VLAD'S POV Nakatingala ako ngayon sa puting kisame, ang bigat ng pakiramdam ko. Ayaw yatang humiwalay ng katawan ko sa kama. Hindi kasi ako nakatulog nang maayos at alam niyo na ang dahilan. Ramdam ko ang malalaking bags sa ilalim ng mata ko. Pero kahit ayaw ko, bumangon parin ako dahil may klase ako. Napatingin ako sa kama ko, damn gusto ko pang humiga at magtalukbong. I need some rest! A lot of rest. I heaved a sigh bago ako pumasok sa banyo. Pagkaharap ko sa salamin, lihim akong napamura. Ang lalim ng mga mata ko at halata talagang wala akong tulog— my eyes wants to sleep. Naghilamos muna ako at nagmumog before I went out of the bathroom. Hindi na ako nagsuot ng damit nang bumaba ako, I'm more comfortable wearing my boxers. Nang makababa ako ay dumiretso na ako sa kusina only to fi