MULING bumalik sa alaala ni Thoie ang nakatutuwa nilang pagkakakilala nila ng lalaki sa loob ng coffee shop noon. Unang kita niya pa lamang dito batid niya nang makakasunod niya ito datapwat napakatahimik ng lalaki, aminin man niya o hindi, isa ito sa dahilan kung bakit siya bumabalik-balik sa loob ng tindahan ng kape. Bukod sa nais niyang lumabas nang walang kasamang mga bodyguard, isa si Ken sa dahilan kung bakit sa lugar na iyon ay palagi siyang bumabalik, napansin niya rin na sa madaling araw ito naka-duty, tamang-tama sa oras na hindi alerto ang mga nagbabantay sa kaniya, kaya naman kaagad siyang nakakatakas. Masaya siyang kasama ito ngayon at paunti-unting nakalalapit, datapwat hindi pa rin niya naalis sa isip ang tungkol sa dahilan kung bakit siya galit sa ilang kasamahan nila sa ba