ALA SAIS nang gabi nang maisipan nilang umuwi, ngunit hindi natuloy nang bumagsak ang malakas na ulan, kulog at kidlat. Mahigpit na nakayakap si Thoie kay Kate upang kalmahin ang knaiyang sarili sa malalakas na ingay, nag-angat siya ng ulo nang may lumapag na kumot sa kanilang balikat. Naupo si Ken sa sahig katabi nila. Nakaupo lamang sila sa sahig, patay ang telebisyon at umiinom ng mainit na kape. “Hindi tayo makakauwi kaagad, talagang mababasa tayo at lalamigin,” wika ng lalaki, matapos ay humigop ito ng kape. “Kung ganoon dito na lang kayo matulog, Kuya Ken, Ate Thoie. Para may kasama ako—” “’Di ba nag-usap na tayo? Sasama ka sa ‘min ng Kuya mo?” kaagad niyang pinutol ang sinasabi ng kayakap niyang si Kate. Natawa na lamang si Ken at pinanood ang dalawa. Nakipagtalo pa siya rito kan