Hindi pa man napapatay ang makina ng sasakyang minamaneho ng kanyang Uncle Vincent ay mabilis nang binuksan ni Lucas ang pinto sa may passenger's seat niyon. Mula roon ay agad na siyang lumabas. Nang makababa siya ay magkasunod na rin na umibis mula sa naturang sasakyan ang kanyang Mama Francheska at ang nagmaneho nga na kanyang tiyuhing si Vincent. Kasalukuyan silang nasa may Antipolo. Ngayong gabi ang dapat ay isa sa masasayang saglit sa buhay ng kanyang pamilya, lalong-lalo na para sa kanilang mga magulang. Ngunit ang dapat ay masayang gabi ay biglang napalitan ng pangamba at lungkot. Ilang minuto nga silang naghintay para kay Jake sa hotel na pagdadausan sana ng anniversary party ng mga ito. Siya mismo ay nagtataka na kanina pa sapagkat hindi ugali ng kanyang ama ang magpahuli sa ano