ELIZE
"Please, do me a favor, Butterfly," Dragonfly said on the other line, her voice was literally pleading. "Just this once, help me please. Ikaw lang ang alam kong makakatulong sa akin." Now she sounded so desperate.
I sighed heavily. "You know it's my off today, right?" sambit ko habang ang atensiyon ko ay nasa ginagawa kong pagpipinta sa canvas ko.
"I know. But, it's a big customer, Butterfly. Ako ang pinakiusapan ng agency natin na puntahan ang client na ito, pero biglang tumawag ang isa ko pang customer. And I couldn't say no to this customer of mine dahil malaki magbayad. Please, Butterfly. Help me with this one. Ikaw na ang pumunta sa isang customer on my behalf."
Hindi agad ako sumagot at nanatili lang na tahimik.
Gaya ko, female escort din si Dragonfly sa AHE. Magka-batch kami nang makapasok sa agency kaya naman nagkasundo at naging magkaibigan na rin. At kung Butterfly ang codename ko, Dragonfly naman ang sa kanya.
"Please, Butterfly. Help me."
Isang malalim na buntong-hininga lang ang isinagot ko sa muling pakiusap ni Dragonfly mula sa kabilang linya.
"Ikaw na ang pumunta kay Mr. Allain Ybañez."
Naputol ang muli sanang pagtanggi ko sa kausap at bahagyang natigilan nang marinig ang pangalan ng lalaking binanggit niya. "Pardon?" Baka kasi nagkakamali lang ako ng dinig.
"Ang sabi ko, tulungan mo ako-"
"Not that one," I cut her off. Binitawan ko ang hawak na paint brush at tumayo mula sa wooden stool na kinauupuan ko. Dragonfly caught my full attention now just because of the name she mentioned. "What's the name again? The client?"
"Mr. Allain Ybañez."
Just hearing his name for the second time made my heart skip a beat.
Allain Ybañez.
Isang tao lang ang kilala ko na may gano'ng pangalan. And it's been years since the last time I saw him.
"Ang sabi ni Mamita, bakla nga raw ang hinahanap na escort for the customer. Eh, puro mga babae naman tayo sa agency natin."
"Wait, what? What do you mean by that?" takang tanong ko. Bakla ba ang gusto ng lalaking iyon?
"Babae ang tumawag kay Mamita, asking for a guy escort for this customer. Hindi lang kami sure kung ang mismong customer ba ang may gusto no'n o ang babaeng iyon."
I'm sure na ang babae ang may gusto no'n. Because as far as I remember, lalaking-lalaki si Allain at wala sa personality nito ang pumatol sa kapwa niya lalaki pagdating sa s*x. Balak pa yatang ipa-rape ng babaeng iyon si Allain sa bakla!
Well, kung ang Allain Ybañez nga na kilala ko ang tinutukoy na customer ni Dragonfly.
"Gusto ko sanang magtanong kay Mamita, but asking personal questions were against our protocols. We just accept the job when the price is right."
Right. And sometimes it sucks for always following those damn protocols. Tsk.
"I'll do it," I found myself saying those words.
"Ha?"
Pumikit ako at mahigpit na hinawakan ang phone ko. Huminga ako nang malalim bago nagmulat ng mga mata. "Ako na ang pupunta sa customer as the hired female escort," mariing pahayag ko.
And I wanted to make sure that this Allain Ybañez she was talking about was also the same guy that I used to know back then.
What if he's not?
The usual. I will put the man to sleep by drugging him, making him believe that we really slept together and did it.
What if he is? What would you do? bulong pa ng subconscious mind ko.
That... I would think about it when I get there.
"Send me the address where should I meet the customer, Dragonfly."
"Sure. I'll text you the address of the hotel after this call. Thank you, Butterfly. Bye!"
After hanging up the call, I immediately received her text, stating the hotel building and what floor unit where the customer was staying.
~~~
Pagtapak ko pa lang sa lobby ng hotel building na sinabi ni Dragonfly, binundol na ako ng kaba. Hindi ko lang masyadong ipinahalata lalo na nang nasa reception ako para kumuha ang access key card sa unit ng customer ni Dragonfly. The receptionist was already expecting someone to go there dahil itinawag na rin daw pala sa kanila ng babaeng kasama nito ang tungkol sa female escort from AHE.
I showed them my golden card, my identification as one of the escorts from AHE. At ang codename ko lang din na Butterfly ang naroon kaya iyon din ang ni-register nila sa system nila bago ako binigyan ng access key card.
Habang sakay ng elevator at unti-unting paglapit sa unit na kinaroroonan ni Allain Ybañez, mas tumindi pa ang kabog ng puso ko. My heart was pounding faster and louder on my chest. Halos mapahawak pa nga ako sa taas ng dibdib ko at bahagyang hinaplos iyon para lang pakalmahin ang nagwawalang puso ko.
It wasn't yet confirmed if this Allain Ybañez was also the guy I know, but I was already anticipating for the possibility - especially my heart. Dahil napaka-uncommon naman ng name na iyon kaya umaasa ako na siya talaga ang lalaking ine-expect ko.
Unit 1003 ang it-in-ext sa akin ni Dragonfly. Nang makarating ako sa tapat ng kuwarto na inookupa ng customer, hindi agad ako pumasok at tinitigan lang muna ang pinto. I was nervous and excited at the same time.
I was wearing my signature outfit as a female escort, a sexy and seductive dress. Protocol na iyon sa agency depende sa occassion na pupuntahan namin. Since this is an outcall escort and the client asked for s****l service, I really need to appear sexy and seductive.
Huminga muna ako nang malalim at pinuno ng hangin ang baga ko bago ginamit ang access key card. Dahan-dahan akong pumasok at muling inilapat pasarado ang pinto sa likod ko.
Halos mapanganga ako sa laki at lawak ng kuwarto. Parang VIP suite yata ito. Agad namang natuon ang tingin ko sa queen-sized bed nang mahagip ng tingin ko na may tao roon. Nakahiga sa kama at tanging ang mga binti ng isang lalaki ang nakatapak sa marmol na sahig. Akmang lalapit na sana ako roon nang bigla akong mapatigil nang may marinig akong nagsalita.
"Are you the escort from AHE?"
Nilingon ko ang pinanggalingan ng tinig na iyon. Isang babae ang nakaupo sa romantic table na naka-setup sa loob ng kuwarto, hawak ang isang kopita ng alak na pinapaikot sa kamay niya ang laman niyon. The woman was beautiful, sophisticated and looked so rich on the way she sat in a classy manner, wearing a very expensive and branded dress.
"Yes, I am," sagot ko sa kanya.
Inubos niya muna ang laman ng kopita bago tumayo at lumapit sa harapan ko. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Kahit hindi ko nagustuhan ang paraan ng pagkakatingin niya sa akin lalo na ang pag-ismid niya, pinigilan ko ang sarili kong magsalita.
"Ilang taon ka ng nagtatrabaho bilang escort?" tanong niya.
"Five years."
Ngumisi siya at umiling-iling. "I was asking for a gay escort, but your agency gave me a female escort like you."
Kung gano'n, ang babaeng ito ang kliyenteng sinasabi ni Dragonfly na naghahanap nga ng lalaking escort para kay Allain Ybañez. Kahit gusto kong patulan ang parang insulto at pangmamaliit niya sa akin dahil sa paraan ng pagkakasabi niya, nagtimpi pa rin ako. Binayaran niya ang serbisyo na hiningi niya kaya natural lang na pakitunguhan namin siya nang maayos. Pero, hindi naman ako basta tatahimik na lang. I need to know what did she mean by that - in a nice way, of course.
"What do you mean by that?"
"You look too innocent and sweet for this job. Are you sure you are working as an escort for five years now?"
I smiled as convincing as I could. "Yes. At hindi rin sa pagmamayabang, pero isa ako sa mga in-demand at palaging kinukuhang escort ng mga regular customer namin. You can ask my escort agency for confirmation."
"You're saying you're an expert? Especially in s****l services?"
Pinigilan kong mapangiwi sa tanong niyang iyon. "I'm not saying that. But, no client of mine complained on my service, though."
Ilang segundo pa akong pinakatitigang mabuti ng babae bago tumango-tango. "If you say so." At lumingon siya sa direksyon ng lalaking nakahiga sa kama dahilan para tumingin din ako roon. "I'll leave him to you, then. Gawin mo ang gusto mong gawin sa kanya. I'm done with him, anyway."
Gusto kong magtanong, pero alam kong hindi puwede. I'm sure she was well-informed about our first protocol - no questions should be asked by the escort. Kahit anong tanong pa iyon.
"He's a good catch, but not worth my time. Kahit pinainom ko na ng aphrodisiac drug to increase his libido, mukhang matindi pa rin ang self-control niya at ayaw bumigay. Mas pinili pa niyang itaboy ako at tulugan. That's why I'm asking for a gay escort. Baka-sakaling sa lalaki nagkakainteres at tinitigasan. Tsk."
Aba't hindi lang pala ang babaeng ito ang may masamang balak na gahasain ang Allain Ybañez na iyon, balak pa niya talaga itong ipagahasa sa bakla! Tsk.
Pilit akong umaktong normal sa harap niya at ngumisi nang nakakaloko. "Leave it to me, Miss. Ako'ng bahala sa kanya. I'll do my best to wake him up and make him arouse and succumb in his s****l desire."
Halos palakpakan ko ang sarili ko dahil hindi ako nautal sa sinabi ko. Mabuti na lang talaga at medyo nasanay na rin akong pag-usapan ang mga bagay na may kinalaman sa s*x. I need it, anyway, lalo na sa mga customer ko na talagang gusto akong ikama, so parang nagiging natural na lang iyon kapag lumalabas sa bibig ko. Though sometimes, I couldn't help to feel awkward, pero hindi ko na lang din masyadong ipinapahalata. If I need to show that I'm very experienced when it comes to giving s****l services, I need to act as one to appear more convincing to my customer.
Hindi na nagsalita pa ang babae at walang lingon-likod na nagmartsa palabas nitong suite.
Huminga muna ako nang malalim bago humakbang, dahan-dahang lumapit sa kinahihigaan ng lalaki. At ganoon na lang ang muling pagbilis ng t***k ng puso ko nang masilayan ang guwapong mukha ng lalaki.
This guy in front of me was also the same guy I used to know back then.
The same guy in my high school days.
My high school crush.
Allain Yllak Ybañez.
No doubt about it.
Kahit maraming taon na ang nakalipas, hinding-hindi ko makakalimutan ang guwapong mukha niya. Sa lahat ng naging crush ko, siya ang pinakatumatak sa akin. Not just in my mind, but also in my heart.
Maingat akong naupo sa tabi niya. And I couldn't take my eyes off him. Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong haplusin ang guwapong mukha niya. Hinawi ng mga daliri ko ang ilang hibla ng buhok na bahagyang humaharang sa nakapikit niyang mga mata. Dahil nakapikit siya, malaya kong napagmasdan ang mukha ng lalaki.
I remember he was just a boy back then. Now he was a man. A gorgeous man, to be exact.
Isang school lang ang pinapasukan namin noon, pero napakadalang magkrus ang mga landas namin ni Allain Yllak Ybañez. At kung magkrus man ang aming mga landas, hindi pa sa magandang pagkakataon.
He was the popular guy and I was just nobody when we were still in high school. Puro nakaw na tingin lang din ang ginagawa ko noon sa kanya. At isang beses lang kami nagkalapit na dalawa - as in 'yong sobrang lapit ng mga mukha namin. Mabibilang lang sa mga daliri ko kung ilang beses kami nagkaroon ng conversation - kung pag-uusap ngang matatawag iyon.
Dahil ngayon ko lang siya natitigan nang malapitan, napansin ko kung gaano talaga kadetalyado ang hitsura niya. Medyo makapal ang kilay niya na bumagay naman sa mukha niya. He had long eyelashes, pointed nose, flawless skin and a chiseled jawline. Hindi ko namalayan na tine-trace na pala ng mga daliri ko ang bawat parte ng mukha niyang dine-describe ko hanggang sa mapunta iyon sa malambot at mamula-mula niyang labi.
Gosh! Mas mapula at mas malambot pa yata ang mga labi niya kaysa sa akin. His lips look so kissable and delicious. Ilang babae na kaya ang masuwerteng nahalikan ng mga labi niyang ito?
Nang umungol at gumalaw ang lalaki mula sa kama, mabilis kong tinanggal ang kamay ko sa mga labi niya at bahagyang lumayo. Bigla akong binundol ng kaba at nag-iwas ng tingin. At dahil nga sa pagkataranta ko, wala sa sariling kinuha ko sa shoulder bag ko ang signature mask ko. The black butterly.
I always carry this mask. Kung ano ang codename namin, iyon din ang maskara namin. And this mask comes in handy. We used it to give a mysterious effect on the customer. Kadalasan din ay ginagamit namin ito sa mga masquarade party na dinadaluhan namin kasama ang customer na nangangailangan ng escort or companion for the event. May iba namang customer ang escort agency namin na gusto ng mga roleplay bago ang actual na sabak sa kama.
I don't know what's gotten into me to wear this mask. Kahit na malaki naman ang posibilidad na hindi niya ako natatandaan, mas pinili ko pa ring magsuot ng maskara. Baka nga hindi ako kilala ng lalaking ito.
Nang ibalik ko ang tingin sa lalaki, natigilan ako at hindi napaghandaan nang masalubong ko ang mga mata niya. Halos hindi ako nakagalaw sa kinauupuan ko nang bigla siyang bumangon at muling magkalapit ang mga mukha namin ni Allain Yllak Ybañez. My high school crush was looking straight back at me, his gorgeous face was just inch away from mine.
Halos maamoy ko na ang pinaghalong mint at alak sa mainit na hininga niya na tumatama sa mukha ko. Mas dumoble pa ang lakas at bilis ng t***k ng puso ko nang umangat ang isang kamay niya at humaplos iyon sa kanang pisngi ko. Hindi ko magawang mag-iwas ng tingin sa kanya. At mukhang gano'n din naman siya sa akin.
The more I stared at his honey eyes, the more I lost in his deep and intense gaze. Nakakalunod din ang paraan ng pagkakatitig niya sa akin. And I couldn't help but remember the first time I saw him. The very first time that I got interested in him.
I remember that he always had this huge smile on his gorgeous face, but his eyes means another.
His intriguing eyes with full of mysteries and so much to tell.
His deep set eyes that kept me drawn into him.