Chapter 32

2375 Words

Chapter 32 "ATE, HUWAG NA LANG KAYA TAYO PUMUNTA? Okay lang naman kahit wala akong plus points," wika ni Kiel sa akin. Naningkit ang mata ko sa aking kapatid. Hindi ko maiwasan na magtaka kung bakit ganito na lang niya ako kumbinsihin na huwag na lang pumunta samantalang mamaya na ang family day. Eto nga at umuwi pa ako, kasama si Wave sa kadahilanan gusto niya samahan ang kapatid ko. Wala kasi akong makakasama. Pwede ko naman yayain si mommy na sumama pero hindi niya nakihiligan ang mga ganito. Siguro kung nandito pa si daddy ay baka ito pa ang naunang magbihis at kinayag si Kiel papuntang eskwelahan nila. "Kiel, mamaya na iyong family day. Bakit ba ayaw mo pumunta?" tanong ko sa kakalabing-anim na taon kong kapatid. Umiwas ito ng tingin sa akin at saka tamad na humiga sa kanyang kama.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD