Reach The Star

Reach The Star

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
friends to lovers
drama
lighthearted
friendship
lies
secrets
like
intro-logo
Blurb

Nagsimula ang lahat sa isang kasundoan. Sinundan ng pagpapanggap. Mula sa isang kasinungalingan ay nauwi sa totohanan.

Pero kasabay ng pagbabago sa estado ng kanilang relasyon ay ang pag dating ng mga panibagong hamon na susubok sa tibay ng kanilang pagsasama at tiwala sa isa't isa.

What will happen to their love story when faith challenges them? Are they a lesson to each other or a blessing in disguise?

chap-preview
Free preview
SIMULA
“8:16, ”Banggit ko sa oras, habang hindi inaalis ang tingin sa relo ko. 8:16 ang oras kung kailan kami magkikita. Kinalimutan ko na ang oras na ’yon, pero bakit inaalala ko pa rin ngayon? Ibinaon ko na sa limot ang mga ala-alang ’yon, pero bakit binabalikan ko pa rin? Gabing ka’y lungkot. Kailan pa ba ako naging masaya? Napayakap ako sa binti ko nang humangin. Nakaupo kasi ako ngayon sa may dalampasigan, ninanamnam ang sariwang hangin, mga hampas nang alon na ka’y sarap pakinggan. Naramdaman kong may pumatak na ulan, pero hinayaan ko lang ’yon.Kinuha ko ang pang huling beer na na sa tabi ko ’tsaka ininum ’yon. “Ang daya mo.. Ang daya mo, Moen! ”Sigaw ko kasabay nang pag buhos ng malakas na ulan. Pero bakit hindi ako nababasa? Nag angat ako nang paningin, at laking gulat ko nang may makitang pigura nang lalaki sa harap ko, at pinapayungan ako. Kilala ko ang pabango na ’yon.imposibleng s’ya. “M-moen? ”pag tawag ko pero hindi ’to sumagot. Hindi ko maaninag ang mukha n’ya dahil madilim, tanging buwan lang ang nag papaliwanag sa paligid ko. Tumayo ako para makita ng maayos, pero hindi ko talaga maaninag. Bwesit! Nagulat ako nang kunin n’ya ang kamay ko, ’tsaka inilipat don ang payong at walang pasabing tinalikuran ako.Napatingin ako sa likod n’ya ang paborito kong pag masdan.Ikaw bakit talaga ’yan Moen? Impossible Unti-unting nag bagsakan ang luha ko. Napatitig ako sa kamay ko na may hawak na payong.Moen? Kung ikaw man ’yon, bakit mo ako iniwan dito mag isa? Hindi mo na ba ako mahal? I miss you Napaupo ako sa buhanginan habang naiyak. Nanghihina ang mga tuhod ko, at ang bigat bigat nang dibdib ko sa sobrang sakit nang nararamdaman ko. — “O, heto na ’yong dress na susuotin mo. ”Rinig kong sabi ni cristel. “Teka… ”sagot ko nang nakapikit pa rin. Antok na antok talaga ako, dahil halos wala akong tulog. “Ano na? Ang tagal!” “Pwede maghintay nang kaunti? Hindi pwedeng umidlip, Cristel? ”Inis kong minulat ang mga mata ko, at masamang tinapunan nang tingin si Cristel. “Pwede naman, pero bilisan mo lang. ”Sabi nito ’tsaka inilapang ang paper bag sa gilid nang kama. Inis kong binuksan ang paper bag. Ano ba ang problema ng babaeng ’yon at kailangan pang mag madali?Pupunta kasi kami sa QC dahil birthday ng kaibigan namin. Matagal kong tinitigan ang sarili sa salamin. Naka suot lang ako ng simpleng dress na kulay dilaw, bumagay naman ’to sakin dahil sa kulay krema kong balat.Nag lagay lang ako ng simpleng makeup, dahil ka pag kinapalan ko pa ay ganon lang rin naman ’yon mabubura din. Kinuha ko na ang shoulder bag ko ’tsaka bumaba na. Naabotan ko pang nag susuot ng sandals si Cristel. “Okey na, Cryzzi? ”tanong nito sakin ng matapos s’ya sa ginagawa, tumango lang ako at naunang sumakay sa kotse.Sumunod naman ’to sakin ’tsaka sumakay sa driver seat, s’ya ang driver ngayon. Mahaba ang naging byahe dahil sa malayo ang lugar na pinanggalingan namin. Nang makarating kami sa Venue ay nag paka wala akong ng buntong hininga. Makikita ko s’ya? Sana naman Hindi. “Nervous? ”May halong pang aasar na tanong sakin ni Cristel, umirap lang ako ’tsaka nag lakad papunta sa entrance. Pag pasok ko sa mismong venue ay napakaraming tao na ang naroon.Na late kami ni Cristel ng dating. “Happy birthday! ”Agar napatingin sakin si wenny nang batiin ko s’ya. “Omg ate nakarating ka. ”sabi nito ’tsaka yumakap sakin. Ang sweet n’ya parin kahit dalaga na. Agad hinanap nang mga mata ko kung nandito ba s’ya.Malamang mawawala ba ’yon dito, eh kapatid n’ya ang may birthday. “Oy may hinanap. ”napatingin ako kay Cristel nang mag salita ’to.Nakalimutan kong nasa tabi ko na pala s’ya, umirap ako ’tsaka nag salita.“duh, sino namang hahanapin ko ha? ” “Si Moen! ”sabi nito sakin, agad akong umiling. “tungaw ka ba? Bakit ko naman ’yon hahanapin, Cristel?”pag tanggi ko kahit totoo naman. Pero bakit hindi ko s’ya nakikita dito? “Hello, Wenny Happy birthday! ”bati ni Cristel nang umupo si Wenny sa harap namin. “Thank you ate! ” Nag ke-kwentohan kami nang may dumating na lalaki. “Sorry I'm late” Parang naistatwa ako sa narinig ko. Ang boses na ’yon. “Kuya!”Tuwang tuwa na sabi ni Wenny, ’tsaka sinalubong nang yakap ang kuya. Nag kunyari pa akong nag te-text. “Ginagawa mo, Cryzzi? ”Rinig kong sabi ni Cristel kaya napatingin ako sa kanya. “Baliktad ang Cell phone mo mhiee.”natatawang sabi nito, kaya napakagat ako nang pang ibabang labi.Kahit kailan talaga ang babaeng ’to! Kainis! Nakaramdam ako nang hiya nang bumaling ang tingin ko sa mag kapatid. Nag tagpo ang mga mata namin. Bumilis ang t***k ng puso ko na parang may kung ano don. Malaki na ang binago n’ya at masaya na ako dahil hindi na s’ya mukhang stress. “Hi, cryzzi! ”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Legendary Alpha Mate

read
86.8K
bc

Dominating the Dominatrix

read
48.5K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
456.4K
bc

In The Arms Of My Ex's Elder Brother.

read
5.6K
bc

Love Beyond Numbers

read
3.4K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
598.0K
bc

Got Pregnant With My Ex-Boss's Baby

read
60.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook