"Saan ba talaga tayo pupunta Yu-Rhi?" Tanong ko for the nth time but he just smirked and kissed the back of my hand. After buying all he wants for me in that mall, we went through other direction. Gusto ko nang mainis dahil kanina pa 'ko tanong ng tanong at hindi niya sinasagot pero paano naman ako maiinis eh ang lambing niya?! Hindi siya umiimik pero halos ayaw niyang bitiwan ang kamay ko, he drives with his one hand and he looks so good. Pumasok kami sa isang subdivision na hindi naman ganun kalayo sa city, pero konti ang bahay na nadadaanan namin at sobrang gaganda pati ng paligid. Parang abroad na nga kung titignan ang paligid eh. Halos berdeng berde lahat ng bakuran nila at malalaman mo agad na mayayaman ang mga nakatira dito. At sobrang higpit dito. Nakita ko kanina kung paa