ERL'S POV Mabilis kong hinahanap ang organizer ng mga laban rito sa Bloody club, ngayong gabi mismo ako makikipaglaban. At ngayong gabi masusubukan ang pagiging gangster ko. Ngayon sisiguraduhin kong bawat pasang makukuha ko, bawat mukhang masisira ko ay may katumbas na pera. Ang pakikipagbasag ulo ko ay may dahilan na. "Excuse me? Ano po bang mga requirements upang makasali sa mga laban rito?" Tanong ko sa lalaking prenteng nakaupo sa sofa habang pinalilibutan ng mga babaeng hayok sa pera't s*x. "Sasali ka?' gulat na tanong nito. Tss, magtatanong ba ako kung hindi? Ang sarap sanang sabihin sa pagmumukha niya ang mga katagang iyon, ngunit sa tingin ko'y hindi ito ang tamang lugar at panahon para dun. "Opo, sasali po sana ako. Kung magkataon man na pwede akong sumali, magkano po ba an