Chapter 1

1318 Words
"Good morning, ate!" Narinig ko na sigaw ng dalawa kong kapatid na kambal, kaya naman nagmulat na ako ng mata nakita ko naman sila na nakangiti sa akin. "Hello kambal," sabi ko habang nakangiti sa kanila. "Ate bangon ka na, kain ka na," sabi ni Angel. Umupo naman ako sa pagkakahiga at tinaas ang dalawa kong kamay. "Tayo niyo si ate, dali," sabi ko, tuwang-tuwa naman nilang hinila ang dalawa kong kamay. Nang makatayo na ako ay pumunta na kami sa munti naming kusina. Maliit lang kasi ang bahay namin, tama lang para sa aming magkakapatid. "Ate, alam mo ba na-perfect namin ni Angela 'yong exam?" Excited na sabi ni Angel habang nasa tapat ko na't kumakain ng lugaw katabi niya naman si Angela, pitong taong gulang na sila at grade one na sila. "Ang galing naman ng kambal kong kapatid!" Nakangiti kong sabi sa kanila. Ngumiti naman sila sa akin. "Bilisan niyo kumain kambal, aalis na rin ako may raket kasi ang ate niyo." Masaya kong sabi sa kanila. "Talaga ate! Galingan mo po," sabi ni Angela. "Syempre, gagalingan ni ate," sabi ko. May binigay kasi sa aking raket 'yong bakla kong kaibigan magwa-waitress daw ako roon sa bar na pinagtatrabahuhan nila. Sa panahon kasi ngayon mahirap makahanap ng regular na trabaho, laging hinahanap ay college graduate o 'di kaya nakatungtong ng koleheyo. Ako naman 'di na kapag college hanggang high school lang natapos ko, 'yong namatay kasi ang mga magulang namin fourth year high school na ako noon, kaya naman 'di na ako nag-aral ng koleheyo nagtrabaho na lang ako pang tustos sa dalawa kong kapatid. At kahit papaano naman nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw. Kahit paraket-raket lang ako nabubuhay ko naman ang dalawa kong kapatid, kahit sila na lang ang makatapos ng pag-aaral masaya na ako. Sila na lang kasi ang natitira kong kapamilya kaya gagawin ko ang lahat para sa kanila. "Ate tapos na!" Sigaw ni Angela at Angel habang nakataas ang dalawa nilang kamay. "Ang galing ng mga babies ko! O siya ligo na kayo, wala kayong school ngayon kasi Sabado, roon muna kayo kila aling Nina, ha," sabi ko sa kanila. Si Aling Nina kasi ang tumulong sa amin simula nang mamatay ang mga magulang namin. Lagi ko iniiwan kay Aling Nina ang kambal, 'di naman nila pinababayaan ang kambal tuwang-tuwa pa nga sila, e. "Opo, Ate!" Sabay na sabi ng kambal, mabilis naman silang tumakbo papunta sa banyo, ako naman ay niligpit ko ang pinagkainan namin. Nang matapos na ang kambal maligo ay ako naman ang naligo, matapos 'yon ay hinanda ko na ang gamit ko at ang mga gagamitin ng kambal. "Kambal, tara na dali," sabi ko sa kambal na nakaupo sa kahoy na sofa namin. Madali naman silang lumapit sa akin sinaraduhan ko na ang bahay at naglakad na kami papunta sa bahay nila Aling Nina na 'di naman kalayuan sa bahay namin. Nang makarating na kami ay nakita ko agad si Aling Nina na nasa may pintuan ang bahay parang iniintay talaga ang kambal. "Aling Nina, dito lang po muna ang kambal raraket lang po ako," sabi ko. "Oo naman," sabi ni Aling Nina. "Kambal alis na si ate, ha," sabi ko tumango naman ang kambal at sabay na humalik sa pisngi ko. At dahil maaga pa naman para pumunta sa bar ay dadaan muna ako kila Aling Susan, nagsabi kasi ako na e-extra sa pagtitinda sa karinderya nila. Nang makarating na ako sa karenderya ni Aling Susan ay kumilos agad ako. Nang mga bandang alas quatro na ay nagpaalam na ako kay Aling Susan, agad naman akong binigyan ng limang daan para sa na trabaho ko, tinanggap ko naman 'yon at nagpasalamat. Dumeretso naman agad ako sa bar na pagtatrabahuhan ko ngayon, pagdating ko roon ay nilapitan ko agad ang beki kong friend, agad niya naman binigay ang uniform sa akin at tinuro ang kusina roon daw muna ako. Naging maayos na man ang trabaho ko nakakatuwa kapag may nagbibigay ng tip kahit isang daan pesos lang malaking tulong na 'yon. Nang mga bandang alas tres na nang madaling araw ay wala na masyadong tao ay pina-uwi na rin ako, inabutan naman ako ng manager ng sobre tiningnan ko 'yon at nasa five thousand ang laman nagpasalamat naman ako, binilang ko ang tip na nakuha ko at naka-five hundred din ako. Naka anim na libo na ako ngayong araw may pangbayad na ako sa bahay at tubig at kuryente namin, pero kailangan ko pa ng pera kukulangin ang budget naming tatlo baka wala kaming makain. Habang naglalakad ako pauwi ay nag-iisip ako kung saan ako makakaraket bukas. Tatanungin ko na lang si Queen 'yong beki kong friend baka may alam siya. Habang naglalakad ako sa 'di kalayuan ay may nakita akong binugbogbog na lalaki, mga apat na malalaking katawan ang bumubogbog. Tumago naman ako sa 'di ako masyadong kalayuan at nakinig sa sinasabi noong apat na malalaki ang katawan. "Ibigay mo ang wallet mo!" Sigaw ng isang malaki ang katawan na kalbo. 'Di naman umimik ang lalaki at pinagsisipa siya, 'di ko masyado nakita ang mukha ng lalaki dahil naka sumbrero siya at naka salamin, mukhang nerd ganoon. At dahil naawa ako kay kuya nerd ay lumabas na ako sa pinagtataguan ko, kinapa ko naman agad ang pepper spray sa bulsa ng pack bag ko. "Hoy mga barako, maawa kayo riyan. Ako ang harapin niyo," sabi ko at nag Jet Lee pose pa ako nagtinginan naman sila at sabay-sabay na tumawa. "Hoy babae, umalis ka na lang 'wag ka na makiaalam!" Tumatawang sabi ng kalbong malaki ang katawan. Nakita ko naman na nakatayo na si Kuya Nerd. "Ayaw! Siya ang pakawalan niyo, kung hindi kayo ang magsisisi. Whaata!" Sabi ko sabay Jackie Chan pose naman sabay-sabay na lumapit naman sa akin ang apat, agad ko naman kinuha ang pepper spray ko, pagkalapit nila sa akin ay inisprayan ko agad sabay takbo papalapit kay Kuya Nerd at hinila siya papalayo. Medyo malapit na rin 'yon sa bahay namin kaya naman hila-hila ko si Kuya Nerd, nang makarating na kami sa bahay ay agad ko siyang hinila papasok ng mabuksan ko na ang bahay. "Ho! Muntik na 'yon, a," sabi ko habang hinihingal nakita ko naman na tinitingnan ni kuya ang bahay namin. "Pasensya na maliit lang bahay namin," sabi ko. Tinanggal niya naman ang salamin at sumbrero niya. Naks naman ang gwapo ni kuya! Artistahin ang mukha! Kaso putok 'yong labi niya at may pasa sa mukha. "Upo ka muna gagamutin ko 'yang sugat mo," sabi ko umupo naman siya ako naman ay pumunta muna sa kwarto at nakita ko roon na natutulog ang kambal, matapos kong macheck ang kambal ay pumunta ako sa kusina at kumuha ng gamot at maligamgam na tubig at bimpo. Umupo ako sa tabi ni kuya nilagay ang bimpo sa may pasa niya. "Bakit mo ako tinulungan?" Tanong niya. "Kasi binubogbog ka," sabi ko. "'Di mo ba ako kilala?" Tanong niya. "Hindi, by the way ako si Vannie, twenty-three years old at isang raketera, baka may alam kang raket diyan pasok mo naman ako," sabi ko tulala naman siyang nakatingin sa akin. "Hindi mo ba ako kilala?" 'Di makapaniwala niyang tanong. "Oo, sino ka ba?" Tanong ko. "Hugh," sabi niya. "Hugh? As in letter U?" Tanong ko. "Hugh, as in H-u-g-h! Hugh!" sabi niya, tumango-tango naman ako. "Ah, okay," sabi ko. May kinuha naman siya sa wallet niya at binigay sa akin. "Tumawag ka lang diyan, kung gusto mo ng regular na trabaho," sabi niya sabay tayo nakatingin naman ako sa calling card. "Salamat!" Nakangiti kong sabi, tinaas niya lang ang kamay niya at lumabas na ng bahay namin. Aba bastos din 'yon a, 'di man lang nagpaalam. 'Di bale binigay niya naman ako ng panibagong pagkakakitaan pero sana legal 'to!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD