Nang sumunod na araw ay maaga ulit na gumayak si Lucas upang pumasok sa kanilang kompanya. Hindi pa rin nawala sa kanyang isipan ang lahat ng pinag-usapan nila ng kanyang Ninong Ronniel. Katunayan ay kausap niya itong muli kagabi upang sabihin sa kanya na tuloy pa rin ang paghahanap ng mga tao nito sa Antipolo at ilang karating lugar upang makita ang kanyang papa. Ang mga taong tinutukoy nito ay ang ilang protection agent na mula sa sarili nitong security agency. Yes, they were having their own investigation. Hindi sila sang-ayon sa inilabas na resulta ng imbestigasyon ng mga pulis. Ayon kasi sa mga pulis ay maaaring nawalan ng kontrol ang kanyang ama dahilan para mgtuloy-tuloy ang sasakyan nito sa bangin. But he doubted it, lalo na ngayon na alam na niya ang tungkol sa mga sulat na nata