bc

THAT NERD IS A ROYAL PRINCESS

book_age12+
14.8K
FOLLOW
59.6K
READ
opposites attract
self-improved
princess
drama
twisted
straight
campus
secrets
multiple personality
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Aryaniah, Princesang iniwan ang marangyang buhay niya sa Italya at namuhay ng simple nang hindi kinokontrol ng sariling batas na meron ang pamilya niya.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
AUTHOR'S NOTE : Ang story na'to ay hindi totoo at likha lamang mula sa imahinasyon ng sumulat. KUNG may pagkakahawig man ito sa ibang story na nabasa mo. Iyon ay nagkataon lamang. Ang bawat karakter sa kwentong ito ay gawa-gawa lang. PLAGIARISM IS CRIME --------------------------------------------------------------------- TAHIMIK na ang gabi, pero gising na gising pa rin ang diwa ni Aryaniah. Sa lalim ng iniisip niya ay halos lunurin na siya nito. Nagtatalo ang puso at isip niya, wari'y hindi malaman alin sa dalawa ang dapat sundin. Kung puso ang susundin niya alam niyang walang duda na sasaya siya. Kung isip naman ang susundin niya alam niyang may masasaktan siya. Isa na doon ang magulang niya. Ayaw niyang mamili dahil parehong mahalaga sa kaniya ang mga taong maaari niyang masaktan Nanlulumo siyang nag-iisip kung bakit kailangan niyang mahirapan ng ganito kung ang tangi lang naman niyang gusto ay magkaroon ng kalayaan. Kalayaang magmahal ng taong pinili talaga ng puso niya. Kalayaang magawa ang lahat ng gusto niya. Pero impossible ang lahat ng iyon, mula ng pinanganak siya ay pasan na niya ang isang responsibilidad na hindi maaaring tanggihan. "Gabi na, ba't nandito ka pa sa labas?" napalingon siya sabay napabuntong-hininga. "Tungkol pa rin ba iyan sa magulang mo?" "Mahal ko sila, pero mahal ko din siya, anong gagawin ko Xhin? Ayoko mamili dahil pareho silang mahalaga sa'kin." hindi na niya napigilan maiyak ng tuluyan. "Hindi mo naman kailangan mamili, kung pareho silang mahalaga sayo. Huwag ka mamili kung sino sa kanila ang dapat piliin. Pwede mo parin naman sundin ang gusto ng magulang mo at pwede mo rin siya mahalin. Kasi kung mahal ka rin ng mga magulang mo maiintindihan ka nila. Ipaliwanag mo sa kanila iyon. Alam ko naman na hindi ganoon kadali pero walang mawawala kung susubukan mo." Laking pasasalamat niya na may kaibigan siya, kahit pa sabihin niyang hindi siya nito gaanong kilala ramdam niyang tanggap siya nito. - Nang sumunod na araw ay nakipag-kita si Ryzo sa kaniya. Gaya ng napag-usapan sa lumang bahay nila Ryzo sila nagkita. Hindi man niya alam ano ang pag-uusapan nila at kahit pa nalilito siya sa gagawin ay tumuloy pa rin siya. Gusto niya rin malaman ano ang sasabihin nito sa kaniya. "Alien.." agad na napalingon si Ryzo sa kaniya saka lumapit. Niyakap siya nito, sobrang higpit na para bang ayaw na siyang bitawan. "Salamat dumating ka." "Ang arte mo kahit kailan. Never naman kitang inindian ah," biro niya pa. Dinala siya ni Ryzo sa taas ng bahay nila, may daanan kasi doon papunta sa bobong. "Anong trip mo? Mag-sstar gazing ba tayo? Ba't tayo nandito sa bobong baka mamaya malaglag tayo." Inalalayan siya nito takot siya sa hights kaya ganoong nalang ang sinabi niyang baka mahulog sila."Ayos lang mahulog ka basta sa'kin ang bagsak mo." sinamaan naman niya ito ng tingin. "Alam mo ikaw, habang tumatagal nagiging korny ka na masyado." "Anong korny doon? Totoo naman iyon ah, ayoko sa iba ka mahulog dapat sa'kin ka lang." Hindi niya pinakitang kinilig siya baka mas lalong maging korny pa ang sasabihin ni Ryzo sa kaniya. "Ano ba kasi gagawin natin dito, mag-uusap lang kailangan sa bobong pa?!" Pinaupo siya nito, may nakalatag na doon na tela may mga pagkain pa itong hinanda pang meryenda. Sa sobrang effort ng ginawa ni Ryzo bigla nalang niya itong hinalikan sa pisngi. "Thank you Alien, hindi mo naman kailangan gawin 'to eh." "Alam mo ba Nerdy, bago ka dumating sa buhay ko. Nakalimutan ko na paano buksan ang puso ko para magmahal ulit ng iba." malayo ang tingin nito habang sinasabi iyon, tiningnan lang niya ito. "Pero nang makilala kita. Binago mo lahat, nagawa ko ulit ngumiti, nagawa ko ulit magseryoso sa pag-aaral. Kahit mga kapatid ko, pinsan ko at ibang kaibigan ko ay hindi makapaniwala sa pagbabago ko." doon lang siya nilingon ni Ryzo. "Masakit ang naging nakaraan ko, Iniwan ako ng babaeng minahal ko. Akala ko ay hindi ko na ulit magagawang magmahal pa." gusto niyang maiyak sa mga sinabi ni Ryzo sa kaniya. "Pero dumating ka, binigyan mo ulit ako ng dahilan para sumaya. Pinaramdam mo sa'kin na kaya ko ulit magmahal." Hindi niya alam paano magre-react sa mga ito. Kusa nalang tumulo ang luha niya. "And I can't imagine my life without you,Ikaw na iyong nakikita kong makakasama ko hanggang sa pagtanda." madamdamin nitong sabi. Niyakap niya ulit ito. Pareho silang naluluha. "I love you, you're always be my first in everything. I can't promise anything but I'll stay as long as you need me." Bumitaw ito sa pagkakayakap sa kaniya. Dahan-dahan siyang hinawakan sa pisngi at basta nalang siyang napapikit nang maramdaman niyang naglapat ang labi nilang dalawa. Hanggang sa kusang gumalaw ang labi niya at gumanti sa halik. Sa una ay banayad lang ito hanggang sa naging mapusok na. Doon niya rin naramdamang naglakbay ang palad ni Ryzo sa beywang niya paitaas sa dibdib niya. Napadaing siya sa gulat, hindi nito nagawang bitawan ang labi niya hanggang sa maipasok ni Ryzo ang kamay nito sa loob ng damit niya. Napaungol siya sa init na naramdaman. Gusto niyang pigilan ang ginagawa ni Ryzo sa kaniya pero nalunod na siya sa sarap ng pinaramdam nito sa kaniya. Huli na nang maihiga siya nito, hinalikan siya nito sa leeg na siyang nagbigay ng panibagong init sa katawan niya. Mahinang pag-ungol lang ang nagagawa niya. Nanghihina siya sa ginagawa ni Ryzo. Basta nalang siya nagpaubaya at hindi na nagawang pumalag pa. Nagising siya kinabukasan na nakahiga na sa kama, walang damit. Saka nilingon ang katabi na mahimbing na natutulog. "Kung may pagsisisihan man ako, iyon ay kapag iniwan kita. Pero alam kong mahihintay mo ako. Mahal na mahal kita." hinalikan niya ito sa labi. Nang araw na iyon ay iniwan niya si Ryzo at piniling umuwi sa Italya. Pinangako niyang babalik siya. Kahit hindi niya alam kung kailan, pinapangako niya sa sarili niyang si Ryzo lang ang lalaking mamahalin niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Night With My Professor

read
514.2K
bc

That Professor is my Husband

read
507.6K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
481.3K
bc

Heartless Multibillioneir's Babies

read
504.0K
bc

He's Cold Hearted

read
162.5K
bc

I was once His Secret Wife (COMPLETED)

read
394.0K
bc

His Precious Property

read
619.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook