Chapter 13 Ylan's POV Normal naman ang lahat sa aking pero kanina pa ako natutula. Sa tuwing mapapaupo ako ay natutulala na lang ako bigla. Maging ang mga nangyayari sa paligid ko ay hindi ko na namamalayan. Bumabalik na lang ako sa katinuan kapag tinatawag nila ako nang malakas. Nakakainis dahil hindi naman ako ganito rati. Ni hindi ko nga alam kung bakit ako nagkakaganito. Ayaw kong tanggapin sa sarili ko na ginugulo ako ng nalalapit naming pahaharap-harap sa guidance office mamaya. Narito ako sa coffee shop, malapit dito sa school. "Ylan!" Tumingin ako kay Calvin na paparating. "Hindi ka ba papasok?" Tanong niya nang makalapit na siya. "Papasok..." Sagot ko sabay higop ng black coffee ko. "Ang aga-aga, nagkakape ka." Nakangiwi niyang puna sa akin. "Kumain ka na ba?" "Hindi pa."