✓Prologue

1228 Words
Prologue "Pucha, Kairo!" galit na galit niyang mura. Nakalapit siya agad dito. Agad niya itong kuwenelyuhan at medyo iniangat. "Paano mo nagawa sa akin 'to? Hayop kang ahas ka!" At mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya rito. "Halos kapatid na kita!" galit habang naiiyak niyang sumbat. "Bakit?" halos mamaos na siya sa maikling tanong niyang iyon. "Bro!" malakas na tawag ni Calix nang makita niya ang nangyayari. Kapapasok lang nilang tatlo rito. Agad na lumapit sina Calix at Calvin sa kaniya para awatin. Nakahawak sila sa magkabilang braso niya at pilit na inilalayo kay Kairo. Hindi mapigilang mag-init ang mga sulok ng aking mga mata nang biglang tumulo ang kaniyang mga luha sa magkabilang pisngi niya. Hindi siya kumukurap. Nagpatuloy ang pagbagsak ng mga luha niya habang nanlilisik ang mga mata sa matinding pagkasuklam sa taong kaharap. Nanginginig at kinakabahan akong napatingin kay Ate na walang malay sa kama. Nag-aalala akong bigla na lang siyang magkamalay. "Bitiwan ninyo ako! Babasagin ko ang pagmumukha ng hayop na 'to!" matigas niyang sabi. "Ang kapal ng mukha mong pumunta rito! Hindi ka pa ba nakontento sa loob ng halos tatlong taong nakasama mo siya? Napakatagal na panahon n'yo na pala akong ginagago!" Napasinghap kaming lahat nang marahas niyang itulak si Kairo sa pader habang mahigpit pa ring nakahawak sa kuwelyo nito. "Bro, please, bitiwan mo na si Kairo. Pag-usapan natin 'to nang maayos," pakiusap ni Adler. "Tumahimik ka, Adler!" galit na galit na sigaw ni Ylan habang nanginginig ang katawan sa galit. "Ayaw kong marinig lahat ng mga sasabihin mo! Traydor ka! All this time may alam ka pero hindi ka nagsabi! Umalis ka at nanirahan sa ibang bansa para ilihim lahat ang mga ito sa akin! Pinagmukha ninyo akong tanga!" "Ylan, I just tried to protect our friendship! I'm sorry... I'm really, really, sorry... Please, let us explain... Hear our sides, please. I chose to live in New Zealand just to put this secret on the grave para hindi tayo masira. Sobrang mahalaga ang friendship natin kaysa sa kung ano ang katotohanang nalaman mo ngayon." "Really, bro? Do you want me to thank you for being a f*cking hero?" Natawa siya nang nakaloloko. "Trying to put everything on the grave to protect this f*cking friendship! Eh, bakit hindi n'yo itinatak sa mga utak ninyo na walang sekretong hindi mabubunyag, ha? Sinulot niya ang fiance ko and worse, they fell in love! Habang ako, mukhang tanga sa biglaang pagkawala ni Yna na nilalandi na pala niya! Niloko ninyo akong lahat! Do you think your sacrifices worth your s**t? Think again, noob!" "Mahirap din sa akin na iwan ang buhay ko rito sa South Rimacorea... But I have to because of this. This is exactly what I wanted to avoid. I hate seeing you turning into a beast... A beast with eyes hurting... I'm not yet ready to witness this scene years ago," mahinahong paliwanag ni Adler. "Kaya sinalo mo lahat ng mga galit na dapat ay sa kaniya!" may halong pang-uuyam na tanong ni Ylan. Muli siyang natawa nang mapakla. Lumipat ang tingin niya kay Kairo na tahimik lang na nakayuko. "When you first saw Sapphira, si Yna ang nakita mo sa kaniya! Kaya lagi mo siyang ipinagtatanggol at pinoprotektahan sa akin dahil do'n!" Nag-angat ng mukha si Kairo. Walang mababasang emosyon sa mukha niya. Pigil-pigil ko ang paghinga ko nang bumuka ang kaniyang bibig. "Maybe at first. But now I realized that I'm wrong and you're wrong," mahina at kalma niyang umpisa. "It's not about Yna anymore. It's about me, falling in love with Sapphira now. Mahal ko si Sapphira without Yna's shadow on her..." Bakas sa mukha nilang lahat ang matinding pagkagulat sa pahayag niya. Hindi ko inaasahang sasabihin niya ang mga iyon sa harapan naming lahat, lalong-lalo na sa nag-aalab na apoy na si Ylan. "Hindi ako papayag," seryosong balik naman ni Ylan. Kumalas siya sa pagkakahawak sa kuwelyo nito at mata sa matang nakipagsukatan ng tingin dito. "She is my wife now." Mula sa pagkakatitig niya kay Kairo ay napunta ang tingin niya sa akin. Inilang hakbang lang niya ang pagitan namin. Napasinghap ako nang bigla niyang hawakan ang kaliwa kong kamay at walang paalam na hinila ako paalis ng silid. Dahil sa takot kong imikin siya ay napagdesisyonan kong tumahimik na lang muna at hayaan siyang gawin kung ano ang gusto niya. Napansin ko na lang na nakarating na pala kami rito sa may daan malapit sa baybay malapit sa hospital. Nabawasan ang kaba ko nang bitiwan na niya ang kamay ko. Itinuon niya ang tingin sa araw na papalubog na sa malayo. Kitang-kita ko ang pagsilay nang malungkot niyang ngiti sa mga labi. "Alam mo rin bang buhay pa si Yna?" mahina niyang tanong. Umiling ako sabay yuko. "Bakit mo hinayaang gawin nila ito sa 'yo?" "Pamilya ko sila... Masakit pero okay lang... Dahil mahal ko ang pamilya ko." "Hindi mo pa alam ang mga pinagsasabi mo. Hindi pagmamahal ang tawag sa ginagawa mo. Hangga't may nasasaktan, hindi pagmamahal 'yon," makahulugan niyang sabi. "Ganoon ba 'yon?" Ngumiti ako nang malungkot. "Mas matimbang lang sigurong makita ko silang masaya..." "Hindi mo pa nahahanap ang sarili mo. I believe you have to find yourself. You'll find yourself if you dare to break their chain in you. Break the chain now..." Bigla tuloy akong napaisip. Tama naman siya... May rehas na nakapalibot sa akin. Alam ko namang mayroon... Kaya ko namang baklasin pero hindi ko ginagawa... "After graduation, pupunta ako ng North Rimacorea. Doon ay hindi nila ako matutunton. All my life I have been doing everything for them, just to satisfy them without thinking about my own... Just like what you are doing for your family. I see myself in you... Parang tubig sa ilog na sumasabay na lang sa agos at hayaang tangayin ako sa kung saan man. I want to leave this world and starts my life again without my Dad's shadow. After all, my generation started from North Rimacorea. I can be a soldier there serving the country alone and not Dad's ambition here." His plan is so complicated. Hindi basta-basta ang buhay sa North Rimacorea. But he's right, iyon lang ang lugar na hindi siya mahahanap ng Daddy niya. Natigilan ako sa pagmumuni-muni nang bigla siyang humarap sa akin. Naglaho na ang mga apoy sa kaniyang mga mata. Wala na ang halimaw na makikita sa kaniya kanina. "Run with me, Sapp..." bigla niyang sabi. Dahan-dahan niyang inilahad ang palad niya sa akin. "Tara nang lisanin ang mapanakit na mundong ito at gumawa nang tahimik  at masayang mundo..." Mula sa mukha niya ay bumaba ang tingin ko sa nakalahad niyang palad. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Ramdam ko ang kabang dulot nito sa aking katawan. Parang may sariling isip na umangat ang kamay ko at dahan-dahang tinanggap ang palad niya. "I will..." titig na titig sa mga mata niyang sambit ko. Doon ko nakita ang pasilay ng ngiti sa kaniyang mga labi sa kabila nang malulungkot niyang mga mata. Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Damang-dama ko na ngayon ang init na nagmumula sa palad niya. Init na pumapawi sa kaba at pag-aalinlangan ko...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD