Jasper Point of View Nagising ako dahil parang may mabigat sa aking katawan, pag mulat ko ng aking mga mata ay nagulat ako dahil si Keith ay nakayakap sa akin at mahimbing ang tulog. Nilibot ko ang aking mga mata, wala ang kapatid ko. Malakas kong siniko ang katabi ko na mahimbing na natutulog. "Aray Kuyaaaa!" Malakas na sigaw niya at napabangon bigla. "Bakit ka natutulog sa higaan ko? may upuan naman na tutulugan mo? Nasaan ang kapatid ko?" Inis na tanong ko kay Kieth dahil niyakap niya ako ulit. "Lumabas siya saglit pero babalik din kasama ang family lawyer ninyo." Sagot niya parang nararamdaman ko ang labi niya sa aking balikat. "P*tangina mo kailan pa na may pag-nanasa ka sa akin?" Inis na sambit ko at sisikuhin na naman sana siya pero mabilis siyang nakaalis sa kama. "Nag lal