"Hindi kita mahal, patawad. May iba akong mahal." At mabilis na naglakad ang lalaki palayo sa tumatangis na babae.
"Bakit? Dahil ba ganito ako? Kaya ko namang maging kasintahan mo kahit ganito ako," galit at madiin ang bawat katagang namumutawi sa labi nang magandang dilag.
Napahinto ang tangkang paglabas ng lalaki sa lagusan at hinarap niya ang babaing lubos na umiibig sa kaniya.
"Paano?" Matiim nitong tiningnan ang babae na hindi kaagad nakapagsalita.
"Ano? Paano mo gagawin, e, hindi ka nga makaalis sa lugar na ito." Nanatili ang lalaki sa kinatatayuan habang nag-iisip ng isasagot ang dalaga.
"May paraan! Tama! Tatanungin ko sa nakatataas kung paano maging..."
"Hindi pala. Kahit kaya mong gawin hindi pa rin pala puwede. Dahil may mahal na akong iba at hindi ikaw iyon." At tumalikod na ito bitbit ang mga sanga ng kahoy na gagamitin sa pagluluto.
Nananangis na sinundan lang niya ng tingin ang lalaking una at huli na ata niyang mamahalin.
Mabilis na pinunasan ang luhang tumulo sa pisngi at kinuyom ang palad.
"Gaganti ako, isinusumpa ko. Maghihirap kayo sa pamamagitan ko!"
jhavril---