Chapter 12 "Ayos ka lang?" bigla kong nilingon si Tuko na nasa harapan ko na pala. Binalik ko ang tingin sa itaas pero wala na ang bulto niya doon. Hindi kaya guni-guni ko lang ang lahat ng yun? "Michaella!" tawag ulit niya sa akin na ngayon nakahawak na sa braso ko. Nasa dance floor parin kami at wala na sa tabi ko ang mga kaibigan, may lumapit sa kanila kaya napunta sila kung saan. "Ayos lang ako, bigla yata akong nahilo dahil kanina pa ako nagsasayaw na puro kaliwa ang mga paa. You know, at saka ang sakit sa mata ang mga ilaw." sabi ko sa kanya. "Gusto mo na bang umuwi tayo?" tanong niya. Umiling ako dahil ayoko pa,"mamaya na, hintayin na muna natin ang mga kaibigan ko, bigla na lang akong iniwan dito eh. Nakakainis," saad ko. Inalayan niya ako para makabalik sa upuan namin. "San