Hanoj (POV) Pa ala-ala, para makasunod po ay balikan ninyo ang Chapter 4. Kung malito po kayo ay balikan ninyo talaga hahahhah. Nagising ako na mag-isa sa aming higaan ni Tito, bumangon ako at binuksan ang ilaw. Mag-isa lang talaga ako sa aming kwarto. Pumunta ako sa aming banyo at umii na muna. Parang dry ang lalamunan ko kaya lumabas ako sa aming kwarto, napansin ko na may nag bubukas ng pintuan kaya napatigil ako. Pagbukas ng pintuan ay bumulaga ang Tito ko na takot na takot. Napangisi ako sa itsura niya dahil sa laki niyang tao at laki ng mga masel niya ay matatakutin pala siya. Kaya pala noong nannuod kami ng horror movies ay mas ginusto niyang tumambay sa Cr. Pagpasok niya sa loob ng bahay ay binuksan niya ang ilaw. Napasalubong ang kilay ko na iba ang amoy niya. Alam na alam ko