Chapter 2

1438 Words
Kinakabahang pumasok si Stephany Guevarra sa opisina ng department head nila. First time niyang ipatawag dito sa loob ng tatlong taong pagtatrabaho sa kompanya. "Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa Miss Guevarra. You're fired." ani ng head nila. Nagulat siya sa sinabi ng head nila. Maayos naman ang mga trabaho niya at wala naman siyang ginagawang masama pero bakit siya tinggal nito sa trabaho? "Ma'am, mawalang galang na po. Ano po ang nagawa kong mali? Sa pagkakaalam ko maayos naman po ang trabaho ko at sa tatlong taon kong nagtatrabaho sa kompanyang 'to kailanman hindi ako umaabsent o na-late kahit isang beses." Anya. "Pasensiya ka na Miss Guevarra 'yan ang utos ng nasa taas. Kung may gagawa lang ako." ani ng head. Bagsak ang mga balikat na lumabas ng opisina. Hindi niya alam kung saan kukuha ng panggastos sa pang araw-araw at sa kapatid niyang anim na buwan ng nakaratay sa ospital. Mahirap pa namang makahanap ng trabaho sa panahon ngayon. "Stephy girl, nagliligpit ka? Na-promote ka na ba? Kaya lilipat ka na ng ibang quarter?" ani ng isa niyang ka-opisina. "Oo nga girl, tatlong taon ka ding nagtatrabaho sa kompanyang 'to kaya nararapat lang na ma-promote ka." ani ng isa niya pang ka-opisina. "Kaya pa cheese burger ka naman d'yan." Sabay na ani ng dalawa. Tipid na napangiti si Stephany at kinwento ang napag-usapan nila ng deparment head sa loob ng opisina nito. "Grabe naman. Ang sama naman pala ng boss natin. Ano na ang plano mo ngayon?" ani ng ka-opisina niya. "Maghahanap ng trabaho siyempre. Malapit ng maubos ang ipon namin ni kuya sa mga gamot. Isama po ang pang araw-araw na gastusin." Mabuti na lang sagot na ng ospital ang bill ng kuya niya kung hindi mabubuwang siya kakahanap ng pera lalo na wala na siyang trabaho ngayon. Anim na buwan ng comatose ang kuya Stefano niya matapos mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang van papunta sa isang medical mission. Isang nurse ang kuya niya at nagvolunteer ito na sumama sa medical mission ng ospital na pinagtatrabahuan nito. Pagkatapos magpaalam sa mga dating katrabaho dumeritso siya sa ospital para bisitahin ang kuya niya. "Hi kuya! Good morning! Naririto na naman ang dyosa mong kapatid. Grabe ka kuya anim na buwan ka ng natutulog d'yan hindi pa ba sumasakit ang likod mo?" ani ni Stephany habang inaayos ang kumot ng kuya niya. "O, Stephany, nandito ka na. Ayos lang ba sa 'yo na umuwi  muna ako ng maaga? Luluwas kasi sila nanay at ako ang inutusan ng ate ko na sumundo sa kanila sa terminal ng bus." ani ni Joy, ang girlfriend ng kuya niya. "Oo naman ate. Nakakahiya nga sa 'yo ikaw pa ang nagbabantay kay kuya." Anya. "Walang kaso namang kaso akin. Mahal na mahal ko ang kuya mo. Handa akong maghintay sa kanya kahit sinabi ng doktor na wala ng pag-asa." Niyakap ni Stephany si Joy na umiiyak. Ayaw niyang makitang may umiyak sa loob ng kwarto ng kuya niya dahil ayaw niyang maramdaman ng kapatid na pabigat siya. Naniniwala siyang kahit walang malay ang kuya niya alam naman niyang naririnig nito ang paligid. "Tahan na ate naririnig tayo ni kuya. Ayaw naman natin siyang malungkot, diba? At saka hindi tayo nawawalan ng pag-asa na isang araw magising na siya." Anya. Pagkatapos ng madamdaming tagpo nagpaalam na si Joy. Naiwan naman si Stephany na pinupunasan ang kapatid. "Hay naku kuya!Alam mo bang may pumuporma na kay ate Joy. Naku! Naku! Kapag hindi ka pa gumising d'yan maaagaw na sa 'yo si ate Joy." Biro niya. Nagbabaka-sakaling magising na ang kapatid niya. Alam naman niyang mahal na mahal din ng kuya niya ang girlfriend nito. ----- Nahahapong napaupo si Stephany sa loob ng coffee shop. Maghapon siyang naghahanap ng trabaho at puro 'we will call you' ang lagi niyang natatanggap. Hindi na siya aasa sa mga 'yon dahil kung qualified talaga siya 'you're hired' agad ang makukuha niya. Habang sumisimsim ng kape nakita niya ang isang diyaro sa news paper stand kinuha niya ito at binaklat. Dumiretso siya sa classified ads at seryosong naghahanap ng trabaho. "Hi!" "Holy Chico! Ano ba ba't nanggugulat ka?" Anya. Mabuti na lang hindi siya umiinom ng kape sa mga oras na 'yon baka naitapon niya ito sa poging nasa harap. "Pasensiya ka na miss kung nagulat kita. Napansin ko kasi na seryoso kang nagbabasa r'yan." ani ng lalaki. "Kita mo naman pala na seryoso ako rito nanggugulat ka pa at saka anong ginagawa mo rito may marami pa namang bakante mesa do'n." Anya nang mapansin may nakalapag na kape sa harap nito. "Wala kasi akong kasama. Anyway, naghahanap ka ba ng trabaho?" Napansin kasi nito ang binabasa nang nilapag niya ang diyaryo sa mesa. Nasa classified ads ito. "Ano naman ngayon kung naghahanap ako ng trabaho? Bakit aalukin mo ako ng-?" Hindi niya naituloy ang sasabihin nang tiningnan siya ng maigi ng lalaki. Kung nakatayo lang siya siguradong hini-head to toe siya nito. "Aalukin sana kita ng trabaho." Bigla siyang kinalibutan at napayakap sa sarili. Sa tono kasi ng pagkakasabi nito na alukin siya ng trabaho ay may something. "Hey! It's not what you think. Miss, hindi ako masamang tao. Naghahanap kasi ng secretary ang boss ko. Marami namang nag-aapply kaya lang maski isa sa kanila ay hindi nakapasa sa iniatial interview na ibinigay ng boss ko. Kaya gusto kong alukin ka baka sakali malampasan mo ang initial interview ni boss." Pagpaliwanag ni Carl. Nabunutan naman siya ng tinik nang makitang kumalma siya. "Anyway, I'm Carl Peralta and you are?" Ani nito sabay lahad ng kamay. Tinanggap naman niya ito baka masabihan pa siyang rude. "Stephany. Stephany Guevarra. Saan ko ipapasa ang resume ko kung sakali at anong pangalan ng magiging boss ko?" Anya. "Ibigay mo na lang sa akin ang resume mo ako ng bahala at Travis McCain ang pangalan ng boss ko." "Travis McCain!" Bakas sa mukha ni Carl ang pagkadismaya. Akala niya si Stephany na ang hinahanap niya na hindi mahuhumaling sa boss niya. Unang kita niya palang dito kanina parang hindi na nito magugustuhan ang boss at napatunayan nga niya nang nakausap na ito pero nang sinabi niya ang pangalan ng boss bigla napalitan ang awra nito. Nagsisi tuloy siya nang nilapitan niya ito. "Sino ba 'yang Travis McCain na 'yan?" ani ni Stephany. Nagulat si Carl sa tanong ni Stephany. Hindi niya inakala na may hindi pala nakakakilala sa boss niya. Akala niya kilala ang boss niya particular sa mga babae. 'Teka, baka jino-joke time lang ako ng babaeng 'to. Napaka-imposible namang hindi niya kilala si boss.' Sa isip ni Carl. "Seriously, hindi mo kilala si Travis McCain?" ani ni Carl. "Magtatanong ba ako kung kilala ko?" Anya. Mukhang hindi talaga kilala nito ang boss niya. Siya na talaga ang kukunin ko mukha hindi naman ito basta-basta magpatitinag. "Sabi ko nga. Si Travis McCain ay ang CEO ng McCain Group of Companies. 28 years old. Nakatira sa Westwood Village. May kakambal siyang nagngangalang Trivor McCain. Magkamukhang-magkamukha sila." Napataas ang kilay ni Stephany sa sinabi nito. 'Kambal nga diba kaya magkamukhang-makamukha. Batukan ko kaya 'to? Ay! 'Wag na pala baka hindi pa ako natatanggap, e, fired na ako.' Sa isip niya. "At higit sa lahat wala pang asawa." ani ni Carl na may nakakalokong ngiti. "Paano naman umabot wala pang ang asawa ang boss mo?" Anya. "Baka naman kasi- 'Wag mo nang pansinin ang huling sinabi ko. So, ano ang desisyon mo?" ani ni Carl. "Pwede bang pag-iisipan ko muna?" Anya. "Walang problema. Heto ang calling card ko. Tawagan mo 'ko agad kapag nakapagdesisyon ka na. Iho-hold ko muna ang application ng iba. Sige mauna na ako may aasikasuhin pa kasi ako." ----- Nakatingin lang si Stephany sa hawak nitong calling card na binigay ni Carl kanina. Nagdadalawang isip siyang tawagan ito. Nagtext kasi ito kanina at sabi niya kaya hindi nakapasa ang mga nag-aaply bilang secretary nito dahil napakasama raw ng ugali ng boss niya. Akalain mong naka-isang dosenang secretary na ang Travis McCain na 'yon sa loob lamang ng isang buwan. At sinabi rin nito na malaki ang sweldo kung sakaling matanggap siya at may bunos pa kung umabot ka ng isang buwan. "Ano kuya, tatanggapin ko ba? Bigyan mo naman ako ng sign, o." Kausap ni Stephany sa kapatid. Kweninto niya sa kuya niya na tinanggal siya sa trabaho. Pati na rin ang alok ni Carl sa kanya. Napatulala siya nang makitang biglang gumalaw ang daliri ng kuya niya. Wala sa sariling napindot niya ang emergency button na nasa gilid ng kama na hinihigaan ng kuya niya. Dali-dali namang pumasok ang doktor at si nurse Joy na nagsimulang maluha. "Stephany, lumabas na muna tayo. Sila na ang bahala kay Stefano." ani ni nurse Joy. "Ate Joy, nakita ko gumalaw ang daliri ni kuya." Nakatulalang anya. "It's a good sign. Nagrerespond na ang pasyente although hindi ko pa alam kung kailan siya magigising. Patuloy niyo lang siyang kausapin at magdasal." ani ng doktor bago lumabas. 'Ito na siguro ang sign na hinihingi ko.' Sa isip niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD