Nang dahil sa hindi pagtanggap ng nakakatandang pinsan at ng kakambal sa trono ng susunod na mamumuno ng Hayes-McCain Organization ay napilitan si Travis McCain na akuin ang trono. Ayaw niyang may ibang taong mamumuno sa organisasyon na pinaghirapang itinayo ng mga magulang at ng tiyuhin niya. Pero bago siya maupo sa trono kinailangan muna niyang magpakasal alinsunod sa batas ng kanilang organisasyon.
Hindi naman na babahala si Travis dahil may girlfriend siya at may plano na rin siyang magpropose rito.
"I'm sorry, hindi pa ako handang magpakasal."
Nanlumo si Travis sa sagot ng girlfriend pero hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa sapagkat mahal na mahal niya ito. Kahit nanlulumo ay niyakap pa rin niya ito.
"Handa akong maghintay babe kahit kailan gusto mo na akong pakasalan. Mahal na mahal kita."
Kahit ang totoo n'yan ay gustong-gusto na niya itong itali sa kanya nang wala ng makakaagaw pa nito mula sa kanya at para rin maupo na siya sa trono.
Nagdaan ang mga araw naging malamig ang pakikitungo ng girlfriend niya sa kanya at palagi na rin itong umaalis na hindi nagpapaalam. Hanggang isang araw paggising niya wala na ito sa tabi niya at wala na rin ang mga damit nito sa closet nila. Hinanap niya ito sa buong mansyon at maging ang mga tauhan nila ay tinanong niya isa-isa kung nakita ba nila ang girlfriend niya pero wala. Sinubukan niyang tawagan ito sa telepono nito pero hindi rin ito makontak. Tinawagan na rin niya ang mga kaibigan nito pero sila rin ay hindi alam kung nasa'n ang girlfriend. Nanlulumong bumalik si Travis sa kwarto nila, pasalampak siyang naupo sa kama at inihilamos ang dalawang palad sa mukha.
Nahagip ng mata niya ang isang papel na nakapatong sa side table ng kama niya. Kinakabahan na kinuha niya ito at binasa ang nakasulat. Nilukot niya ang sulat at ibinato kung saan nang matapos niyang basahin.
Iniwan na talaga siya ng babaeng gusto niyang pakasalan. Nang babaeng gusto niyang makasama habang-buhay. Nang babaeng gusto niyang maging ina ng magiging anak nila. Nang babaeng mahal na mahal niya.