The seminar went well. Last day na nga namin ngayon at palaro na lang daw ang gagawin ng mag-asawang Tan. I'm feeling good about this day. Kaya siguro magandang maganda ang gising ko. I wore a red two-piece bikini that suited my skin very well. Hindi lang naman iyon ang dahilan kung bakit ito ang suot ko. Nataon din kasi na kasama ako sa Red Team. Si Zach naman ay sa Blue Team kaya kanina pa siya umalis. May mini meeting daw sila para sa gagawin nilang strategy sa mga laro. Ipinusod ko na lang buhok ko. Okay na okay na ako. Shet ang ganda ko lang talaga! Palabas na ako ng kwarto namin ng mag-ring ang cellphone ko. Unknown number. "Hello?" Sagot ko. Nai-lock ko na ang pinto at paulit-ulit na akong nag-hello pero ni wala man lang sagot. Mga siraulo nga naman oo! Bumuntong hininga na la