CHAPTER 01

616 Words
Hi! Im Cloe Reyes, 24 years old at isang tiga hanga ni Choi Dong Gu. Ilang taon na din ako dito sa korea. Tama kayo! Natupad ko ang pangarap ko na makarating dito. Kaso kahit anong gawin ko di ko parin nakikita si Idol! Walang concert, walang tv shows at kahit ano mula nang lumabas yung balita. 3 years ago. Pero di naman ako naniniwala don. May tiwala ako sakanya mawala na lahat ng fans niya. Ako hindi! Hahanapin ko siya kahit saan mang sulok ng mundo. Determinado ako eh wala na kong magagawa. Naging leader ako ng isang banda "The Stupid" yan kasi yung pinangalan ng ex-boyfriend ko na ngayon kuya na ang tawag ko. Siya ang dating leader pinalit lang nila ako mula nang nag asawa siya. FLASHBACK "Cloe." Binasag niya ang katahimikan saming dalawa. "Ano ka ba wag kang malungkot!" Peke kong ngiti upang lumakas ang loob niya. "Pero alam mo? Pwede namang hayaan ko nalang sila at umalis na tayo sa magulong mundo na 'to.." Salita niya habang nakikita ko ang mga luhang unti unti ng tumutulo sa mga mata niya. "Vernon, alam mo gusto din kitang sarilihin at wag ibigay sakanila pero.....*pagtigil ko habang pinipilit na wag umiyak*....pamilya mo 'yon kailangan nila ang tulong mo." "Pero mahal na mahal kita kung ang kapalit ng hinihingi nila ay ikaw. Di ko yata kaya Cloe. Di kita kayang iwan at mag pakasal sa iba." "Vernon, alam ko naman 'yon ramdam ko. Pero di ko kayang makitang masira ang kumpanya niyo ng dahil lang ako ang pinili mo. Sila Lolo at yung mga iba mo pang ninuno na nag pakahirap para lang sa kumpanya niyo na yan. Di ko kayang di maisip 'yon Vernon──pasensya na." Pag alis ko ng pag kakahawak niya sakin. END OF FLASHBACK Gusto naman ako ng pamilya niya. Actually naging billionaryo nga ako dahil sakanila. Why? Kasi naging designer ako sa kumpanya nila. Nakita kasi ni Lolo(Lolo ni Vernon) yung mga tinatago kong drawing sa bahay. Hilig ko lang naman talaga ang mag drawing ng mga alahas.  Ginawa rin niya akong CEO sa isa niyang kumpanya ang 'Super Hotel'. Palugi nanga 'yon nang ibinigay sakin kaso malaki daw ang tiwala niya sakin na pagandahin 'yon at nagtagumpay naman ako. Malaki na din ang kinikita ngayon ng kumpanya. Malapit ako sa pamilya ni Vernon. Halos anak ang turing sakin ng mga magulang niya lahat sila tinuring nakong pamilya. Lahat ng sikreto nila alam ko. At may iba pa silang sikreto na tinuro sakin. "Uy! Cloe!" Tawag sakin ni Mimi, isa siya sa member ng banda. "Bakit?" Lingon ko naman sakanya at kay Nicole na hingal na hingal. "Cloe matutuwa ka!" Salita agad sakin ni Nicole kaya naman naexcite din ako. "Ano ba talaga 'yon? At binibitin niyo ko!" Takang taka ko ng tanong sakinila dahil wagas ang mga ngiti nila. "Si Choi Dong Gu!" "Oh?! Ano tungkol sakanya?" Sagot ko agad sakanila habang nanlalaki ang mga mata ko. Tumibok ng mabilis ang puso ko pag karinig ko ng pangalan niya. "Pumupunta pala siya dito minsan. Kasama yung pamangkin ni Uncle!" Pumapalakpak nilang sabi habang nag lululundag kasabay ko. Nagulat ako sa nalaman ko. Ibig sabihin makikita ko na siya? Sa napakatagal na panahon kong hinintay. Eto na ang Fullfilment of my dreams! Nga pala si Uncle yung may ari ng bar na kinakantahan namin. Actually di naman siya bar na magulo. Yung may stage tapos kami yung banda na kumakanta. Halos studyante lang din kasi ang pumupunta dito. Kala mo nga kami laging may concert dahil na din sikat si Vernon sa mga babae dati. Kaya naman dumami din ang fans namin at sumakat sa iba't ibang lugar. Isang artista din kasi yung pamangkin ni Uncle. Dinadala niya yung mga kabarkada niya pag wala ng tao sa bar. Alam niyo na. Para di sila dumugin ng fans nila. Pero bakit di nabanggit sakin ni Uncle na kasama din pala si Dong Gu ko?! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD