nang makatayo ako. Babawi ako ngayon. This time ako ang unang sumugod, noong una’y nasangga niya ang sipa ko, gamit ang kaliwa kong braso hinuli ko ang kanang kamay niya at umikot patalikod. Sinigurado kong wala siyang takas.   Nang masigurado ko na hindi na siya nakakakuha ng tamang bwelo, sinipa ko siya mula sa likod. Hindi ako nabig, kaya lamang ay naagapan niya ang kaniyang pagbagsak sa lupa. Nag-thumbling siya at muling nakatayo. Hindi pa ko nakakakurap nang napunta siya kaagad sa aking harap.   “Sh-it!” ang tanging lumabas sa aking bibig. Tumalon ako patalikod. Dahil sa adrenaline rush ay nasalo ko ang kamaong patama sa aking mukha. Buti nasalo ko kung hindi knock out na ‘ko.   Whoa! He never failed to live with the position he’s holding.   Binitawan ko ang kamay niya dahil ramdam kong gagamitin niya ang kaniyang paa para mapabagsak ako. Yumuko ako, sa pagkakataong iyon ay tumalon siya mula sa aking harap papunta sa likod at doon niya ako na-corner.   Pagtayong pagtayo ko pa lang he grab both of my arms at pinaharap niya ako sa isang puno, ‘yong free hand niya naman ay nasa batok ko preventing me na makawala.   Gaaaa!   Alam ko ang style na ‘to. Ganito mismo ang ginawa ko sa kaniya noong sinubukan nila ang aking physical strength. Sa gitna ng gabi habang nasa ilalim kami ng bilog na bilog at maliwanag na b…buwan.   Nanlaki bigla ang mata ko nang maalala ko ang riddle. “Completely round is fairly rare. Bright and shiny when I'm there. When I'm not, they call me new. But I'm old. Older than you.”     MOON!   Shoot! The answer is moon. Ang tanga ko! Bakit ngayon ko lang naisip iyon?   I leaned on the tree and let out a heavy sigh.   “Alam mo na?” Tanong sa akin ni Master Kolhberg nang pakawalan niya ko.   “Moon.” Walang gana kong sagot.   “Galingan mo na lang sa susunod.” Sabi naman ni Master Raja.   Hindi ako umimik, sa halip ay naupo sa ilalim ng puno.   Nakakapagod.   Hindi pinansin ni Master Kolbherg ang pag-upo ko. Habang pinapagpag niya ang kaniyang kasuotan ay nagtanong na siya sa akin. “Bakit Acre pa rin ang tawag sa Heavenacre?”   Madali lang ang tanong n’ya ngayon. “Dahil ‘yon ang gusto niyong mga Elders, pati na rin ng mga Elysian.”   Lumapit sa amin si Master Raja. Lumabas sa kaniyang bibig ang salitang aking iniiwasan. “May kulang.”   Napangiwi ako at inalala ang naging pag-uusap namin ni Master Kolhberg.   “Hindi basta basta tinuturo ang history sa Acre Academy.”   “Bakit po?”   “Dahil may paniniwala na ang Acre ay isang kaharian lang. Ang Heavenacre at Hellacre ay hindi nag-e-exist ilang siglo na ang nakakaraan. Acre ang tawag ng mga Magi rito sa Heavenacre, kung tutuusin ay hindi dapat sapagkat Heavenacre ang tama. Kapag sinabing Acre, ibig sabihin ay kasama pati na ang Hellacre katulad nalang ng paniniwala ng mga Magi. Hindi ito basta nilalabas hanggat walang patunay na totoo ang impormasyon. Maski ang pinagmulan ng gulo sa pagitan ng dalawang kaharian ay hindi matukoy.” Paliwanag ni Master Kolhberg.   Huh? Naguguluhan pa rin ako. “Bakit po Acre pa rin kung Heavenacre dapat? At bakit hindi alam ang pinagmulan ng away?”   “‘Yong sa gulo ay wala talagang nakakaalam, kahit sino sa bawat panig, parehas na nagsisisihan sa isang bagay na hindi ginawa ng bawat kampo. At kung sa pagtawag naman ng Acre, nakasaad ‘yon sa batas ng Heavenacre. Nais panatilihin ng mga Elders ang totoong mundo ng majika kahit na parang imposible.”   “Kung hindi basta-basta nilalabas ang impormasyong iyon, bakit po sinabi niyo sa akin? Hindi niyo po ba naisip na baka maisiwalat ko ito?”   “Para magkaroon ka ng background information sa Heavenacre o Acre. Alam ko namang hindi mo gagawin ang bagay na ‘yon.” Sumeryoso bigla ang mukha niya. “At kung ssasatinig mo, wala akong magagawa kundi ang ipaalam na isa kang mortal.”   Ehhh?!   Inaiabot sakin ni Master Raja ang die kaya kinuha ko ito sa kanyang kamay at hinagis paitaas. Pagbaba nito sa madamong lupa, lumabas ang apat na tuldok. Napalingon ako sa dalawang Master na nasa harap ko.   May pinindot na kung ano si Master Raja sa kaniyang relos at biglang may nag-appear na apat na dummy sa ground, paiba iba ito ng pwesto kung kaya’t hindi ko rin matukoy kung nasaan sila mamaya. Iba't ibang direksyon, pwesto at ang layo sa akin. Iniabot sa akin ni Master Kolhberg ang tatlong dagger saka ako piniringan.   “Okay ka na?” Tanong nito sa akin na tinanguan ko.   Humugot ako ng malalim na hininga at pinuwesto ang aking sarili.   Napangisi ako ng maramdaman ko ang isang dummy na nakatayo malapit sa kinalulugaran ni Master Kolbherg kanina. Wala akong inaksayang oras, inihagis ko kaagad ang isang dagger na hawak ko, hinagis ko na rin ang pangalawa nng maramdaman ko na ang isang dummy ay huminto sa aking likuran. Humigpit ang hawak ko sa kahuli-hulihang bagay na nasa kamay ko nang marinig ko ang pagbaon ng pangalawang dagger sa dummy. Isa na lang, hindi dapat ako sumablay. Pinakiramdaman kong mabuti ang hangin. Paiba iba ang direksyon nito.   There. Bulong ko at hinagis ang huling dagger, ngunit nang maramdaman ko ang isa pang dummy na papalapit sa akin ay nawala ang konsentrasyon ko at na miscalculat ang paghagis. Ang resulta? Nag-landing kung saan ‘yong dagger.   I heard Master Kolhberg clicked his tongue. Ahit nakapiring ako, nai-imagine ko ang pag-iling ni Master Raja.   Nanlulumo kong tinanggal ang piring.   “Tama na muna ‘yan.” Sabi ni Master Raja.   Mabuti naman at ‘di nila naisipang labanan ko silang dalawa ng sabay at napagdisisyonan na lang na bumalik na sa loob ng bahay. Nagpatiuna ako sapagkat ramdam ko ang pagod, gusto ko munang mahiga sa aking kama.   “Magus, papasok ka Acre Academy.” Nahigit ko ang aking hininga. Mabilis ang aking pag-ikot para makaharap sila.   “Siya nga?” Gusto ko talagang mag-aral doon. Ang kaso lamang ay nahihiya akong magsabi sa kanila. Isa pa, inaalala ko ‘yong documents ko, alam ko naman kasing normal ako.   “Huwag kang mag-alala, nagawan naman na namin ng paraan ang mga dokumento mo.” Sabi ni Master Raja.   Bakit ko ba nakalimutan na mind reader pala siya?   “Maganda ang pinakita mo sa mga naging training mo kaya ipapasok ka namin doon.” Dagdag niya.   “Isa rin iyan sa dahilan kung bakit namin pinagtulungan ang pagtra-train sa iyo. Para kahit na hiram lang ang majikang mayroon ka, makakaya mong makipagsabayan sa mga estudyante doon gamit ang sariling mong lakas.” Napangiti ako sa sinabi ni Master Kolhberg.   “Salamat po.” I saluted by bowing my head. “Maraming salamat po talaga.” Hindi ko alam kung anong swerte ang dumapo sa akin at dalawa sa Council ng Heavenacre ang tumutulong sa akin ngayon.   “Maglinis ka ng katawan mo at may pupuntahan tayo. Bibilhin natin ang mga kailangan mo. May dorm sa Academy at doon ka tutuloy.” Tumango ako kay Master Kolbherg, pero natigilan rin ako, “Eh?” Pwede bang dito na lang ako umuwi?   “Pwede ka naman kung walang masyadong ginagawa at saka ‘wag kang mag-alala sapagkat kung minsa’y nandoon kami sa Academy, baka sakaling nakalimutan mo.”   Sino pa ba? E si Master Raja lang naman ang nagbabasa ng isip. Privacy po Master.   Tumawa lang siya at umiling iling.   “Sige na, para makabalik din tayo kaagad. Kailangan ko pang pumunta sa Academy mamaya. Bukas papasok ka na. Mauuna na ro’n si Elder Raja, may kailangan pa siyang asikasuhin kasama ang pag-eenroll mo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD