MAGKAHAWAK ang kamay na nagtungo sa ikalawang silid sina Thoie at Ken. Nang tuluyang makapasok sa loob ay inilatag ng lalaki ang bitbit na kumot sa sahig. Marahan namang naupo si Thoie sa gilid ng papag na mayroong isang manipis na foam. Pinanood niya itong mahiga sa sinapinang sahig, ibinalot nito ang katawan sa kabilang parte ng kumoy at ipinikit ang mga mata. Malalim siyang bumuntong hininga. Bahagya niya pang niyayakap ang sarili dahil sa malamig na panahon. “Ken…” “Hmm? Matulog kana,” pabulong na tugon nito. Nakatihaya ito habang sapo ng braso ang noo at nanatiling nakapikit. Kinagat niya ang kuko ng kaniyang hintuturo. “Malamig d’yan, palit na lang tayo.” Nagmulat ito ng mata at tumawa. “You’re crazy.” Iniunan nito ang mga braso sa ulo. “I’ll be fine here, Señiorita.” “Ken,