ROMINA'S POV “And who told you na nagseselos ako? At kanino ako magseselos, ha?” gagad ni Silvestre sa akin. Pinanliitan niya ako ng paningin pero, ngumisi lang ako sa kanya. “Kanino pa nga ba? Kay Daddy Rico dahil pinagpapantasyahan mo ‘ko,” sarkastiko na saad ko, dahilan upang pagtaasan niya ako ng kilay. “Sobrang kapal naman ng mukha mo para magselos ako. Ano ka, diyosa?” segunda nya. “Hindi ako diyosa, pero iyon ang tingin ko sa sarili ko dahil nga nagseselos ka at napaka–pikon mo!” depensa ko. Nagsalita pa si Silvestre, pero hindi na namin siya pinansin ni Daddy Rico dahil nakaririndi lang siya. “Isuot ko na itong necktie, Daddy at aalis na tayo para hindi masira ang araw natin. Guwapo pa naman daw ang ating ka–meeting ngayon,” saad ko at inayos ko ang necktie ni Daddy Rico