Marahan na ipinarada ni Lucas ang kanyang sasakyan sa harap ng isang establisimiyentong sa ilang pagkakataon ay napuntahan niya na rin--- ang Arianna's. Isa iyong boutique na pag-aari ng kanyang Ninang Arianna, ang asawa ng kanyang Ninong Ronniel. Sa kasalukuyan ay ang bunsong anak ng mga ito na ang namamahala roon, si Ariella. Bumaba siya mula sa kanyang sasakyan at naglakad na patungo sa boutique. Pasado alas-dies na ng umaga at bago pa man pumasok sa Olvidares Manufacturing Corporation ay doon na muna siya dumiretso. Agad na lumingon sa may entrada ng Arianna's ang ilang saleslady, maging ang ibang customers, nang pumasok siya sa loob. Iniikot niya ang kanyang mga mata sa kabuuan ng paligid para hanapin ang kanyang kinakapatid na si Ariella. "Good morning, Sir Lucas," bati sa kanya n