Chapter 2: The b***h and the asshole

1664 Words
"Anong baon natin?" Tanong ko kay Francis na hindi na rin ako naghintay ng sagot at kinuha na ang lunch box niya. "Nagluto si mame kanina ng adobo pero naiwan ko naman lunch box ko sa kusina. Makikikain na lang na naman ako sayo." Napailing na lang siya at tinulungan ako sa paglabas ng baon niya. As if naman makakatangi pa siya sa'kin e ilang taon na rin niya akong pinapakain ng lunch niya. We've been classmates since grade two and now we're in grade eight. So basically, we really are stuck with each other. At ilang taon ko na ring lunch ang lunch niya. "Magagalit na naman si tita niyan at hindi mo dinala lunch mo." Sita niya at sumubo sa garlic rice niya. Ngumisi na lang ako. Amoy pa lang ng luto niya alam ko ng masarap. "Hindi naman niya malalaman na naiwan ko 'yung lunch ko kung makakain ko pa iyon bago pa sila makauwi ni dade." Ganoon naman ang gawain ko. Hindi ko naman madalas sinasadyang iwanan ang lunch box ko pero tuwing mangyayari nga iyon, makakain ko na 'yun kapag uwi ko. Hindi pa naman ako nahuhuli nila mommy. Dahil na rin siguro kasabwat ko na lahat ng maids sa bahay. Hindi ko na naintindihan 'yung mga sinasabi niya dahil naging abala ako sa pagkain ng garlic rice niya at chicken nuggets. Since grade four, siya na ang nagluluto ng lunch niya. Why? Because he can and he wants too. Tita Fri doesn't seem to mind at all. "Hi babe!" Sabay pa yata kaming nag-angat ng tingin sa nagsalita at bumungad sa amin ang girlfriend ko. Yeah, right. My girlfriend-- the popular cheerleader in school and our senior. Isipin niyo na lang na ang isang sikat na senior ang may affair sa'kin. Guess no one would have guessed it. Napailing naman si Francis. Ngumisi na lang ako. "Mauuna na ako." Paalam na lang ng tukmol na iyon at iniwan na kami. Clare sits beside me. "What's up with him? He doesn't really like, does he?" "Nah." Umiling ako at inakbayan siya. "He's not just in the mood." It all started when we became sixth graders. Normal pa naman ako doon kasi naisali pa nga ako ni mame sa isang beauty contest. But then my classmate's ate found me interesting. I mean, I know the drill with her kind. Let's just say that she's not the only one interested-- I am too. Basta, mahirap i-explain. To make the long story short, I knew that exact day that I am more interested in girls than anything else. And having Francis Montelvaro, with his oh-so-many girlfriends, served as influence too. Ilang taon na nga ba ako ngayon? Thirteen. Yeah. I'm thirteen years old. I already had six ex-girlfriends and Clare as my current girl. Hindi naman problema ang built ng katawan ko para masabing awkward kapag kasama ang mga girlfriends ko. I'm 5'3 by height, which makes me taller than them. I just had my menstruation last year. With the kind of family I have, accepting me is even harder than anything else. Pero ano pa nga bang magagawa nilang lahat? Heto na ako. My titas and titos are all religious. Hindi ko na kailangang ipaliwanag kung bakit hirap sila madalas na harapin at tanggapin ako. I had the hardest time with mame and dade but it's been years and they love me. Given na talagang matatanggap nila ako. I guess what matters to me now most is my bestfriend still not judging me. Hindi ako tanga at hindi mapupunta sa wala ang taas ng IQ ko para hindi malaman kung jina-judge na ba ako o hindi. By simply looking at someone's eyes gives you the answer. At kahit na kailan ni hindi pa ako tinignan ni Francis na may halong panghuhusga. I guess that's why I'm willing to be stuck to him forever. I know he will never be like everyone else. Speaking of that Montelvaro, alam kong pinuntahan na din niya ang girlfriend niya ngayon. Malandi din 'yun e. × × × × × × × × × × Zach and I are fixing the things we need for camping on Friday. Ilang beses ko ng tinatawagan si Felicidad pero ni hindi man lang siya sumasagot. Ang babaeng 'yung talaga. Paano kung wala pa pala siyang naigayak na gamit? Nakalimutan ko na kung anong event ang meron sa school pero basta camping sa Friday. It's a joint camping where boys and girls could share tents. Sa aming mga juniors pwede. Sa seniors lang yata hindi. "Dude, it's your girlfriend again. Bakit ba ayaw mong sagutin ang tawag sa phone mo? Ako naman ngayon ang kinukulit!" Reklamo nitong pinsan ko pero inabot din naman sa'kin ang cellphone niya. Huminga ako ng malalim bago sumagot. "Hello?" "Francis! Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko? Ang sabi ko na kay mommy magsasabay tayo papunta sa camping! Isn't that what you promised me? Akal--" Napakamot ako sa batok ko at napailing. Why did I say yes to this girl again? "Look, Aira, I don't like you anymore. Break na tayo." "What?! Paano n--" I ended the call before she could add anything else. Binalik ko na ang cellphone kay Zach. Nakatingin na naman siya sa'kin na para bang hindi siya makapaniwala sa ginawa ko. Well, he should be used to this now. "What?" Tinapik-tapik niya ang likod ko. "Finally, dude! I could block that girl's number! Dapat talaga matagal mo na kasing hiniwalayan!" Nagkangisihan na lang kami at pinagpatuloy ang mga ginagawa namin. Gusto ko ng tawagan si Tita Euphemia at tanungin kung nasaan na si Felicidad pero hindi rin pwede. Kung wala pa ang babaeng iyon sa bahay nila at malalaman ni tita na wala rin siya dito, siguradong lagot na naman siya. I don't want her to get in trouble. Baka hindi siya payagan sa camping. She's been grounded since we are grade six. She's not really supposed to go wherever without me. Hindi ko alam kung paano naging grounded pero nakikita naman na nabawasan nga ang kalayaan niya. But I'm really with her 24/7 so she's still free to do whatever she wants. 'Wag lang kaming mahuhuli ni tita. Ngayon, kung malalaman ni tita na hindi kami magkasama, malabo talaga siyang payagan sa camping kahit na kasama pa ako. Pero mabuti na rin ito. At least Tita Eu is not the same with their other relatives. Felicidad's family has it all. Name it. Mula sa pastor hanggang sa mga nagse-serve sa simbahan at mga nagku-choir, kamag-anak niya. She often calls her family "banal" and she's the black sheep. Hindi naman mahirap patunayan na siya nga ang naiiba sa pamilya niya. Unahin na lang ang ebidensyang mas gusto niya ang kagaya niyang babae. Nandoon ako noong pinapagalitan siya. Her whole clan was against her decisions. Galit ang mga ito at nahihirapan din siyang harapin. Akala ko nga magbabago na ang isip niya. But then she stood up for who she really is. That's why I'm so proud of her. Kahit na ano pa siya, siya pa rin naman ang babaeng umupo sa favorite bar stool ko na nakasuot ng sobrang laking ribbon sa ulo six summers ago. She's Felicidad. "Francis! Zachary! Naaamoy ko kayo mula dito!" "Ako na susundo sa kanya sa baba." Natatawang sabi ni Zach at lumabas na. Kahit kailan talaga naman. Mas feel at home pa siya sa kahit sino dito sa bahay namin. Kaya tuwang-tuwa sa kanya si mommy at dad e. Kung nagkaroon man daw sila ng anak na babae, si Felicidad na daw talaga iyon. Felicidad thinks the same, too. My parents are her second batch of parents, too. "Hoy!" Bungad ng babaeng 'to pagkarating nila. "Pinadala na ni mommy lahat ng pwedeng kainin!" "Naayos mo na ba 'yang mga dapat mong dalin?" "Yes boss! Kaya lang ipapalagay ko sa bag ni Zach 'yung shoes ko kasi 'di na magkasya sa bag ko." Ginulo ni Zach ang buhok niya. "Sama-sama naman tayo sa iisang tent, 'di ba? Pwede ka pang magsiksik ng ibang gamit sa bag ko kung wala na talagang space." Dahil expected naman ng sobrang gulo pa rin ng gamit ni Felicidad, sinimulan na rin naman ayusin ang mga dala niya. Hindi naman alam kung bakit ayaw niyang ipaayos na lang sa nga katulong niya ang gamit niya. Kitang-kita namang hindi pa rin siya marunong mag-ayos ng gamit. Naabutan pa kami ni mommy kaya naman nagpadala na rin siya ng mga gamit na baka kailangan namin doon. Unang camping namin 'to sa school activity pero nakapag-camping naman na kami tuwing rest day nila dad. Favorite activity nila ni mommy 'yun. "'Di ba dapat may isa pa tayong kasamang babae? Isasama ba natin 'yung girlfriend mo?" Tanong ni Zach. Nagkibit-balikat lang si Felicidad. I know that gesture. May nangyari din dito. "Nasaan si Clare?" Ako na ang nagtanong. Tinignan niya ako at nginisihan. "Nasaan si Aira?" Alam na ni Zach na baka magtalo na naman kami kaya inawat niya na kami at pinagkwentong dalawa kahit alam na niya ang side ko. "I broke up with Aira because she pisses me of." Walang ganang sabi ko. She crosses her arms on her chest. "I broke up with Clare because she's a cheating, lying cheap girl who's going out with her teammate." Nagkatinginan kaming dalawa ng pinsan ko. Something wrong happens everytime she breaks up with her girlfriend. Sa ilang beses na niyang ginawa iyon... "What did you do?" Sabay na tanong namin ni Zach. "Oh chill. I didn't do anything wrong with them." Kampanteng sagot niya. I don't believe her for a second. "Felicidad..." "Okay fine!" She surrenders immediately. "Maybe I just did a little talk with them both. Since I'm a very nice girl, I didn't do it in public. As a result, I would never see their faces ever again. If I did, they'll be sorry for the rest of their lives. Ang bait bait ko pa nga e." Nakatinginan na naman kami ni Zach. Nagkibit-balikat na lang siya. Alam kong wala naman na talaga kaming magagawa dahil nagawa na niya iyon. Felicidad changes the topic. "So... how did you broke up with Aira?" Nagkibit-balikat na rin ako. "Over the phone." Napangisi ko na siya at sinuntok pa ako. "Asshole!" Yeah, I earned that. I pinch her nose and smirk. "Stop letting your inner b***h escape too often."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD