"Good morning, doktora!" "Good morning, doc! Wow! Blooming po kayo today!" "Ganda talaga ni doktora. Pampaganda ng umaga." Ngiti at tango lang ang sagot ko sa kanilang mga bumabati sa'kin. Aba! Nag-spa ako kahapon kaya naman dapat lang na mapansin nila sa relaxed na relaxed na ang katawan ko. Sisipain ko ang hindi makakapansin sa'kin. It's been two years. Dapat lang talaga siguro na hindi na ako losiyang. Medyo parami ng parami ang preggy mommies kaya naman attentive kami ni Zachary sa trabaho namin. Naging busy kaming pareho sa dami ng buntis. Hindi ko naman masisisi ang mga mommies ko, aba ang sarap ba naman kasi ng s*x! Speaking of that gagong Montelvaro, may malaki pa siyang kasalanan sa'kin! Imbes na dumiretso ako sa clinic ko ay doon muna ako dumiretso sa clinic ni Zach. "Hoo